CHAPTER 31

1.1K 41 18
                                    

ROSE'S POV

Tuluy tuloy ang pagpatak ng mga luha ko sa kabaong ni Daddy. Bakit kung kelan wala na siya, saka ko pa siya gustong lambingin, saka ko pa siya gustong yakapin. Napakasakit na mawalan ng isang ina, pero mas masakit tanggapin kung parehong wala na sila. Si Daddy na nga lang ang meron kami, nawala pa.

"Tama na Rose." Pagpapatahan sa akin ni kuya James. Unti unting yumukom ang kamao ko dahil sa nararamdaman kong galit sa kanya pero pinilit ko pa ring ikalma ang sarili ko.

"Palibhasa kasi, natutuwa ka pa." Mariin na sabi ko. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nya bago nya ko marahang hinila palayo sa kabaong ni Daddy kung saan walang makakarinig sa usapan namin.

"Akala mo ba ikaw lang nasasaktan Rose?"

"Totoo naman diba? Alam kong may pinlano ka. Akala ko tayong tatlo ang gagawa ng plano, pero anong nangyari? Anong ginawa mo kuya? Bakit nakatulog ako? Bakit namatay si Daddy?" Mas lalo akong napaiyak. Yayakapin nya sana ko pero lumayo ako sa kanya. "Sinasabi mong masamang tao si Daddy, pero ikaw, anong tingin mo sa sarili mo, ha kuya? Mabuting tao? Isang santo?!"

"Rose, hindi mo kasi naiintindihan. Hindi ang totoong Daddy natin ang kasama natin, demonyo siya." Mahina at mariin na sabi nya.

"Mas demonyo ka kuya!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong sabihin iyon. Alam ko kung gaano kalaki ang galit nya kay Daddy kaya alam kong may kinalaman siya sa pagkamatay ni Daddy. "Ang sabi mo may kinalaman si Daddy sa pagkamatay ng Mommy natin. Ngayon ba kaya mong aminin sakin na may kinalaman ka sa pagkamatay ng Daddy natin?"

"Rose, hindi ito ang gusto kong mangyare. Hindi ko ginusto ang mamatay siya dahil kahit gaanong kalaki ang galit ko sa Daddy natin, ama ko pa rin siya. Ang gusto ko lang mangyari ay ang sabihin nya ang lahat ng katotohanang itinatago nya at hindi ko inakalang aabot sa ganito."

"Sa tingin mo masasagot pa lahat ng mga katanungan mo ha? Kuya James?"

Yumuko siya at umiling iling.

"Tama na Rose, baka kung ano pang mangyare pag sumobra 'yang galit mo." Narinig kong sabi ni Seddie mula sa likuran ko. Hinawakan nya ko sa balikat pero marahas kong tinanggal ang kamay nya.

"Isa ka pa eh!" Sabay irap ko sa kanya bago ako padabog na umalis.

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko si Lisa at Jisoo na seryosong nag uusap. Alam kong kakatapos lang din nila umiyak base sa mga boses nila.

"Hindi ko rin maintindihan ate Jisoo. Sabi nila Mommy kapag umalis daw tayo sa bahay na 'to. Mamamatay daw tayong lahat, pero bakit nung nasa ospital tayong lahat, wala namang namatay?" Narinig kong tanong ni Lisa.

"Dahil siguro may namatay na sa atin, si Daddy Myth. Pero diba debut ni James? Dapat siya 'yung mamamatay, hindi si Daddy Myth."

"Hindi pa niya birthday ate Jisoo, nagsinungaling lang siya satin. Pero naniniwala ako na may alam talaga si Daddy sa mga nangyayari dito at hindi siya 'yung nasa katauhan nya."

"Ano kamo? Paano mo naman nasabi?"

"Kahit anong mangyari, dugo't laman nya ko kaya alam ko kung sino ba talaga si Daddy. Ang hindi ko lang alam ay kung matatapos na ba ang lahat ng ito dahil patay na siya."

Hindi ko na naiwasan ang lumapit para makisingit sa usapan nila. Nakita ko namang nagulat sila sa paglapit ko sa kanila.

"Natutuwa ka pa ba Lisa dahil wala na ang Daddy natin?" Tanong ko.

"Hindi ganon ate Rose." Giit niya.

"Palibhasa kasi, anak ka lang sa labas." Biglang sabi ko. Nakita ko naman ang unti unting pagkunot ng mga noo nila.

Dollhouse (BTS BLACKPINK) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon