"Wow!" isang salitang lumbas sa aming mga bibig. Lahat kami ay manghang mangha sa aming nakikita. Para kaming nasa ilalim ng tubig na kung saan makikita ang lahat ng uri ng hayop sa dagat.
"Mas maganda pala talaga pag pinasok mo ang pinaka loob ng lungsod" nakangiting sabi ni Janet. For the first time ngayon ko lang nakita ang nakapa-sincere niyang mukha.
"Behind this beautiful place, ano kaya ang nakatago dito?" seryosong tanong ni Don na kanina pa nililibot ng tingin ang buong lugar.
"Asan si Vergel at ang matandang Mineri? Akala ko may malaking pagtitipon na magaganap?" tanong ni Toffer na nagpabalik sa akin sa realidad. Oo nga pala, nandito kami para harapin ang Direktor.
"Hindi ko din alam. Pero walang bakas ni Vergel dito." saad ko na naguguluhan.
"Mali atang pinasok natin ang lugar na ito." ani Darwin na nagsimula ng mabalisa ang mga paa.
"F*ck! Isa itong patibong! Labas na!" hiyaw ni Toffer na mabilis na kumilos palabas ng pintuan ngunit napatigil siya ng biglang sumara ito.
"Guys tingnan ninyo." wika ni Ruffa na nagpagulat sa amin. Mabilis na nagsilabasan ang mga mga tubig na nanggagaling sa kisame.
"Hindi tayo pwedeng makulong dito." sigaw ni Ruffa na mabilis na pinahaba ang buhok niya para saraduhan ang mga butas na pinanggagalingan ng tubig.
"Hindi lang sa taas nanggagaling ang tubig." sambit ni Darwin na nakatingin sa kaniyang mga paa.
Unti unti naming naramdaman ang pagkabasa ng aming mga talampakan at ang mabilis na pag taas ng tubig na umaabot na sa aming tuhod.
"Hindi pwedeng nakatanga lang tayo. Kumilos kayo!" sigaw ni Don na naglabas na ng hangin para patigasin ang tubig.
"Tae! Ayaw umubra" inis na sabi ni Don na walang habas na naglalabas ng mga enerhiya sa kaniyang mga kamay.
"Wala namang inaksayang oras si Toffer at sinubukang maglabas ng kulog at kidlat para sirain ang lugar na pinagkulungan namin ngunit wala pa ding nangyari.
Habang ang iba ay gumagawa ng kani-kanilang paraan para mahanap ang daan palabas, ako naman ay nanatiling kalmado. Ipinikit ko ang aking mga mata at Pinakiramdaman ko ang buong paligid. Ngunit wala akong makitang way na maari naming labasan.
Hanggang sa maramdaman ko ang tubig na unti unti ng umaabot sa gawing leeg ko.
"Zeke, wala ka bang gagawin? Ano na?" hiyaw ni Ciara na nakakapit nalang sa buhok ni Ruffa. Tiningnan ko silang lahat na nakatingin lang sa akin. Parang sumuko na silang lahat at ako nalang ang inaasahan na magliligtas sa kanila.
"Walang susuko. Lalaban tayo!" pagpalakas ko sa kanila kahit ang totoo nahihirapan na din ako.
Ilang sandali lang ang lumipas ng lunurin na kaming lahat ng tubig. Kitang kita ko ang pakikipaglaban ng lahat. Lahat kami ay pilit na kumukuha ng hangin sa kung saan, hanggang sa unti unti na silang nanghina sa kapaguran.
Wala akong ibang ginawa kundi ang humanap ng paraan para makakita ng daan ngunit wala talaga akong makita. Nagpaikot ikot na akong naglalangoy ngunit wala talagang kahit na anong clue man lang para makalabas kami.
Sa aking paglalangoy ay kitang kita ko mula sa ilalim ng tubig ang mga kasama kong walang malay . Tanging si Darwin nalang ang may lakas para humanap ng way dahil sa mga buntot niya na naging dahilan para makatagal siya sa ilalim ng tubig. Pero ramdam na ramdam ko na din ang panghihina niya.
Lumangoy papalapit sa akin si Darwin. Kahit hindi nagsasalita ay nababasa ko naman ang gusto niyang sabihin.
"Zeke, wala na tayong pag-asa! Hindi ko na kaya!" wika nito sa kaniyang isipan na nag-palungkot sa akin.
BINABASA MO ANG
DIRECTOR's GAME
FantasiEzekiel Montemayor is a simple graduating student at an unknown university. He had no other hobby other than reading a book. Concealed in his friends, he has a secret he fears to reveal. That was the curse that kept him alive. Until one day, a herm...
