CHAPTER 12

1.5K 50 36
                                    

JISOO'S POV

"Dad pwede po ba tayong mag usap?"

Tanong ko kay Daddy nang mapansin ko syang pababa ng hagdan. Ngumiti naman sya sakin ng tipid bago nya ko nilapitan at ginulo ng bahagya ang buhok ko.

Sa tingin ko naman, pwede ko pa rin syang tawaging Daddy kahit pa hindi ko sya totoong ama. Tutal naman, anak na rin ang itinuring nya sa amin ni kuya Seddie.

"May problema ka ba Jisoo?"

Tumingala ako dahil nangingilid na naman ang luha ko at pinipigilan ko na namang mapaiyak.

"Ahm, gusto ko lang po malaman kung bakit po kayo nagsinungaling sa akin na kayo ang totoong Daddy ko." plain na sabi ko. Ayoko na kasing magalit, sawang sawa na ko.

"Ji-Jisoo.."

Hahawakan nya sana ako sa pisngi pero umurong ako sa kanya. Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko kahit anong pigil ko rito.

"Jisoo, I'm sorry."

Yumuko sya at nakatingin lang naman ako sa kanya habang pinupunasan ko ang mga luha kong parang wala nang balak huminto.

"Binata palang kami noon ng Daddy mo, matalik na kaming magkaibigan. Binata palang din ako noon mula nang ipanganak ng Mommy mo si Seddie, palagi akong nasa bahay nyo at halos itinuring ko na ring anak ang kuya Seddie mo. Mahilig ako sa mga bata Jisoo, kaya kahit naipanganak na ng asawa ko noon si James at Rose, palagi ko pa rin kayong binibisita ni Seddie. Hanggang isang araw, namatay ang mga magulang nyo.."

Napakunot ang noo ko dahil sa tingin ko, meron na naman akong malalamang katotohanan. Sumasakit na rin ang ulo ko pero hindi ko muna inintindi yon.

"At ikaw naman Jisoo, 7 years old ka pa lang nagka-amnesia kana dahil sa isang aksidente."

"A-Amnesia? A-Anong aksidente?" Naguguluhang tanong ko.

"Jisoo.."

Mas lalong tumindi ang sakit ng ulo ko nang makita kong iika-ikang lumapit sa amin si kuya Seddie. Napahawak ako sa ulo ko pero hindi ko pa rin dinadaing ang sakit non. Lalapit pa sana si kuya Seddie sakin pero umurong na naman ako.

"Ano pa ba ang dapat kong malaman?" mariin na tanong ko. Nakita ko namang nangingilid na rin ang mga luha ni kuya Seddie.

"Jisoo, hindi namatay sa aksidente ang mga magulang natin.."

Napaawang ang bibig ko habang hinihintay ko pa ang karugtong ng sasabihin nya.

"Pinatay sila."

Napapikit nalang ako ng mariin nang sabihin iyon ni kuya Seddie.

"Paano? Sino?"

"Hindi ko alam Jisoo. Hanggang ngayon, hindi ko pa alam."

"Ibig sabihin, hindi pa sila nabibigyan ng katarungan?" galit na tanong ko at umiling lang sya ng marahan.

"Ikaw Dad, marami ka namang pera pero bakit hindi mo man lang natulungan na hanapin ang mga taong pumatay sa totoong mga magulang namin?" Halos pasigaw na tanong ko.

"Ginawa ko na lahat Jisoo."

Napasapo ako sa noo ko dahil parang hindi ko na kaya yung mga nalaman ko.

"Ako, paano ako nagka-amnesia?" tanong ko.

"Daddy Myth, pwede po bang maiwan nyo po muna kami ni Jisoo?" tanong ni kuya. Tumango lang naman si Daddy bago ito umalis.

"Kuya, please lang. Wag kana namang magsinungaling sakin." pakikiusap ko.

"Hindi na Jisoo, kaya makinig ka sakin."

Dollhouse (BTS BLACKPINK) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon