DG7: Lungsod ng Compenyo

802 25 4
                                        

Tik. Tik. Tik. Tik.

Tuk. Tuk. Tuk. Tuk.

Mga tunong na nagpataas ng balahibo ko. Para itong kamay ng orasan na nagmamadaling lumipat ng oras.

"F*ck! Magsasara na ang MarMar Building." pagmumura ni Don na halos hindi na mapakali sa nangyayari.

Kanina pa kasi kami lakad ng lakad pero hindi pa namin makita ang pintuan patungo sa sinasabi nilang Building.

Biglang lumabas sa kung saan ang kakambal ni Ronnie, or should I say, ang clone niya. Pinarami niya kasi ang sarili niya para hanapin ang daan patungo sa lungsod ng Compenyo.

Nag-usap ang dalawang Ronnie at wala pang ilang segundo na magsalita na ang original.

"Nahanap ko na ang daan. Sundan niyo ako." seryosong sabi nito. Nagmadali siyang naglakad na halos tumakbo na sa bilis. Nanatili lang kaming nakasunod sa kaniya hanggang sa marating namin ang isang malaking pader na walang pintuan.

"Paano tayo makakapasok niyan, walang pintuan saka masyadong mataas ang pader. Hindi natin maakyat iyan" paghihimutok ni Clarice.

"May ibang paraan naman siguro?" sambit ni Fritzie na itinutok ang tenga niya sa pader na waring inaalam ang nangyayari sa loob.

"Wala na tayong oras. Kailangan na nating makita ang iba bago pa tayo abutan ng takip-silim." seryosong singit ni Don na naglakad lakad na waring nag-iisip ng paraan kung paano kami makakapasok.

"Hindi tayo dadalin ng clone ko dito kung hindi ito ang daan. Tara na!" hiyaw ni Ronnie na biglang lumundag sa ilalim ng lupa.

Nagsilapitan kami sa nilundagan ni Ronnie. Isa itong butas patungo sa ilalim ng lupa. Madilim at masikip ito. Hindi ko alam kung ano ang nasa loob nito pero natatakot ako sa pwedeng mangyari sa amin.

Walang ano ano ay lumundag na din si Don na hindi man lang nagdalawang isip.

"Ikaw Ezekiel, Hindi kapa ba susunod?" tanong ni Clarice.

"Ah. Eh. Mauna na kayo. Ladies first diba?" nauutal kong sabi na kinatawa naman ni Fritzie.

"Natatakot ka no? Hahaha. Look at you, Nanginginig ang katawan mo. Hahaha" tawang tawang sabi niya na kina-inis ko.

"Hindi ako natatakot no. Gusto ko lang na mauna na kayo. Ako na ang mahuhuli." pag-papalakas ko sa sarili ko.

"Tara na. Dumidilim na" saad ni Clarice saka biglang lundag sa butas.

Walang pakundangang sumunod si Fritzie at naiwan ako kasama ang clone ni Ronnie.

"Hindi ka ba sasama sa kanila?" nakangiting sabi ng clone ni Ronnie. Parang may ibig sabihin ang mga ngiti niya. Ngiting nakakaloko.

"Hindi mo gugustuhing abutan ng dilim. Ikaw rin." sambit niya na nagpataas ng balahibo ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, kaya wala akong nagawa kundi ang tumalon nalang din.

Halos mawalan ako ng boses kahihiyaw dahil sa bilis ng pagulos ko sa tinalunan kong butas. Daig ko pa ang nasa slide ng mga oras na iyon. Ramdam ko ang mainit at malagkit na mga likodong nakadikit sa buo kong katawan habang patuloy sa pag-usad ang katawan ko sa direksyon hindi ko alam kung saan patungo.

DIRECTOR's GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon