"Pintuan na naman?" sambit ni Ronnie na kanina pa inis na inis. Sabagay, kanina pa din naman ako naiirita sa mga pinapasukan naming pintuan at alam kong lahat ng kapwa ko Keeper's ay ganun din ang nararamdaman.
Nahanap namin ang ilang pintuang papasok sa apat na lungsod ng Loowa's Kingdom --- ang Gen-Train, Recrutis, Compenyo at Adminer. Ganun din ang ibang lugar na pinangyarihan ng ibang laban namin kagaya ng Center Wall at Amoras. Pero bakit hindi pa din namin mahanap ang pintuang magdadala sa amin sa
lungga ng Direktor.
"Siguro magpahinga muna tayo. Napapagod na din kasi ako" wika ni Janet na kanina pa nakabuntot kay Don.
"Tama. Humanap muna tayo ng pintuan na magdadala sa atin sa kapahingahan." sambit ni Vergel na kinahinto ni Toffer.
"Sira ka ba? Gusto mo na bang magpahinga habang buhay? Pintuan talaga ng kamatayan ang gusto mong mahanap?" sigaw nito na kinataas ng kilay ni Vergel.
"Pintuan ng Kapahingahan, hindi Kamatayan! Mag-kaiba yun!" pa-ismid na sagot ni Vergel
"Ahek. Sorry." pakamot ulong sambit ni Toffer.
"Tingnan ninyo" wika ni Ruffa na nakaturo sa isang kulay silver na pintuan.
"Sa tingin ninyo, saan papunta ang pintuan na iyon?" tanong ni Lyka.
"Hindi ba nakikita mo naman ang hinaharap? Bakit hindi mo tingnan sa vison mo?" tanong ni Janet
"Ayoko nga! Mas gusto kong gamitin ito sa makabuluhang bagay." sagot ni Lyka na kinairap naman ni Janet
"Tama si Lyka. Mas mainam siguro na makita nalang natin sa sarili nating mga mata." nakangiti kong singit sa kanila at pinangunahan na ang pagpunta sa pintuan.
"Seryoso ka ba Zeke? Baka kung anong lugar yan ha." pagpigil sa akin ni Toffer.
"Parang pintuan lang din ito ng mga pinasok natin kanina. Paano natin malalaman kung hindi ko bubuksan?" saad ko saka ko hinawakan ang hawakan ng pintuan.
"Ready Keeper's?" nakangiti kong tanong sa kanila na kinatango naman nila. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at parang may kung anong hangin ang humila sa akin papasok. Wala akong makita kundi ang maputing usok na bumabalot sa paligid.
"Zeke, andyan ka ba?" rinig kong tanong ni Don. Marahil ay wala din silang makita.
Sasagot na sana ako ng may mapansin akong parang bakal na nakalutang. Out of curiousity ay nagmadali akong naglakad at pinuntahan ito.
Nakita ko ang isang gate na bukas na may arko sa itaas.
"Immunicity?" wika ko sa kawalan. Ano naman ang meron sa lugar na ito?
Nagmadali akong naglakad para malaman ang nasa loob nito hanggang sa unti unting nawawala ang usok.
Gulat na gulat ako sa aking nakikita. Isang bundok na tambak ng basura lang ang laman nito. So basurahan lang ang napasok namin?
"Seryoso? Ang ganda ng pa-welcome ng pintuan tapos basurahan lang pala ang nandito?" inis na sabi ni Toffer na nasa likuran ko na pala.
"In fairness, isang basurahan na hindi maamoy!" wika ni Ruffa
"Ikaw lang naman kasi ang maangot." walang emosyong sabi ni Ronnie na kinainis naman ni Ruffa. As usual, nagbangayan na naman ang dalawa.
"So anong balak natin?" tanong ni Lyka
"Ano pa ba, edi umalis na tayo. Pasukin nalang natin ang ibang pintuan." sambit ni Janet na nagsimula ng tumalikod para lumabas.
"Sandali. May nararamdaman ako." wika ni Vergel na naglakad papalapit sa bundok ng basura.
BINABASA MO ANG
DIRECTOR's GAME
FantasíaEzekiel Montemayor is a simple graduating student at an unknown university. He had no other hobby other than reading a book. Concealed in his friends, he has a secret he fears to reveal. That was the curse that kept him alive. Until one day, a herm...
