DG31: Zeke Vs. Keepers

546 17 0
                                        

"Tanggalin niyo ang enerhiyang gumagapos sa kanila." utos ko na kinagulat ng kakambal ko at ng Direktor.

"Bakit? Hindi ba at mas madali mo silang mapapatay kung nakagapos sila sa kapangyarihan ko? Wala na silang laban sa iyo dahil hindi na nila magagamit ang kapangyarihan nila" sagot ng Direktor na halos sigawan na ako.

"May kapangyarihan man sila o wala, wala naman silang laban sa atin. Saka isa pa, hindi ako papatay ng isang nilalang na hindi ako kayang labanan. Mas gusto ko silang makitang lumalaban hanggang sila na mismo ang mag-maka-awang bawian ko na sila ng buhay." nakangisi kong sabi na nag-pa atras kay Ciara. Nanumbalik na naman ang dating mahina at matatakuting babaeng una kong nakilala sa Medallions Hub.

"Hindi ko lubos maisip na magiging mas brutal ka pa pala sa akin Kiel. Sa sinabi mo mas lalo mo akong napahanga. Hindi ako nagkamaling makipag-kasundo sa Direktor para sa ating buhay." nakangising sabi ng kakambal ko na ngayon ay naka-akbay na sa akin.

"Kambal tayo diba? Pinanganak tayo gamit ang isang sumpa. At ang sumpang iyon ang nag-buklod sa ating dalawa. Ngayon naisip ko na tama ang pinaglalaban mo. Bubuo tayo ng mundo na nararapat lang sa mga kagaya nating halimaw." sambit ko na mas kinangiti niya. Isang matinding enerhiya naman ang lumabas sa aming dalawa. Enerhiyang nagbubuklod sa amin bilang isa.

Muling nangitim ang mga mata ko na naging dahilan para mapa-atras ang mga Keepers gayun din si Limwell at Jerome.

Muli akong naglakad papalapit sa mga Keepers at tinitigan sila isa isa. Namuo ang takot at matinding galit sa kanilang mga puso. Kung kanina ay naniniwala pa sila na kaharap pa nila ang dating Zeke, ngayon ay nagbago na ang pananaw nila. Kinamumuhian na nila ako.

"Sino ang gustong mauna nang mawala sa mundong ito?" saad ko na mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso nila.

"Ayaw niyong sumagot? Nasan na ang tapang ninyo? Ikaw Powerful Blue Hand? Kakasa ka na ba sa akin?" sambit ko kay Don habang hawak hawak ang kaniyang baba.

"Sumagot ka! Asan na ang tapang mo?" muli kong tanong saka ko siya pinagkalooban ng malakas na sampal.

Hindi siya lumaban ni nagsalita man lang. Pero kitang kita sa mukha niya ang matinding pagkamuhi. Lumakad naman ako para lapitan sila isa-isa at tanging masamang tingin lang ang binigay nila maliban kay Ciara na hindi ako matingnan ng diretso.

"Mukhang natatakot na ang mga kaibigan mo Kiel. Nawala ang tapang nila. Sabagay, sino ba naman ang matatakot kung ang isang anghel na kagaya mo naging isang demonyo na katulad ko." singit na sabi ni Kier habang malakas na tumatawa.

"Pinapatagal mo lang ang buhay ng mga iyan. Simulan mo na dahil wala na akong oras!" matigas na sabi ng Direktor na kinalingon ko.

Mabilis akong naglabas ng enerhiya sa kamay at pinakawalan ito sa gilid ng Direktor na kinagulat niya.

"Walang sinuman ang maaring mag-utos sa akin ng dapat kong gawin, kahit na ikaw! Ginawa niyo akong demonyo, kaya iisa na tayo. Hindi ako gagawa ng isang bagay na hindi ikakatuwa ng kakambal ko. Ang kasiyahan niya ay kasiyahan ko. At kung ang pag-patay sa mga kaibigan ko ang magpapasaya sa kaniya, gagawin ko iyon. Kaya manahimik ka diyan kung ayaw mong pati ikaw isunod ko!" sigaw ko kasabay ng panlilisik ng aking mga mata. Ang kulay itim kong mata ay naging pula na parang isang matinding apoy sa kanilang paningin.

Naramdaman ko ng sandaling iyon ang takot sa Direktor na nagpangiti sa akin. Nagkamali siyang gawin akong katulad niya. Kung ang plano niya ay ang pagharian ang mga Loowa, nagkakamali siya. Sisiguraduhin kong kami ni Kier ang magiging Hari na sasambahin ng mga Loowang naririto.

Muli kong ibinaling ang atensyon ko sa mga Keepers na ngayon ay binabalot na ng kawalan ng pag-asa. Alam nila na wala silang kalaban laban sa akin.

"Kung walang gustong lumaban sa akin, ako nalang ang mamimili." wika ko na nagsimulang lumapit kay Vergel.

DIRECTOR's GAMEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon