Akala ko ay hangin lang ang dumadampi sa akin, pero laking gulat ko ng maramdamang may nakayakap sa akin patalikod.
Tiningnan ko ang kamay na unti unting gumagalaw sa parting tiyan ko.
"What the hell. F*ck!" hiyaw ko sabay tanggal ng kamay niya. Hinarap ko siya at hindi nga ako nagkamali. Isang inaagnas na patay ang nakayakap sa akin. Sa takot at kaba ko ay nagmadali akong napatakbo.
Madaming patay ang gustong sumalubong at humabol sa akin. Hindi ko alam kung saan ako papunta pero kailangan kong makaalis dito. Sa lalim ng gabi at sa mga usok na naglalabasan sa nitso at sa kawalan ay nahirapan akong takasan sila.
"Ezekiel sa likod mo!" hiyaw ng isang lalaki. Si Ronnie. Humarap ako at nakita ko ang dalawang patay na inuuod ang buong katawan at mukha na papalapit sa akin. Umatras ako na naging dahilan para ma-out of balance ako na nag-pabagsak sa akin sa isang nitso.
Sa aking pagbagsak ay halos hindi na ako makabangon. Nakatitig lang ako sa dalawang bangkay na gustong lumapit sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin nila. Nakakatakot at nakakadiri ang mga itsura nila, pero nanatili lang akong nakatingin habang papalapit na sila.
"Anong ginagawa mo Zeke? Kumilos kana kung ayaw mong mamatay." rinig kong hiyaw ng isang lalaki. Hindi ko siya pinansin at nanatili lang akong naestatwa sa nangyayari. Akmang susunggaban na ako ng dalawang bangkay ng bigla akong pumikit. Ito na ba ang katapusan ko? Ganito ba ako kahina?
Matapos ang ilang segundo ay wala akong naramdamn na bangkay na dumikit sa katawan ko. Dumilat ako at nakita ko ang dalawang bangkay na naninigas sa yelo. Napatingin ako sa lalalaking nasa harapan ko. Ang nerd na si Don Kenneth. Nakataas ang kamay niya na nakatutok sa dalawang bangkay. Hindi kaya niligtas niya ako?
"Hindi ka ba magpapasalamat?" nakangiti niyang panimula. Sa itsura niya ngayon ay hindi mo mababanaag ang masamang tao na sinasabi ni Billy.
Tumayo ako at lumapit sa kaniya. "Salamat Brad." nakangiti kong sabi sabay abot ng kamay ko.
"No shake hands. Nakakabakla lang." sambit niya. "Hindi pwede ang mahina dito. Gamitin mo ang powers mo kung ayaw mong masama sa mga bangkay na nasa nitso." dugtong niya sabay talikod sa akin.
Naglakad na siya para salubungin ang mga bangkay na slow motion sa paglalakad. Itinaas niya ang kanang kamay niya at sa isang iglap, nanigas na parang bato ang mga bangkay na kasalubong namin.
Kung titingnan ay magagamit talaga nilang lahat ang kanilang powers kahit na saan dito. Eh ako? Anong panangga ko kung nakakabasa ako ng isip? Ako pa ba talaga ang pinaka malakas sa kanila kung sarili ko nga hindi ko mailigtas?
"Anong tinatayo mo dyan? Tara na at hanapin natin ang gintong bato." sambit niya. Wala akong nagawa kundi sundan siya. Sa ngayon na hindi ko pa alam gamitin ang powers ko ay kinakailangan kong maging sunod sunuran sa kanila.
Sa aming paglalakad ay nakita ko ang iba pa naming kasamahan na nakikipag-laban sa mga bangkay.
Literal na mabilis talaga itong si Darwin. Halos pati bangkay na patay na ay nahilo sa kaniya. At sa kaniyang paghinto ay ang pag-bagsak naman ng mga bangkay sa harapan niya.
Natanaw ko naman si Toffer na inuutusan lang ang mga bangkay na bumalik sa nitso nila. Mas napanganga pa ako ng mismong bangkay na ang nagsara ng nitso nila. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o matatakot sa nangyayari.
Sa gilid ko naman ay ang pag-hampas ni Ciara sa bangkay gamit ang isang patpat. Napangiti ako sa ginagawa niya. Halatang hindi siya sigurado kung kaya ba siyang iligtas ng patpat niya.
"Mabuti pa yung babae gumagawa ng paraan para mabuhay at makatulong na mabawasan ang mga bangkay, pero yung pinaka-magaling kuno wala man lang magawa." rinig kong sabi ni Janet na sunod sunod ang pag snap ng daliri para dalin kung saan ang mga bangkay na gustong sumugod sa kaniya.
BINABASA MO ANG
DIRECTOR's GAME
FantasyEzekiel Montemayor is a simple graduating student at an unknown university. He had no other hobby other than reading a book. Concealed in his friends, he has a secret he fears to reveal. That was the curse that kept him alive. Until one day, a herm...
