"Sh*t! Sarado talaga ang lahat ng labasan!" inis na sabi ni Don. Kanina pa kami paikot ikot sa napakaluwang na building na ito pero ni isa wala kaming makitang pwedeng labasan.
"Kung pwede lang gamitin ang powers dito, ginawa ko na!" galit na sabi ni Janet na kanina pa naiirita sa mga nangyayari.
"Pwede naman diba?" sagot ni Fritzie.
"Oo Fritzie, pwede nga! Pero kaya nga hindi natin ginagamit kasi hindi pwedeng malaman ng mga nilalang dito kung ano talaga tayo. Diba?" pasinghal na sabi ni Janet na nakapameywang pa sa kanya.
"Okay. Pero paano natin mahahanap ang pangontra sa lason kung hindi natin alam kung saan ito nagmula." sambit ni Fritzie sa kawalan.
"Ang sabi ni Viancs, galing ang lason sa Lungsod ng Gen-Train at maaaring nakapasok na siya dito. Hindi kaya mali ang naisip nating lumabas sa building na ito at hanapin ang sagot sa lungsod ng Gen-Train dahil ang sagot ay nandirito na din?" saad ni Ronnie na pinagmamasdan ang mga Penyong unti unti ng nauubos.
"Alam ko na. Hatiin natin ang Grupo. Kailangang may humanap ng lunas para sa lason, at meron din namang titingin sa mga Penyo para hindi na malason ang iba." suhestyon ni Don na sinang-ayunan ng iba.
"Janet, Darwin at Toffer, kayo na ang bahala sa mga Penyo dahil mas nauna naman kayo sa amin dito. Bantayan niyo lahat ng Penyo kung maari ihiwaay niyo ang mga nalason sa mga wala pa. Habang kami ni Ronnie at Fritzie ay hahanapin namin ang taga Gen-Train na lumason sa kanila. Ezekiel at Clarice, kayo ang humanap ng Director's Office. Habang nagkaka-gulo dapat magawa pa din natin ang pakay natin. Ang mailabas ang Direktor sa mundo ng mga Loowa"
Sinang-ayunan naman namin ang plano ni Don. Buti nalang at nakakapag-isip siya hindi kagaya ko na isa lang pabigat sa grupo.
Naghiwa hiwaay na kami matapos ang planong iyon. Kasalukuyan kaming lumalayo sa mga Penyo para hindi nila kami mahalata.
"Nasa ika labing-apat na palapag na tayo pero hindi pa rin natin nakikita ang Office ng Direktor." inis na sabi ni Clarice na halatang pagod na sa nangyayari.
"May naisip ako. Bakit hindi ka maging invisible para malaya kang makakilos dito?" suhestiyon ko kay Clarice.
"Oo nga hano. Sige subukan ko."
Wala pang ilang segundo ng sagutin niya ako ay nawala na siya. Pero kapansin pansin ang Bolitas na lumulutang sa kawalan.
"Bumalik ka sa dati mong anyo." sambit ko at bumalik nga siya sa pagiging tao.
"Nagiging invisible ka nga pero hindi ang Bolitas. Mahahalata ka pa rin nila pag nawala ka."
"Eh paano na yan? Ano ng plano natin?" tanong niya.
"Magtago ka dali. May paparating." tugon ko saka ko siya hinila sa gilid ng pader. Alam kong hindi nila kami mapapansin dahil nasa pinaka corner kami.
Nakita namin si Viancs na kasama ang dalawa pang nilalang na kamukha niya. Matataas ang mga leeg nila na may maliit na ulo. Iisa lang ang mata nila pero meron silang mga tenga sa likod ng ulo nila. Kapansin pansin din ang mahahaba nilang binti. Ang mga kamay nila ay parang kamay ng agila. Nagmamadali silang maglakad na parang may importanteng pupuntahan. Lumabas na kami sa pinagtataguan namin ng mapansin naming wala na sila.
"Pansin mo ba ang hawak nila? Hindi ba iyon isang likido?" tanong ni Clarice.
"Oo. Parang pamilyar nga eh." sambit ko habang iniisip kung saan ko iyon nakita.
"Alam ko na. Yun yung likidong lumabas sa bibig ng lalaking hinahabol ng tatlong lalaki kagabi. Tama ba ako? At parang yun din yung isinusuka ng mga Penyo. Hindi kaya yun ang lason na pumapatay sa mga taga rito?" mabilis na sagot ni Clarice. May point siya. Maaring iyon ang lason o ang sagot para mawala ang lason.
BINABASA MO ANG
DIRECTOR's GAME
FantasyEzekiel Montemayor is a simple graduating student at an unknown university. He had no other hobby other than reading a book. Concealed in his friends, he has a secret he fears to reveal. That was the curse that kept him alive. Until one day, a herm...