CHAPTER 4

2.2K 100 45
                                    

JISOO'S POV

Nagising ako dahil may humila ng kumot ko kaya kinusot kusot ko muna ang mga mata ko para tingnan si kuya Seddie dahil sa sahig lang sya natutulog.

Kukumutan ko sya dahil baka nilalamig na sya, pero napakunot ang noo ko nang makita kong wala naman sya doon. Nagsitasan ang balahibo ko sa tanong na kung sino ang humila ng kumot ko.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at napatingin ako sa bintana. Isinawalang bahala ko nalang kung sino man yung humila ng kumot ko. Mukang madaling araw palang pero bakit ang aga namang gumising ni kuya Seddie?

Bumaba ako nang kama at lumabas ng kwarto para hanapin si kuya Seddie. Napangiti ako ng makita ko sya sa harap ng malaking larawan ng ibong itim.

"Kuya Seddie anong ginagawa mo dyan?" tanong ko habang papalapit sa kanya. Seryoso naman syang napatingin sakin.

"Para kasing may tumatawag sakin papunta rito." sagot nya bago ibinaling muli ang tingin sa ibong itim.

"Imagination mo lang yun kuya, madaling araw palang oh? Halika, matulog nalang ulit tayo. Inaantok pa ko eh." sabay hikab ko.

Tumango naman sya sakin bago lumapit, napansin kong sumulyap pa sya sa larawang ng ibong itim bago nagpatuloy sa paglalakad. Napahinto kami sa paglalakad ng makasalubong namin si Tita Maiza.

"Seddie, Jisoo, ang aga nyo namang nagising?" nakangiting tanong nya samin.

"Oo nga po Tita eh, tutulog nalang po muna ulit kami." nakangiting tugon ko.

"Kayo po? Bakit ang aga nyong nagising?" pang uusisa ni kuya Seddie.

"Namili kasi ako sa palengke, mas fresh kasi ang mga isda at gulay kapag madaling araw, para sa pagkaing babaunin natin mamaya sa outing."

Napatango nalang kami.

"Sige, maiwan ko na kayo ah? Magpahinga nalang kayo ulit dahil maaga pa masyado." paalam pa ni Tita kaya naglakad na ulit kami pabalik sa kwarto.

"Kuya, sa kama kana lang din mahiga para tabi tayo." Pag aaya ko.

"Sige."

Umakyat na ko sa kama at ganoon din naman si kuya. Yumakap ako sa likuran nya bago ko dahan dahang ipinikit ang mga mata ko.

"Ate.. Ate.."

Napadilat ako nang may kumulbit sa likuran ko. Kumalas ako ng yakap kay kuya at nilingon ko kung sino 'yon and guess what, nakakita na naman ako ng multo kaya nagtalukbong agad ako ng kumot.

"Alis! Alis!" pananaboy ko sa multo habang nakatalukbong at nakapikit ang mga mata ko.

"Ate, gusto ko lang maglaro ng mani-manikaan." Muntik na kong mapasigaw pero pinilit kong ikalma ang sarili ko dahil baka magising si kuya Seddie.

Sinong hindi magugulat kung pagmulat mo ay nakadukdok sa muka mo ang duguang muka ng batang multo?

"Lumayo ka nga sakin! Sino ka ba?" iritadong tanong ko sa kanya.

"Ako po si Chuckie. Gusto ko pong maglaro ng mani-manikaan." nakangiting sagot nya kahit pa may dugo dugo ang bibig nya.

"Wala ka namang dalang manika ah?" pagsakay ko sa gusto nya.

"Doon po marami. Malalaking manika." sabay turo nya sa labas ng kwarto. Dahan dahan syang naglakad papunta sa pinto ng kwarto at dahil sa curiousity ko sumunod ako sa kanya kung saan man sya pupunta. Nagulat ako ng bigla nalang syang lumagpas sa pintuan dahil nakasara ito. Binuksan ko ang pintuan at dahan dahang lumabas doon dahil baka magising si kuya Seddie. Nakita kong deretso pa rin sya sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa kusina.

Dollhouse (BTS BLACKPINK) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon