DG26: Director's Crib

549 27 1
                                        

"Rambato ano ba! Inaantok pa ako." pagsuway ko sa makulit na Ramba na walang ginawa kundi ang dilaan ako sa mukha. Halos ilang minuto ko na din siyang sinusuway ngunit wala  pa rin siyang tigil sa pag-gising sa akin.

"Raaaaaamba!" masaya nitong sabi na nagpabangon sa akin.

"Goodmorning din. Ang aga mo namang manggising. Tingnan mo nga oh, masarap pa tulog ng mga kasama ko." pagmamaktol ko ngunit bumangon na rin. Pagtayo ko ay ang unti-unting pagkawala ng ulap na hinigaan ko.

Bakit nahiwalay ata ako sa kanila? Kagabi kasi ay naisip ni Toffer na mas masarap matulog kung medyo malambot ang hihigaan namin kaya naglabas si Janet ng malaking ulap na ginawa naming higaan.

Sa aking pagtayo ay napansin ko ang malaking puno sa harapan. Wala na ang makikislap na mga alitaptap. Tanging mga sanga nalang ang natira. Ang lungkot palang tingnan ng punong ito sa araw. Waring isang pangyayaring masakit pagmasdam kapag napag-iwanan kana ng kinang ng mundo.

"Raaaaaamba!" pag-aalinlangang sambit ni Rambato na nakahawak sa binti ko.

Yumuko ako at binuhat siya. Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti habang inilalagay ko siya sa balikat ko.

"Okay lang ako. Wala kang dapat ipag-alala." nakangiti kong sabi sa kaniya.

Muli kong tiningnan ang mga kasama kong mahimbing na natutulog. Nakakatuwa silang pagmasdan. Kahit papaano ay na-isantabi namin ang matinding larong kinahaharap namin.

Napangisi ako ng makita na magkahawak kamay parin si Clarice at Vergel. Talagang kahit sa pagtulog nila ay hindi nila binitawan ang isat isa.

Sa kabilang side naman ang masarap na pagkakahiga ni Ciara sa mga bisig ni Darwin. Napansin ko ang bahagyang paggalaw ni Darwin ngunit sumenyas siya na huwag akong maingay at baka magising ang dalagang nakadantay sa kaniya. Akalain mo nga namang gising na pala siya. Mukhanh nag-eenjoy talaga siya sa consequence na nakuha nila.

Sa di kalayuan ay ang nakakatawang itsura ni Ronnie na ginawang kumot ang mahabang buhok ni Ruffa. Kitang kita pa ang nanuyong laway sa pisngi niya. Paano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nagising siyang nakapulupot ang buhok ng babaeng kinaiinisan niya sa katawan niya? For sure matinding riot na naman ito.

Maayos namang natutulog si Lyka na katabi si Janet at Toffer. Sa kanan naman ni Toffer ay ang nakatalikod na si Don na ginawang unan ang braso niya.

Nakangiti akong tumalikod sa kanila at inaya si Rambato'ng maglakad lakad muna.

Napadpad kami sa isang puno na hindi kalayuan sa mga kasamahan ko. Sumandal ako dito at umupo sa malaking ugat na nakalabas sa lupa.

Nagmuni-muni ako ng mga sandaling iyon hanggang sa ipasok ko ang dalawang kamay ko sa aking bulsa. Nakapa ko ang dalawang magkaibang bagay sa loob nito. Ang medallion nila Fritzie at Alvin at ang panulat na nakuha ko sa Immunicity.

"Raaaaaamba!" malungkot na sabi ni Rambato na nakatingin sa hawak kong medallion.

"Kung makapag-drama ka parang kilala mo ang may ari ng mga medallion na ito." nakangiti kong sabi saka hinimas ang ulo nito na kinangiti niya.

"Teka nga, bakit parang kilala mo sila? Saka paano mo akong nakilala sa Immunicity eh yung unang beses na nagkita tayo ay sa lungsod ng Recrutis diba? Tapos, nakabalik na kami sa mundo namin. Ang sabi pa ng mga masters namin, prototype lang ang mundong pinasukan namin. Kung ganun, bakit nung nagkita tayo sa bundok ng basura miss na miss mo ako?" dirediretso kong tanong na kinabigla niya. Naging pala-isipan tuloy sa akin ang mga nangyari.

Kung totoong prototype lang ang pinasukan namin noon, dapat hindi ako nakikilala ni Rambato kagaya ng mga Loowang hindi naman kami kilala ng mapunta kami sa Battle Stage. Tama! Dapat hindi ako kilala ni Rambato!

DIRECTOR's GAMEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon