"Ano gagawin mo?" tanong ni Ciara na nakasunod lang sa akin.
"Kukunin ko si Fritzie." seryoso kong sagot sa kaniya.
"Pero papaano? Nakakulong tayo dito?"
"Naisip ko na yan." nakangiti kong sabi.
Tumingala ako sa itaas na kinatingala niya din. Napansin niya pati ng mga Loowa ang isang lagusan na maari nilang takasan.
"Paanong nagkaroon ng butas sa taas?" taka niyang tanong.
"Gamit ito." wika ko sabay turo ng daliri ko sa aking sintido.
"Papatakasin natin ang lahat ng Loowa na naririto sa tulong ng iba pang Keepers. Nakaantabay na sila sa taas." sambit ko saka ako naglakad sa pintuan ng kulungan na nakalock.
"Paano kung mahuli sila?"
"Yun nga ang iniintay nating mangyari. Pag nahuli silang tumatakas, mag bibigay iyon ng distraction na kung saan magiging daan natin para makuha si Fritzie." saad ko na kinatango niya.
"Pero maaring mabawasan ang mga Loowa dahil kapag nangyari iyon, papatayin na sila ng mga halimaw." wika niya. Bago pa niya iyon sabihin, naisip ko na iyon.
"Alam ko. Kaya maiiwan ka dito para bantayan ang mga Loowa. Ako na bahalang kumuha kay Fritzie." sagot ko saka ko sinira ang pintuan na nagsasara sa kulungan. Hindi naman pala mahirap itong sirain.
"Zeke!" pagpigil ni Ciara ng nagsimula na akong lumabas. Tiningnan ko siya na seryosong nakatingin lang sa akin.
"Wag kang lalayo masyado. Kaya lang kitang protektahan ng shield ko hanggang ilang metro. Kapag napalayo kana sa akin, mararamdaman na nila ang prisensya mo." sambit niya na kinatango ko.
Iniwas ko na ang tingin sa kaniya at nagsimula na akong maglakad papunta sa direksyon na pinuntahan ng Direktor. Bago ako makalayo ay nabasa ko pa ang iniisip ni Ciara. Sinabi niya sa isip niya na mag-ingat ako. Napangiti naman ako ng mga sandaling iyon at bumulong sa kawalan. "Babalik ako ng buhay!"
Isang madilim na daanan ang binabaybay ko. Hindi ko ito alam kung san ito patungo pero malakas ang kompyansa kong tama ang daan na tinutumbok ko.
May ilan din akong nakasalubong na halimaw na papunta sa kinaroroonan nila Ciara, pero dahil protektado ako hindi nila ako nakita at naramdaman. Hanggang sa marating ko ang isang maliwanag na lagusan.
Mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko ang apat na halimaw na gawa sa buhangin. Sila ang nakalaban namin kanina lang. Sa gitna ng lugar na iyon ay ang babaeng hinahanap ko. Si Fritzie.
Nakahiga siya sa isang buhanginan na napapalibutan ng mga malalaking uod. Hindi sila basta ordinaryong uod lang dahil ang kanilang katawan ay mas malaki pa sa braso ko. Ang mukha nila ay daig pa ang makamandang na ahas. Nakakatakot ang kanilang makukulay na mga mata na kapag tiningnan mo ay para kang mahihipnotismo.
Ngunit kapansin pansin na hindi sila
nakatingin kay Fritzie. Ang mga mata nila ay nakatingin lang sa kawalan. Hindi kaya, wala naman talaga silang nakikita?
"Ano na ang plano natin sa isang iyan, Madamme Director?" rinig kong sabi ng itim na uwak. Alam ko siya ang nagpapanggap na Alvin.
"Hintayin lang natin siyang magising. Mas masarap makita ang nagmamaka-awa niyang mga mata at ang mga masasakit niyang hiyaw mamaya. Isa pa, masarap makita ang nangangalit na isipan ng kasamahan niya." nakakakilabot na boses ang lumabas sa telang itim na bigla nalang humarap kay Fritzie. Kahit na wala siyang mukha ay mababakas mo ang maitim at malakas na kapangyarihang nakakubli dito.
Bigla akong kinilabutan ng mga oras na iyon. Alam kong nasa proteksyon pa din ako ni Ciara dahil nararamdaman ko pa ang enerhiya niyang bumabalot sa akin pero bakit pakiramdam ko ay nakatingin sa akin ang Direktor? Nararamdaman niya ba ako o masyado lang akong nagpapadala sa takot.
BINABASA MO ANG
DIRECTOR's GAME
FantasiEzekiel Montemayor is a simple graduating student at an unknown university. He had no other hobby other than reading a book. Concealed in his friends, he has a secret he fears to reveal. That was the curse that kept him alive. Until one day, a herm...
