"Arrrrggghhhhh" rinig kong hiyaw ni Don.
Kahit na sobrang sakit ng mukha ko ay pinilit ko pa ding tumayo at nakita ko siyang nakataas ang kamay na naglalabas ng hangin at pilit na inaalis ang mga gumuhong pader.
Wala akong nagawa kundi ang tingnan lang siya. Inis na inis ako sa sarili ko. Gusto kong magalit. Gusto kong saktan ang sarili ko. Bakit kasi mas pinili ko pang unahin ang Direktor kesa ang bantayan ang kasama namin.
"Bro. tama na. Wala na tayong magagawa." saad ni Darwin na pilit pinapatigil si Don sa pagwawala.
"Hindi pwedeng kulang tayo. Hindi pwedeng may mawala." sagot niya na napaluhod na sa nangyayari. Nakita ko ang pagpatak ng luha sa kaniyang dalawang pisngi.
"Baka maibalik pa natin ang lahat sa dati." saad ni Janet at triny na pitikin ang kaniyang daliri para ayusin ang setting ng lugar. Pero walang nagbago.
"Maaring kaya kong baguhin ang setting ng isang lugar, pero hindi ko kayang ibalik ito sa dati." sambit niya. Ngayon ko lang siya nakitang naging malungkot sa kabila ng mataray niyang mukha.
Wala ring emosyon ang iba pa naming kasama na nakatingin lang sa gumuhong MarMar Building.
"Patawarin niyo ako. Hindi ko sinasadyang mawala si Clarice." umiiyak kong sabi. Biglang lumapit sa akin si Fritzie at hinimas ang likuran ko.
"Hindi mo kasalanan. Maaring hanggang duon nalang talaga ang laban niya." sambit niya. Pilit niya pinapalakas ang loob ko kahit na ang sama sama ng tingin ko sa sarili ko.
"Argghhh" hiyaw ni Fritzie na nakahawak na sa kaniyang dalawang tenga.
"Anong naririnig mo Fritz?" tanong ni Toffer. Lumapit na silang lahat sa amin na waring may gustong malaman na sagot.
Pumikit si Fritzie at pinakiramdaman ang kaniyang mga naririnig.
"Si Ciara, nasa panganib si Ciara." saad niya na nagpataas ng balahibo ko.
"Asan siya? Naririnig mo ba kung saan siya naroroon?" tanong ni Ronnie na halos humiyaw na rin. Ramdam mo sa mga awra nila ang matinding pag-aalala.
"Mga tawanan lang ng mga hindi ko kilalang nilalang ang naririnig ko saka ang panaghoy ni Ciara. Kailangan na niya ang tulong natin." sambit nito saka niya binitawan ang kaniyang tenga.
"Kailangan nating tulungan si Ciara. Hindi na ako papayag na may mawala pa sa atin." desididong sabi ni Don na nagpabalik ng galit ko sa sarili ko.
Nang mga oras na iyon ay hindi ko alam pero nalungkot ako ng hindi na ako pansinin ni Don. Dati rati kahit na sobrang tigas niya, nandyan lang siya, pero ngayon ramdam ko ang pag-iwas niya.
"Hindi natin pwedeng iwan ang mga Penyo ng ganito lang. Kailangan nila ng tulong natin." ani Ronnie na tinitingnan ang mga kawawang halimaw na nasa paligid lang namin.
"MarMar Building lang ang nasira hindi ang buong lungsod ng Compenyo. May buhay pa sila after magunaw ang lintek na building na iyan. Pero si Ciara na nagdurusa sa hindi natin malaman na lugar, hindi natin siya kayang pabayaan!" sigaw ni Don. Ramdam mo na naman ang galit niya ng mga sa daing iyon.
"Oh tama na Brad. Wala ng mangyayari kung hihiyaw ka. Ang dapat nating alamin ay kung nasaan si Ciara at kung paano natin ligtas na iiwan ang mga Penyo." saad ni Darwin
Bigla akong nakaramdam ng pananakit ng ulo. Hindi ko maipaliwanag pero parang may mga taong nagsasalita sa isipan ko.
"Arghhhhh" sigaw ko ng hindi ko na makontrol ang papanakit ng ulo ko. Napahawak nalang ako dito ng mga sandaling iyon.
BINABASA MO ANG
DIRECTOR's GAME
FantasíaEzekiel Montemayor is a simple graduating student at an unknown university. He had no other hobby other than reading a book. Concealed in his friends, he has a secret he fears to reveal. That was the curse that kept him alive. Until one day, a herm...