Idinilat ko ang aking mga mata kasabay ng mga boses na naririnig ng aking tenga. Dahan dahan akong bumalikwas sa pagkakahiga at laking gulat ng makita ang napaka-gandang lugar na aming kinaroroonan.
Kapansin pansin ang magkatalikod na si Ciara at Darwin na waring pinagmamasdan ang mga nasa harapan nila. Sa kabilang banda naman ay ang nagtatalong si Ruffa at Ronnie. Hindi ko naririnig ang mga sinasabi nila pero base sa ekspresyon ng mukha nila, halatang nagbabangayan na naman ang dalawa.
"Gising kana pala" bungad sa akin ni Don na hindi ko man lang namalayan na katabi ko pala.
"Anong nangyari? Anong lugar ito?" magkasunod kong tanong sa kaniya.
"Hindi ko alam. Basta may nakita daw si Lyka sa vision niya na siguradong mapapahinga tayo. So dinala kami dito ni Darwin gamit ang compass niya." seryoso niyang sabi.
Tiningnan ko ang buong lugar. Sa harapan namin ay may isang malaking puno na napaka-liwanag. Ito ay napapalibutan ng malinaw na tubig. Nag rereflect ang liwanag ng puno sa tubig na mas lalong kinaganda nito. Idagdag mo pa ang napaka-liwanag na buwan na siyang nagpa-ganda sa buong paligid.
"Alam mo kanina nung dumating kami dito, yung puno na iyan ay walang dahon. Para siyang patay na puno na puro sanga lang. Hanggang sa dumating ang takip-silim at unti unting nagsiliparan ang mga makikislap na alitaptap na iyan." pag-kukwento ni Don.
Nakakamangha naman talaga ang ganda ng lugar. Napaka-presko nito. Malamig na simoy ng hangin, magandang tanawin at idagdag mo pa ang magandang bilog na buwan at ang makikislap na mga bituin. Hindi din maikakaila na ang isa sa kinaganda nito ay ang katotohanang kasama ko ang mga kapwa Keeper's ko na ngayon ay maituturing ko ng mga kaibigan.
"Ano pala nangyari sa mga aninong na kalaban natin?" pag-iiba ko. Bigla nalang kasing pumasok sa isipan ko ang naging laban namin.
"Tagumpay tayo. Nakuha namin ang lahat ng bolitas. Kung hindi mo pinasok ang isipan ni Toffer malamang natalo na kami. Matinding pinsala din ang mga nakuha namin bago namin nalaman na ang kalaban pala natin ay ang nilalang na nagtatago sa dilim." sagot niya.
Napansin ko ang pagtingin niya sa akin kahit na nakatingin ako sa maliwanag na punong nasa harapan namin.
"Oh bakit ka malungkot?" tanong niya
"Naalala ko lang si Rambato. Hindi ko lubos maisip na mawawala siya agad." Bakas sa pagsasalita ko ang matinding pagsusumamo
ng maalala kung paano bawian ng buhay ang alaga kong Ramba.
"Sino ba nagsabing nawala na siya?" sambit ni Don na tumayo sa kaniyang pagkaka-upo.
"Sundan mo ako, may ipapakita ako sa iyo." dugtong pa niya na mabilis na nag lakad papalayo. Bigla siyang huminto at muli akong tiningnan.
"Uupo ka lang ba dyan? Kung gusto mong makita ang alaga mo, sumunod ka sa akin." dugtong pa niya na sinunod ko naman. Bakit may parte sa puso ko na umaasa. Base sa sinabi ni Don, makikita ko si Ramba. Pero papaano?
Bigla akong napahinto ng makita ang kaninang iniisip ko lang. Si Rambato, masayang nakikipaglaro kila Clarice at Vergel.
"Rambato!" nag-iisang salitang lumabas sa labi ko. Hindi ito ganun kalakas pero sapat na iyon para marinig niya. Napalingon ang tatlo sa kinaroroon ko at nakita ko ang pagngiti ni Clarice at Vergel.
"Raaaaaaaamba!" masayang sigaw ni Rambato na mabilis na tumakbo papunta sa akin. Hindi na ako nagdalawang isip at tumakbo na ako pasalubong sa kaniya.
Bigla nalang akong napaluhod ng mayakap ko siya. Hindi ko lubos maisip na muli ko siyang mahahagkan. Akala ko tuluyan na siyang mawawala sa akin.
BINABASA MO ANG
DIRECTOR's GAME
FantasyEzekiel Montemayor is a simple graduating student at an unknown university. He had no other hobby other than reading a book. Concealed in his friends, he has a secret he fears to reveal. That was the curse that kept him alive. Until one day, a herm...
