Ilang oras na din kaming naglalakad pero hindi pa namin nararating ang pinaka-tuktok ng Bundok. Halos lahat kami ay pagod na pero si Daryanara ay hindi man lang makitaan ng pagod.
"Hindi ka pa ba napapagod Magandang Binibini?" tanong ni Ronnie na kanina pa nagpapapansin.
"Recrune Man De Anie?" tanong ni Daryanara na kinatawa ko.
"Anong sinabi niya Zeke? Bakit ka tumatawa?" tanong nito na nakataas ang kilay. Halatang gustong gusto niyang malaman ang sinabi ng magandang dilag na kasama namin.
"Manyak ka daw!" sigaw ni Toffer na kinatawa naman namin.
Napansin ko naman si Don na wala pa ring imik simula kanina. Nilapitan naman siya ni Rambato at hinawakan ang kaniyang pantalon.
"Ano ba! Lumayo ka nga sa akin!" sigaw niya saka niya pilit na tinataboy ito ngunit ayaw naman siyang iwanan. Ang kulet talaga ng Ramba na ito. Sana pwede ko siyang iuwi sa mundo ng mga tao.
"Ano na Zeke, anong sabi niya?" pangungulit ni Ronnie na nag-paawa pa ng mukha .
"Sabi niya ang cute mo daw. Kaso pandak ka! Hehe" Natatawa kong sabi.
"Talaga? Nako Zeke ayusin mo. Ayokong umasa. Saka, bakit mo dinagdagan? Ang sabi niya lang cute ako, walang pandak na nabanggit." saad nito na mas kinatawa ko. Ang immature talaga ng lalaking ito.
Bigla siyang lumapit kay Daryana at kinulit ito. Kahit na hindi sila nagkaintindihan ay pinilit pa ding mag kwento ni Ronnie para lang magkausap sila.
Sa aming paglalakad ay biglang nablanko ang aming dinaraanan. Parang may usok na bumalot sa buong kapaligiran.
"Anong nangyayari?" takang tanong ni Janet. Hindi ko man sila makita pero maririnig ko pa ang mga bulungan nila. Lahat kami ay nabigla sa nangyayari.
"Guys. Talasan niyo pakiramdam ninyo. May mga kalaban sa paligid. Naririnig ko sila." sigaw ni Fritzie.
"Arggghhhhh" sigaw ni Ronnie.
"Anong nangyari sayo Brad?" hiyaw na tanong ni Don.
"May pumana sa paa ko. Huwag kayong kumilos sa kinatatayuan ninyo. Arghh" sambit niya na mababakas mo ang matinding sakit na nararamdaman.
"Janet palitan mo yung setting ng lugar" rinig kong hiyaw ni Darwin.
"Eto na." tugon ni Janet.
"Arrgggghhh" impit na hiyaw ni Janet na kinabahala ko.
"Anong nangyayari sayo Jan... Argggggh" hindi na naituloy ni Fritzie ang kaniyang sasabihin ng mapahiyaw na rin siya. Ramdam ko ang paghihirap nilang tatlo.
Nang mga oras na iyon ay pinakiramdaman ko ang paligid. Tama si Fritzie, marami sila. Sila din ang nakalaban namin kanina bago namin makita ang Bundok Pangil. Tama nga ang sinabi ni Jaypee, ang Lungsod ng Recrutis ang isa sa mapanlinlang na lungsod sa Loowas Kingdom.
"Don sa likod mo!" sigaw ko. Kahit na punong puno ng usok ang paligid ay nararamdaman ko sila. Nakapa-ikot sila sa amin waring nag hihintay ng panahon kung kailan kami papanain.
Mabilis na nakakilos si Don dahil sa signal ko. Nagawa niyang patigasin ang kamay niya at pinangharang sa panang papunta sa kaniya.
"Darwin may sampong panang papunta sa gawing kanan mo!" sigaw ko na mabilis na nagpakilos kay Darwin. Sa ginawa niyang pag iwas sa pana ay masasabi mong siya talaga ang may hawak ng Fast Feet Medallion. Tatlong segundo niya lang iniwasan ang sampong panang papunta sa kaniya.
Kung kanina ay nakapagbibigay pa ako ng signal sa kanila, ngayon ay hindi ko na nagawa dahil sabay sabay na nagpakawala ng sibat ang mga Cruts.
Bigla akong nakaramdam ng parang may humila sa akin papunta sa kung saan. Bigla akong nanlamig ng maramdaman na may katabi ako. Sila. Katabi ko silang lahat habang nasa loob kami ng buhok ni Ruffa.
BINABASA MO ANG
DIRECTOR's GAME
FantasyEzekiel Montemayor is a simple graduating student at an unknown university. He had no other hobby other than reading a book. Concealed in his friends, he has a secret he fears to reveal. That was the curse that kept him alive. Until one day, a herm...
