"Saan ka galing?" seryosong sabi ni Limwell ng magkasalubong kami sa hallway papunta ng canteen.
"Ah. Eh. Sa Library." nauutal kong sagot
"Sa Library? May klase tayo habang ikaw nasa library? Nako Zeke! Umayos ka! Mukhang hindi magandang impluwensya yan mga bago mong tropa!" inis na sabi nito.
"Kumain na muna tayo Brad." sambit ni Jerome saka umakbay kay Limwel.
"Hoy iiwan niyo ako? Di niyo ako isasamang kumain?" saad ko habang naglalakad sila papalayo sa akin.
"Tanungin mo yung mga tropa mo. Ayan na sila oh. Mukhang aayain kang kumain." sigaw ni Jerome na hindi man lang ako nilingon.
Akmang lalakad na ako para sundan sila ng biglang humarang si Don at Lyka
"Oh bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ni Don
"Galit sa akin mga tropa ko. Nagseselos ata sa inyo." sagot ko na nakatingin lang sa mga kaibigan ko na unti unti ng naglalaho sa paningin ko.
"Alam ba nila ang tungkol sa atin?" balik tanong ni Don
"Hindi. At alam kong hindi nila kayo kilala. Kaya nga nagtataka ko bakit alam nila na kayo ang kasama ko." sambit ko
"Dahil nakita nila tayo na pumasok sa Medallions Hub." singit ni Lyka.
"Ano?" sabay naming tanong ni Don.
"Nakita ko lang sa vision ko. Nung time na naglabas ng ipo ipo si Don, para mailigaw natin ang atensyon nila, hindi maman talaga pumunta duon ang dalawa mong tropa. Nilingon ka din ni Limwell at napansin na nagmamadali kang tumakbo kasama kami. Sinundan nila tayo nung mga sandaling iyon!" saad ni Lyka na kinagulat ko.
"So ibig sabihin alam nila na nasa Medallions Hub tayo?" tanong ko
"Yeap. Pero ang alam lang nila nasa lumang building tayo. Hindi naman nila alam kung ano nangyayari sa loob nito. Kaya no need to worry. Ang kailangan mo ngayong gawin ay lituhin sila para mawala na ang pagdududa nila. Tandaan mo, walang dapat na maka-alam ng kapangyarihan natin." saad nito na kinatango ko naman.
"So bakit kayo nandito pala?" tanong ko sa dalawa.
"Aayain sana kitang mag lunch" sabay na sabi ng dalawa.
"Pero mukhang namiss mo yung dalawa kaya sige, puntahan mo na sila." nakangiting sabi ni Don.
"Tayo nalang kaya Don ang magsabay?" sambit ni Lyka.
"Oo nga. Bakit di nalang kayo magsabay na dalawa?" wika ko.
"Huh? May gagawin pa pala ako. Sige mauna na ako sa inyo. See you soon nalang." sambit ni Don na mabilis na naglakad papalayo.
"Tingnan mo yun. Ang gulo." wika ko na kinatawa niya.
"Oh siya puntahan mo na mga tropa mo. See you nalang din pag nag krus mga landas natin. Bayie" nakangiti nitong sabi saka nag wave sa akin.
Napa-iling nalang ako at naglakad papunta sa mga nag-iinarte kong tropa.
"Oops! Walang aalis!" seryosonkong sabi ng bigla nalang tumayo ang dalawa ng makitang tumabi ako sa lamesa nila.
"Umupo kayong dalawa!" mabigat kong sabi na kinaupo nila. Kilala ko na ang dalawang ito. Maarte pero alam kong nakakainti naman.
"Mga parekoy, wag na kayong magselos. Kayo ang barkada ko. Magkakapatid na tayo." nakangiti kong sabi.
"Magkakapatid ba ang tawag sa pagsisinungaling?Aba Zeke, first time mong nag cutting class. Saka ano naman ginagawa niyo sa bakanteng building sa likod ng campus?" tanong ni Limwel na matindi ang pagkakatitig sa akin.
BINABASA MO ANG
DIRECTOR's GAME
FantasíaEzekiel Montemayor is a simple graduating student at an unknown university. He had no other hobby other than reading a book. Concealed in his friends, he has a secret he fears to reveal. That was the curse that kept him alive. Until one day, a herm...
