DG19: Hide Keepers, Seek Secrets!

576 23 4
                                    

"Ano guys, nakita niyo si Alvin?" tanong ni Toffer ng muli kaming magkita kita sa bungad ng Dako Madilim. Kahit alam mong nagkagalit ang dalawa ay nag-aalala pa din naman itong si Toffer.

"Walang bakas ni Alvin kahit na saan." sambit ni Lyka na nawala na ang sinag sa kaniyang mga mata. Triny ko na ding hanapin siya gamit ang isipan ko pero hindi ko siya makita.

"Hindi ko din siya maramdaman" wika ni Vergel na kanina pa pinapakiramdaman ang paligid.

"Hindi kaya, wala na siya?" singit na sabi ni Janet na nakatingin lang sa mga Loowang nagkalat sa bungad ng Dako Madilim.

"Wag kang mag isip ng ganyan. Baka ayaw niya lang magpakita sa atin." wika ni Ruffa.

"Hindi eh. Kasi kung ayaw niya lang magpakita sa atin, dapat nakita na siya ni Lyka, naramdaman ni Alvin at nababasa ni Zeke kung nasaan man siya. Hindi ba kapag namatay na ang mga Loowa sa Laro, nawawala nalang sila bigla. Sa tingin niyo, tama ba ang naiisip ko?" tugon ni Janet na nag pa-isip sa amin. May point naman siya dun. Pero kung ganun nga ang nangyari, paanong nangyari iyon?

"Hindi mo ba mababalikan ang buong nangyari sa Dako Madilim?" tanong ni Clarice na nakatingin kay Lyka

"Ginawa ko na, pero bukod tanging ang prisensya niya lang ang hindi ko makita sa Vision ko." sagot nito.

Binalot kami ng katahimikan ng mga sandaling iyon. Lahat kami ay nag-iisip kung ano ba talaga ang totoong nangyari.

"Mukhang malalim ang iniisp niyo ah?" salitang bumasag sa katahimikan namin.

"Alvin?" sigaw ni Ciara.

Sinalubong naman ni Don ng suntok si Alvin na kinabigla namin. Sa lakas ng suntok ni Don ay napabagsak si Alvin.

"F*ck You! Alam mo bang pinag-alala mo ang grupo. San ka ba galing?" sigaw ni Don

Ngumiti lang si Alvin at tumayo.

"Akalain mo nga naman. Nag-aalala pala kayo sa akin. Sobrang sweet ha." sambit nito na mas lalong kinainis ni Don.

"Oh tama na yan! Ang mahalaga diyan kumpleto pa tayo. Tara na nga!" wika ni Vergel na umakbay sa pagitan ni Alvin at Don.

Nasa gitna kami ng paglalakad ng kalabitin ako ni Ronnie. Magsasalita na sana ako ng umamba siyang wag akong maingay.

"Ano yun?" pabulong kong tanong.

"Wala ka bang napapansin kay Alvin? Ibang iba ang awra niya." wika nito na nakatingin lang sa likod ni Alvin na kasalukuyang kausap ni Vergel.

"Akala ko ako lang ang nakapansin. Inalis ko na sa isip ko yun dahil akala ko nag- oover react lang ako. Pero since magkamukha tayo ng nararamdaman, sa tingin mo, anong meron sa kaniya?" tanong ko.

"Kaya ko nga tinanong kasi nakakabasa ka ng isip diba? Basahin mo nga iniisip niya kasi iba talaga nararamdaman ko. Ibang iba ang dating niya sa dating Alvin na kasama natin kahapon." wika niya.

Mula sa kinatatayuan ko ay sinimulan kong titigan si Alvin at binalak na pasukin ang isip niya ngunit bigla nalang akong tinapik ni Darwin.

"Anong pinag-uusapan niyo? Mukhang seryoso kayo ah?" nakangiti nitong sabi na nagpakamot ng ulo ni Ronnie.

"Ah. Eh. About sa susunod na laban." nauutal kong sabi.

"Ako din nag-iisip kung ano na naman kaya ang pakulo ng Direktor." wika nito na nag-paisip din sa akin.

"Bakit hindi nalang natin tingnan. Nandun na sila sa bukana." saad ni Ronnie. Nabasa ko naman ang nasa isip niya na huwag ng mag-kwento about sa nararamdaman namin kay Alvin. Mabuti na rin na kami palang ang nag-dududa dahil ayaw naman naming mabago ang tingin nila dito.

DIRECTOR's GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon