DG24: The Shadow Stealer

533 27 5
                                        

"Sa wakas, nakaramdam din ng kapayapaan kahit na sandali." wika ni Toffer. Kasalukuyan kaming nagpapahinga sa ilalim ng malaking puno.

"Mabuti nalang at nagamit na agad natin ang compass ni Darwin. Hindi na tayo nahirapang hanapin ang tamang pintuan" nakangiting sabi ni Clarice na naka-dantay sa balikat ni Ruffa.

"Guys may tanong ako." singit na sabi ni Vergel na kanina pa nakatayo at nakatingin sa kawalan.

"Ano naman iyon?" tanong ni Ciara.

Bigla siyang tumingin sa amin at umupo sa isang bato na nasa harapan niya.

"May pag-asa kaya tayong ipanalo ang larong ito?" seryoso niyang tanong

Natahimik kaming lahat na waring pinag-iisipang mabuti ang dapat na isagot.

"Siguro." walang emosyong sabi ni Ronnie.

"Anong siguro. Sigurado yun! Ang lalakas kaya natin. Halos natalo na nga natin ang Direktor." kompyansang sabi ni Toffer na kanina pa kain ng kain ng prutas na pinitas niya kanina sa mga punong nadaanan namin.

"Hindi ka kaya malason dyan sa kinakain mo? Hindi mo nga alam kung ano bang prutas yan!" wika ni Don na walang ibang ginawa kundi ang bunutin ang damo sa harapan niya.

"Malakas loob ko kasi nandyan naman si Ciara. Saka hindi ba kayo nagugutom? Ilang araw na tayong di kumakain." sagot niya saka sabay pangal ng hawak niyang prutas.

"Oo nga hano. Hindi pa tayo kumakain simula ng pumasok tayo dito. Napaka-hiwaga naman talaga ng mundong ito." wika ni Lyka

"Dahil naka focus lang tayo sa pakikipaglaban. Siguro oras na din nga para kumain na tayo." sambit ni Darwin na mabilis na kinuha ang isang prutas sa harapan ni Toffer.

"See! Told you, gutom na din kayo. Hahaha" natatawa niyang sabi. Wala ng nagawa ang iba kundi ang kumuha na din ng prutas at sinabayang kumain si Toffer.

"Ikaw Zeke di ka pa ba kakain?" tanong ni Ciara habang inaabot sa akin ang prutas.

"Thanks" maikli kong tugon.

"Alam niyo guys, napa-isip lang ako, kamusta kaya tayo ngayon kung wala tayong kapangyarihan? Kasi sa halos ilang araw narin nating nandirito sa Loowas Kingdom, halos nakalimutan ko na ang buhay sa totoong mundo." seryosong sabi ni Janet na kinatahimik namin.

"Oo nga noh! Nakakamiss din ang mundo natin. Nakakamiss ding mag-aral." wika ni Vergel.

"Sa itsura mong yan nag-aaral ka? Mukha ngang nag-cucutting class ka lang." pamumuwisit ni Clarice

"Ano ka, isa ako sa pinaka-matalino sa buong section namin. Sa katunayan nga rank 4 ako." pagmamalaki nito.

"Rank 4? Baka naman Row 4. Hahaha" " natatawang sabi ni Clarice na kinatawa naman ng grupo.

"Raaaaaaaamba!" biglang sigaw ni Rambato na mabilis na nagpunta kay Ruffa.

"Ano ba Rambato! Bumalik ka nga sa amo mo! Zeke kunin mo nga ito!" naiiritang sabi ni Ruffa.

"Go Ramba! Dilaan mo lang yang kamukha mong kutong lupa." nakangising sabi ni Ronnie na kinasama naman ng tingin ni Ruffa.

"Mukhang gusto atang maparalisa ng isang epal dyan!" seryosong sabi ni Ruffa na kinuha ang isang hair clip sa buhok niya.

DIRECTOR's GAMEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon