DG32: End Game

636 27 2
                                        

"Sandali!" sambit ng Direktor na seryosong nakatingin sa walang malay na katawan ni Ronnie.

"Hindi siya ang totoong Keeper!" dugtong niya na kinagulat naman ng kakambal ko.

"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ni Kier na masuring tinitingnan ang ulo ni Ronnie na humiwalay na sa katawan niya.

Biglang nabalot ng kadiliman ang mga mata ng Direktor na naging dahilan para mawalang parang bula ang katawan ni Ronnie. Sinunod niya namang tingnan ang natitira pang Keepers at sa isang iglap ay nalusaw lang ang mga ito.

"Arghhhhhhhhh! Lapastangan! Isa kang traydor!" galit na sigaw ng Direktor na mabilis na napunta sa harapan ko. Galit na galit niya akong sinakal na kinangiti ko naman.

"Nasan sila?" matigas nitong tanong na kinangisi ko.

"Ayos ba ang palabas ko Madamme Director?" sambit ko na mas lalong nagpatindi ng galit niya. Sa tindi nito ay unti unting nagbago ang awra niya. Mas lumakas pa ito sa pangkaraniwan niyang kapangyarihan.

"Nagkamali ka na galitin ako!" wika nito na bigla nalang nagbago ng anyo. Ang kaniyang pangkaraniwang itim na telang suot na bumabalot sa kaniyang katawan ay nawala. Lumabas ang dalawang sungay sa noo niya kasabay ng paghaba ng buhok niya na kagaya ng samin ni Kier. May kung anong bagay naman na gumagalaw sa likuran niya. Isang buntot na kasing kamandag ng ahas. Ang binti at kamay niya naman ay unti unting nagbago na parang kaliskis ng mga isda. Kasabay nuon ay ang pagbabago ng kaniyang kasuotan na gawa sa pakpak ng mga itim na ibon. May kung anong kumikinang na pangil ang nasa leeg niya. Ang kaniyang mga mata ay kasing itim pa din ng dati ngunit mas nakakatakot na ito.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Ang lahat ng katangian ng mga Loowa ay nasa kaniya. Para siyang binuhay sa pamamagitan ng apat na nilalang ng ibat ibang lungsod ng Loowas Kingdom.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng matinding takot ng mga oras na iyon. Pero iwinaksi ko iyon dahil alam kong may laban kaming labing tatlo sa kanila.

Biglang lumabas sa kawalan ang mga kapwa ko Keepers na kinabigla ng Direktor na naging dahilan para mabitawan niya ang pagkakasakal sa akin. Gulat na gulat din at hindi makapaniwala ang kakambal ko.

Kung nagbago ang itsura ng Direktor, nagbago din ang mga Keepers suot ang kanilang mapangahas at mas makapangyarihang kasuotan na inilabas ni Janet. Kapansin pansin din ang matinding pagkagulat ng Direktor ng lumabas si Alvin, Fritzie at Clarice sa harapan niya.

"Paanong..." hindi na naituloy ni Kier ang sasabihin niya ng unti unting nagbago ang itsura ko. Unti unti nawala ang anyong ibon ko at napalitan ito ng isang kasuotang pandigma. Nakita ko ang pagngiti ni Janet na alam kong siya ang may gawa.

"The Medallion Keeper's is now finally complete." nakangising sabi ni Darwin na hindi na mapakali ang mga paa na sugurin ang Direktor.

"Tapusin na natin ito." sigaw ni Don na naging hudyat para iikot ni Janet ang singsing niya na naging dahilan para mabago ang setting ng lugar. Napunta kami sa Center Wall na kung saan kaming labing lima lang ang naroroon.

"Baka kasi masira ang kaharian mo kung duon tayo maglalaban." nakangiting sabi ni Janet. Naramdaman ko naman ang matinding pag-kaasiwa ng Direktor ngunit isang nakakalokong ngiti lang ang pinakawalanan niya.

"Kahit saan tayo maglaban, nakasisiguro naman akong mababawian ko kayo ng buhay." saad niya na sumibol ang nakakalokong ngiti. Biglang may lumabas na maitim na enerhiyang bumalot sa buong paligid.

DIRECTOR's GAMEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon