DG18: Power Tandem

611 47 2
                                        

"Kanina pa tayo naglalakad pero wala pa din tayong mahanap na pwede nating matulugan." pagmamaktol ni Alvin. Simula ng pasukin namin  ang Dako Madilim ay wala na akong narinig sa kaniya kundi ang magreklamo.

"Kahit naman ata maglakad tayo ng maglakad walang magandang lugar na maari nating pagpahingahan. Tumigil na kaya muna tayo!" dugtong pa niya na huminto na sa paglalakad.

"Mukhang tama si Alvin. Kanina pa tayo naglalakad pero parang wala ng magandang spot dito maliban sa mga puno. Siguro dito na lang tayo mag paumaga. Tutal ang mga Loowa naman kung saan saan nalang din tumambay!" sambit ni Clarice.

"Okay sige. Pero saan naman tayo mahihiga dito? Medyo masakit na kasi ang likod ko." sambit ni Ruffa na naupo sa sa ugat ng puno.

"Pwede na ba yan?" nakangiting sabi ni Janet na sa isang pitik lang ng daliri ay ginawa niyang duyan ang mga sanga ng puno.

"Wow naman Janet. Gagawa ka nalang ng higaan hindi mo pa nilambutan. Kahit man lang sana sofa kung ayaw mo ng kama." nakangising sabi ni Toffer.

"Hoy Palaka, pasalamat ka may mahihigan pa tayo ng dahil sa akin. Ano gusto mo mahiga dyan sa lupa? Sumandal ulit sa puno? Yan lang nakaya ng powers ko at pagod ako! Ikaw bakit hindi ka maglabas ng comforter diyan sa malaki mong bibig ng malambutan yang katawan mo!" inis na sagot ni Janet na nag simula na umupo sa duyan.

"Edi Shinggg!" pang-iinis lalo ni Toffer

"Kayo talaga. Nag away na naman kayo! Pero salamat dito Janet." nakangiting sabi ni Fritzie na namili na ng duyan na hihigaan niya.

"Salamat Janet. Malaking tulong yan sa bawat isa sa atin." nakangiti kong sabi

"Oh ikaw Zeke, hindi ka pa ba magpapahinga?" tanong ni Vergel na nakahiga na sa duyan niya.

"Maya na. Mauna na kayo. Magpapahangin lang ako." sambit ko.

"Magpapahangin ka pa? Eh ang hangin na nga dito sa kinaroroonan natin. Ano pa bang hangin ang gusto mong langhapin? Hahaha" natatawang tanong ni Ronnie.

"Ang ibig sabihin lang ni Zeke, gusto niya mapag-isa. Pagbigyan na natin." singit na sabi ni Don

"Bahala kayo, basta ako magpapahinga na!" matigas na sabi ni Alvin. Kahit kailan talaga ang lalaki na ito.

"Goodnight Keeper's!" wika ni Darwin na sinang-ayunan naman ng lahat.

Naglakad na ako hindi kalayuan sa mga kasamahan ko. Mula sa kinatatayuan ko ay naaaninag ko pa naman sila kahit masyadong madilim sa loob mg gubat.

Inilibot ko ang dalawa kong mata. Wala akong ibang matanaw kundi ang madilim na paligid.
Literal itong isang Madilim na lugar na kahit ata mag umaga na ay madilim pa din dahil sa malalaki at dikit dikit na puno.

"Anong iniisip mo?" sambit ng pamilyar na boses na kinagulat ko.

"Ciara!"

"Bakit di ka pa nagpapahinga?" tanong ko at naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin.

"Hindi ako makatulog. Iniisip ko kung bakit pa ako naririto sa mundong ito. Kung bakit ako binigyan ng kapangyarihang magligtas ng iba, eh sarili ko nga hindi ko mailigtas" malungkot nitong sabi.

"Ikaw ang nagtanong, ikaw din ang sumagot." pagpapatawa ko para naman malibang siya. Alam ko na kasi kung saan na naman tatakbo ang usapan namin.

"Binigay sayo iyan dahil deserving ka! Yun lang yun." nakangiti kong sabi

"Yan naman ang paulit ulit mong sinasabi sa akin eh. Pero sa tingin mo Zeke, aabot pa ba ako hanggang dulo?" tanong niya saka siya tumingin sa akin.

"Aabot tayo! Okay! Wag kana malungkot. Wag ka mag isip ng mga bagay na magpapadown sayo, ang isipin mo kung ano pa ba ang kayang magawa ng kapangyarihan mo maliban sa gumamot. Sa tingin ko hindi mo pa nailalabas ang buong potential mo. Yun ang dapat mong pagtuunan ng pansin" saad ko na kinatango niya.

DIRECTOR's GAMEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon