CHAPTER 8

1.7K 72 29
                                    

LISA'S POV

Malaki ang pasasalamat namin dahil nagising na si Daddy pero ang sabi ng doctor ay hindi pa raw sya pwedeng lumabas ngayon.

"Mga anak, ako nalang ang magbabantay sa Daddy nyo. Maaari na kayong umuwi para makapagpahinga kayo ng ayos." Sambit ni Mommy.

"Pero Mom, gusto rin po naming bantayan si Dad." giit ko.

"Lisa, mahihirapan kayong matulog dito ng maayos. Umuwi nalang kayo, bumalik nalang kayo dito bukas, wag nang makulit." giit pa ni Mommy.

"Tama ang Mommy nyo, bumalik nalang kayo dito bukas okay? Group hug muna tayo." Pagsang ayon ni Daddy.

Lumapit naman kami sa kanya bago kami nag-group hug. Nawala na talaga ang galit ko kay Daddy, akala ko pa nung una ay mga kapatid ko sa labas ang mga kapatid ko pero hindi pala dahil mas nauna pa pala silang maging anak ni Daddy kesa sa akin. Naiintindihan ko na rin kung bakit hindi nagawang magalit ni Mommy kay Daddy dahil kahit may mga anak ito sa mga naunang asawa nya ay sya pa rin naman ang huling minahal nito.

"Mag iingat kayo sa biyahe ah?" pagpapaalala samin ni Mommy.

"Kayo din po Mom, mag iingat kayo dito." nakangiting tugon ko.

"Mag iingat po kayo sa mga mumu dito." pabirong sabat naman ni Josh.

"Halika na Lisa." pag aaya sakin ni Ate Jisoo.

Nagsilabasan na rin kami ng kwarto para umuwi na sa bahay. Sumakay na kami ni kuya Raffy sa sasakyan nila Seddie at nakatabi ko si Jun. Nang mapatingin ako sa kanya ay umiwas sya ng tingin sakin. Bakit ba ang sungit sungit ng isang 'to?

Ang awkward ng nararamdaman ko dahil nasa gitna ako ni Jun at Gabriel. Si Gabriel naman ay nakapikit lang at nakapatong ang ulo nito kay Josh.

Bakit kasi hindi ako tinabihan ni kuya Raffy? Doon pa sya tumabi kay Rose, crush nya siguro yon. Wala namang masama kung magustuhan nya yon dahil hindi naman sila magkaanu ano.

"Lisa, panis na ba ang laway mo?" pang asar na tanong sa akin ni Thei na nasa harapan ng upuan namin.

Hindi ko sya sinagot, sa halip inirapan ko sya.

"Pasensya kana dyan sa kakambal ko, takot kasi yan sa babae." dugtong pa ni Thei. Nakita ko namang lumingon sa amin si Jennie at blangko lang syang nakatingin samin bago sya umiwas na ng tingin.

"Tumahimik ka dyan abnoy!" pang aasar naman ni Jun sa kanya.

Nang makarating na kami sa bahay ay dumeretso ako kaagad sa hapag kainan dahil naalala kong hindi pa pala namin naliligpit yung pinagkainan namin doon. Napakunot ang noo ko nang makita kong wala na yung mga pagkaing naiwan at hindi namin naubos doon.

"Sino ang gumalaw ng fried chicken ko?" inis na sabi ni Jisoo.

"Yung beef steak ko!" paghihimutok naman ni Thei.

"Hindi kaya nanakawan tayo?" tanong ni Josh kaya naman pumunta ako kaagad ng living room at sinuri ko kung meron bang nawala doon.

"Wala namang nawala." wala sa sariling sabi ko.

"Baka mga pusa lang yung kumuha ng mga pagkain natin?" Sabi ni Jun habang nakatingin lang din sa paligid ng living room.

Himala kinausap ako ng isang 'to?

"Pusa? Wala naman akong nakikitang mga pusa dito." giit ko.

"Baka wala ka pang nakikita pero meron talaga?"

"Mas mabuti nga kung pusa lang ang nakapasok sa loob ng bahay natin at hindi kung sino lang."

SEDDIE'S POV

Dollhouse (BTS BLACKPINK) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon