CHAPTER 20

1.3K 53 7
                                    

JOSH'S POV

"Tita Maiza, may gusto po akong itanong."

Napatigil naman siya sa paghahalo ng niluluto niya at tumingin sa akin.

"Ano 'yun Josh?"

"May kilala po ba kayong Angelo o Chuckie?"

Napakunot naman ang noo niya bago siya umiling iling.

"Sino 'yun Josh?"

"Sabi po ni Raffy, kuya niya daw po 'yon."

"Kuya? Si Raffy lang ang anak ko sa pagkadalaga."

"Kung hindi nyo po anak 'yun, posible po bang kapatid lang iyon ni Raffy sa ama?"

Napaisip naman siya at tila naguluhan sa sinabi ko.

"Hindi ko alam Josh. Hindi ko na rin maintindihan kung ano bang mga pinagsasabi ni Raffy, kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanya. Dobleng sakit na ang nararamdaman ko sa kalagayan niya." malungkot na tugon niya bago siya tumalikod at ipinagpatuloy ang pagluluto niya.

"Nasaan na po ba yung asawa nyo dati?"

"Patay na siya Josh, namatay siya sa sarili niyang kademonyohan." seryosong sagot niya kaya naman hindi na ko umimik pa.

"Aalis na po pala ako Tita. Pupuntahan ko lang po yung Mommy namin." paalam ko.

"Sige Josh, mag iingat ka."

Napabuntong hininga ako bago ako lumabas ng bahay. Awang awa talaga ko sa kalagayan ni Raffy ngayon na para bang ayoko siyang iwan sa kwarto niya. Mabuti nalang at tulog pa siya dahil mapupuntahan ko na si Mommy at ang girlfriend ko.

--

"HONEY BUNCH SUGAR NG BUHAY KO IKAW LANG SAPAT NA!" sigaw ni Momo mula sa main door ng ospital bago siya tumakbo papunta sakin at niyakap ako ng mahigpit.

Minsan talaga nahihiya na ko sa ikinikilos niya dahil pinagtitinginan kami ng mga tao sa paligid pero at the same time kinikilig din ako dahil napakasweet niyang babae at wala siyang pakialam sa sasabihin ng mga ibang tao.

"I miss you, honey bunch sugar ng buhay ko ikaw lang sapat na. Kamusta si Mommy?"

"Nandoon sa kwarto niya kasama yung Paeng na kapatid nyo daw."

Nakaramdam ako ng matinding excitement kaya niyakap ko ulit siya bago ko siya hinila papasok sa loob ng hospital.

Pagpasok ko sa loob ng kwarto nakita ko kaagad si Mommy na nakaupo sa isang hospital bed katabi ng isang lalaki. Biglang bumilis yung heartbeat ko kasabay ng pangingilid ng mga luha ko nang mapatingin sa akin yung lalaki na nasa tabi ni Mommy. Blangko lang siyang nakatingin sa akin pero ako ay parang mapupunit na ang labi ko dahil sa lapad ng ngiti ko sa kanya.

"Josh, anak! Siya si kuya Paeng mo!" Sabi sakin ni Mommy kaya naman dahan dahan akong lumapit sa kanya.

"I-Ikaw ba si kuya Paeng ko?" tanong ko sa kanya. Walang emosyon naman siyang tumango ng marahan kaya niyakap ko agad siya.

"Kuya.." Hindi ko na naiwasang mapaiyak dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko.

Naramdaman kong yumakap din sa amin si Mommy kaya mas lalo akong napaiyak.

"Honey bunch sugar ng buhay ko ikaw lang sapat na wag ka namang umiyak, naiiyak na rin ako eh." Umiiyak na sabi ni Momo kaya pinunasan ko na ang mga luha ko.

"Mommy, kakausapin ko lang po si Josh. Nurse, pakibantay muna si Mommy." paalam ni kuya Paeng bago niya ko tiningnan sa mga mata at naunang lumabas ng kwarto.

Dollhouse (BTS BLACKPINK) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon