Naramdaman ko ang mga kamay ni Kier na humahaplos sa mga pisngi ko. Pinapawi niya ang mga luhang lumalabas dito.
"Shhhhh. Huwag ka ng umiyak. Diba ito naman ang gusto mo? Ang makita ako at magsama na ulit tayo?" nakangiti niyang sabi.
Hindi ko siya nagawang sagutin ng maramdaman ko ang pagkawala ng enerhiyang bumabalot sa mga binti at kamay ko. Pansamantala kong naramdaman ang kalayaan.
Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ko kay Kier ng mga oras na iyon. Yakap ng pangungulila at pagkasabik.
"Sa wakas nagkita na ulit tayo." sambit ko na hindi mapigilang lumuha. Ang makita siyang muli ang pinaka-masayang sandali sa loob ng apat na taong nawala siya.
Naramdaman ko ang paghimas niya sa aking buhok na talaga namang kinabigla ko. Ngayon nya lang ito ginawa sa akin dahil ako ang gumagawa nun sa kaniya.
"Bumalik ako para magsama na ulit tayo." wika niya na bumitaw sa pagkakayakap ko.
"Sumama kana sa akin Kiel." nakangiti niyang sabi.
"Saan? Hindi ba kaya ka bumalik para umuwi na sa atin?"
"Hindi na ako uuwi sa atin. Ikaw ang sasama sa akin. Magugustuhan mo ang mundong binuo ko para sa ating magkapatid. Duon hindi na ako papatay at mauuhaw sa dugo." saad niya na nagbigay sa akin mg matinding kaba.
"Anong lugar ang sinasabi mo? Anong mundo ang binuo mo?" nanginginig kong tanong
"Ang Phantom City. Naalala mo pa ba ang ahas na binuo ko sa bakal nuon? Tingnan mo, nakaukit na siya sa dibdib ko. Ito ang simbolo ng kalayaan ko sa sumpang bumuhay sa atin. Sigurado kong magugustuhan mo ang lugar na itinayo ko dahil duon matutupad ang matagal mo ng gusto para sa akin. Ang mabuhay ng normal." masaya niyang pagpapaliwanag. Ang sarap pakinggan ng mga sinabi niya pero may mali akong nararamdaman. May hindi tama. Paano siyang nagbago? Paanong naging posible ang lahat sa kaniya?
"Anong nangyari sayo matapos mo akong iwanan?" pag-iiba ko na kinangiti niya.
"Hinanap ko ang mangkukulam na nilapitan ng magulang natin para humingi ng tulong na mabigyan sila ng anak. At tayo nga ang anak na pinagkaloob sa kanila. Pagdating ko sa lugar kung saan nakatira ang mangkukulam, nabigo ako. Patay na raw ito sabi ng mga kababaryo niya. Pero may nakapagsabi sa akin na may anak daw ito at nasa syudad. Hinanap ko sya ng ilang taon pero hindi ako nagtagumpay na makita siya. Hanggang isang araw nabalitaan kong bumalik siya sa bahay nila at duon nagtagpo ang landas namin. Pinilit ko ang anak ng mangkukulam na tanggalin ang sumpa sa akin. Nakipag-kasundo siya na tutulungan ako sa isang kundisyon." napatigil si Kier sa pagkukwento ng pumasok ang babaeng nakasuot ng itim na tela, ang Direktor.
"Dean Sumaway?" gulat kong sabi ng makita ito. Siya ang Direktor? Paano? Imposible!
"Ako nga! At ako ang anak ng mangkukulam
na tumulong sa kakambal mo para alisin ang sumpang iyon." nakangisi nitong sabi.
"Paano? Kung natulungan mo nga siya, anong kapalit ang hiningi mo?" seryoso kong tanong. Imposibleng walang kapalit ang ginawa niyang pagtulong dito.
"Tama ka. Humingi ako ng kapalit. Simple lang naman. Yun ay ang buhay niyong dalawa." sambit niya na nagpalaglag ng panga ko. Tiningnan ko si Kier sa kaniyang mukha. Ang mga mata niya ay nangungusap at nagsasabing sumunod nalang ako sa mga gusto nila.
"Buhay namin? Kier ano to!" sigaw ko! Nang mga sandaling iyon ay nakaramdam ako ng matinding pamamanhid ng katawan ko. Hindi ko maipaliwanag ang nangyayari pero may maling nangyayari sa akin.
"Noong una palang na lumapit na ang magulang niyo sa Manang ko, ipinagkaloob na nila kayo sa amin. Ang buhay niyo ay mananatiling parte ng angkan namin. Ang dugo, katawan at kaluluwa ninyo ay pagmamay-ari ng Manang ko. Dahil wala na siya at ako nalang ang natitira sa angkan namin, kayong dalawa ang magpapatuloy nito sa ayaw at sa gusto ninyo. Wala ka ng magagawa. Ipinagkaloob na ng kambal mo ang buhay niyong dalawa sa akin. Gamit ang kaniyang sariling dugo na nananalaytay din sa katawan mo, sumang-ayon na siya sa isang kasunduan. Na kapag nagkita kayo, ang inyong itsura ay magiging isa. Ang kapalaran ng isa ay magiging kapalaran ng isa pa. Ang buhay ng isa ay magiging buhay ng kaniyang kabiyak. Ang kamatayan ng isa ay siya ring kamatayan ng kambal niya. Kagaya ng sinapit ni Kier, ikaw ay magiging halimaw na din kagaya niya." natatawa nitong sabi na nagpasara ng kamao ko.
BINABASA MO ANG
DIRECTOR's GAME
FantasyEzekiel Montemayor is a simple graduating student at an unknown university. He had no other hobby other than reading a book. Concealed in his friends, he has a secret he fears to reveal. That was the curse that kept him alive. Until one day, a herm...
