Napabalikwas ako sa aking pagtulog ng tumama ang mainit na sinag ng araw sa mukha ko. Nakasandal lang pala ako sa isang puno na ginawa kong higaan. Nakita ko ang mga kasama ko na nag-iinat ng katawan na halatang kakagising lang din.
Hindi ko inaasahan na aabutin pa kami ng pagsikat ng araw sa lugar na ito. Ang akala ko ay magsisimula na ang laro kahapon ng biglang magpakawala ang Direktor ng isang maitim na usok na nagpadalim sa buong Center Wall.
"Gising kana pala" tanong ni Clarice na nakatingin lang sa akin na halatang antok na antok pa.
"Yeah. Goodmorning!" sagot ko.
"Mukhang ngayon na magsisimula ang unang laro." saad ni Ronnie na pinapanuod ang mga Loowang nasa paligid.
"Nasan ang Direktor? Bakit hindi ko siya maramdaman?" tanong ni Vergel na halatang kanina pa gising at pinapakiramdaman ang paligid.
"Maaaring hindi natin siya nakikita at nararamdaman pero alam kong nasa paligid lang siya" sambit ni Don habang sinisipa ang mga damong nasa harapan niya.
"It seem's like, pagod na pagod si Ruffa." sambit ni Darwin na kanina pa nakatingin sa dalaga.
"Gisingin niyo na at baka maiwanan pa iyan." matigas na sabi ni Alvin na nakatingin lang dito.
"Hoy Alvin, ikaw ang malapit diba? Bakit hindi mo pa gisingin?" mataray na sabi ni Toffer
"Ikaw na, tinatamad pa akong tumayo." saad nito.
"Hay nako. Sobrang tamad mo talaga. Ako na nga lang!" inis na sabi ni Toffer na naglakad na papunta kay Ruffa. Naka sandal si Ruffa sa isang puno ngunit natatakpan ng buhok niya ang kaniyang mukha.
"Hey Ruffa. Gising na!" wika ni Toffer saka tinapik tapik ang balikat nito.
"Hay nako Ruffa. Masyado ka namang nasarapan sa pagtulog. Wala ka naman sa kama!" inis na sabi ni Toffer ng hindi pa ito nagigising.
"Busit na babaeng ito. Paimportante ha!" pagmamaktol ni Toffer saka niya hinawi ang buhok ni Ruffa na tumatabing sa mukha niya.
"Sh*t!" pagmumura nito na nagpagulat sa amin. Napa-atras si Toffer kay Ruffa na hindi na muling nagsalita.
"Anong meron?" sigaw ni Janet na napatayo na sa kaniyang pagkakaupo.
Mula sa kinaroroonan ko ay lumapit na ako kay Toffer ngunit napahinto ako ng makita ko ang itsura ni Ruffa. Gising siya pero hindi siya gumagalaw. Kitang kita ko ang kaniyang paghinga ngunit para siyang naparalisado na hindi makakilos. Ang kaniyang kanang pisngi ay parang hiniwa na kung saan nilalabasan ito ng mga maliliit ng uod.
"F*ck! What happened to Ruffa?" nandidiring sabi ni Darwin na hindi magawang lumapit dito.
Mabilis na lumapit si Lyka at hinawakan ang kamay ni Ruffa. Muli na namang umilaw ang kaniyang mga mata. Alam kong may inaalam siya sa kaniyang Vision.
"Isang Cruts ang may gawa nito. Habang mahimbing tayong natutulog kagabi, napag-interesan nila si Ruffa. Gamit ang pangil na may lason, nagawa nilang hiwain ang mukha ni Ruffa na hindi natin namamalayan dahil binalot tayo ng maitim na usok kahapon na siyang nagpatulog sa atin." sambit ni Lyka.
Lumapit naman si Ciara para hawakan ang pisngi ni Ruffa na inuuod. Mabilis siyang naglabas ng enerhiya para gamutin si Ruffa ngunit na pa-iling lang ito.
"Kaya kong patagalin ang buhay niya pero hindi ko kayang alisin ang lason. Masyadong makamandag ang lason sa katawan niya. Kailangan nating makuha ang pangil na pinanghiwa sa kaniya dahil yun din ang gamot para mawala ang lason." sambit ni Ciara.
"Anong dapat nating gawin? Hindi pwedeng ganyan lang si Ruffa." sambit ni Fritzie.
"Ang hanapin ang Cruts na may gawa nito." wika ni Don
BINABASA MO ANG
DIRECTOR's GAME
FantasíaEzekiel Montemayor is a simple graduating student at an unknown university. He had no other hobby other than reading a book. Concealed in his friends, he has a secret he fears to reveal. That was the curse that kept him alive. Until one day, a herm...
