"Saan ka pupunta Brad?" tanong ng classmate kong si Limwell.
"Sa labas. Naiihi na ako" walang emosyon kong tugon.
"Pinagbabawal na ang paglabas sa tent ng ganitong oras. Alam mo naman ang rule sa camping na ito."
"Anong gusto mo, pumutok ang pantog ko?"
"Bahala ka. Basta binalaan kita. Kapag nakita ka ni Dean Sumaway siguradong suspended ka ng isang linggo."
Hindi ko na siya kinibo at lumabas na ako sa tent namin. Sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin. Tiningnan ko ang mga nadadaan kong tent habang papunta ako sa hindi kalayuan na malaking puno.
"Pwede na dito" bulong ko.
Matapos kong umihi ay humarap na ako pabalik sa camping tent namin ng biglang may humawak sa braso ko.
Nangatog ang dalawa kong binti ng makita kung sino ang may hawak nito.
Isang matandang lalaki na kulubot na ang mukha. May balbas siyang mahaba at nakasuot ng lumang balanggot na pahaba. In short para siyang ermitanyo.
"Sino ka? Anong kailangan mo sa akin?" nauutal kong tanong.
Hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa braso ko na lalong nagpakaba sa akin.
"Ikaw ang may kailangan sa akin Ezekiel" nakangiting sabi ng matanda.
"Kilala mo ako? Sino ka ba talaga?" matigas kong tanong pero halata pa din ang takot ko sa kaniya
"Kunin mo ito." sambit ng matanda sabay abot sa akin ng isang libro. Kung titingnan ay parang ordinaryong libro lang ito pero laking gulat ko ng umilaw ang loob nito.
Sa gulat ko ay nabitawan ko ang libro.
"Hindi mo dapat binibitawan basta-basta ang librong 'yan. Kailangan mo itong ingatan gaya ng pag-iingat mo sa sarili mo" tugon niya sabay abot sa akin muli ng libro. Paano niyang nakuha ang libro sa lupa at iabot ito sa akin ng hindi man lang siya yumuyuko?
"Lolo, mawalang galang na po, pero hindi ko kayo maintindihan. Iba nalang po ang pagbigyan niyo niyan. Marami na po akong libro."
"Pero iba ito. Ito ang librong magiging daan para...." hindi na naituloy ng matanda ang kaniyang sasabihin ng biglang may nagsalita.
"Sinong malakas ang loob na nariyan?" matigas na sabi ng pamilyar na boses.
Bigla akong napatakbo sa likod ng puno. Kilala ko ang boses na 'yon; boses ni Dean Sumaway. Lahat ng estudyante sa campus namin ay takot na takot sa kaniya kasama na ako.
Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang mga yabang ng paa niya na papalapit ng papalapit sa kinaroroonan ko.
Pinagpawisan ako ng matindi ng mga oras na 'yon. Hindi pwedeng makita niya ako dahil hindi ko gugustuhin ang masuspend.
"Dean, may nahuli akong 3rd year student na nagpaplanong lumabas ng gubat!"
Salitang narinig ko malapit sa punong tinataguan ko. Sa boses nito ay halatang isang student council ang nagsasalita.
Narinig ko ang malakas na tawa ni Dean Sumaway. "Isang pasaway na estudyante na naman ang mapapatawan ng isang linggong suspensyon!"
"Patawarin niyo po ako Dean. Hindi ko naman gustong...."
"Manahimik ka!" pagputol ni Dean Sumaway sa estudyanteng nahuli sa pagtakas.
"Alvin, dalin mo na siya sa Dean's tent! Ngayon Na!" dugtong niya. Hindi pa din natatapos ang nakakatakot niyang mga tawa.
Nakahinga ako ng malalim ng maramdaman ko ang mga yabag nilang papalayo sa akin. Buti nalang at hindi nila ako nakita.
Muling nanumbalik sa akin ang kaninang kausap kong matanda. Nasaan na siya? Bakit nawala na lang siyang bigla?
BINABASA MO ANG
DIRECTOR's GAME
FantasíaEzekiel Montemayor is a simple graduating student at an unknown university. He had no other hobby other than reading a book. Concealed in his friends, he has a secret he fears to reveal. That was the curse that kept him alive. Until one day, a herm...