Paulit ulit na sumasagi sa isip ko ang mga sinabi ni Lyka.
Ako ang pinaka-makapangyarihan sa labing tatlong medallion.
Ako ang susi para mabuksan ang Loowa's Kingdom.
Ako ang magiging sagot para matapos ang paparating na digmaan.
Kung totoo man ang sinasabi niya, bakit ako? Anong meron sa akin at ako ang napiling bigyan ng ganitong kapangyarihan?
"Ang tagal mo namang dumating kuya."
Nagulat ako ng may isang batang biglang sumulpot sa harapan ko. Papasok na sana ako ng main gate namin ng nagsalita siya.
"Wala akong pera bata. Bukas kana mamalimos." walang emosyon kong sabi
"Wow ang judgemental ha. Wala akong kailangan sayo, ikaw ang may kailangan sa akin." nakangiti niyang sabi
"Ano naman ang kailangan ko sa katulad mong bata?" inis kong tugon. Kanina pa ako nabubusit sa batang ito.
"Magkwento ka muna kung anong nangyari sayo maghapon?" saad niya at umupo sa plant box na nasa harapan ng gate.
"Bakit naman kita kukuwentuhan? Ano namang pake mo sa buhay ko?" tumaas na ang boses ko sa batang makulit na ito.
"Umuwi kana at baka hinahanap kana ng nanay mo. Anong oras na nasa lansangan ka pa din"
Tinalikuran ko ang bata at binuksan ang gate. Akmang isasara ko na ito ng makita ko ang batang may hawak na isang bagay.
"Hindi niyo po ba ito kailangan?" sambit niya sabay taas ng isang libro.
"Saan mo nakuha iyan?" sambit ko na nauutal. Nung nakita ko kasing hawak niya ang libro ay halos manginig na ang mga binti ko. Yun ba ang libro ko o isa din siya sa medallion keeper na kagaya namin ni Lyka.
"I can read minds also Kuya, kaya diretso mo na akong tanungin." sambit niya. Umiba siya ng pwesto patalikod sa akin at tumingala.
"Ang daming bituin dito sa mundo natin. Pero sa larong pupuntahan ninyo, baka hindi matuwa ang mga mata niyo sa mangyayari."
Nilapitan ko siya at tumabi ako sa kaniya.
"Ano ang nalalaman mo sa kabilang mundo? Sino ka at bakit may hawak kang libro?" tanong ko.
Humarap siya sa akin at nginitian ako.
"Ako si Bie, ang medallion master mo!"
"Bie? Pinaikling? Billy?"
Bigla lang siyang natawa sa sinabi ko.
"Okay tawagin mo nalang akong Billy."
"Kung medallion master kita, bakit ang bata mo pa? Hindi ka ba tumatanda? Yun ba yung power mo?" tanong ko na mas lalong nagpalakas ng tawa niya.
"Tumatanda ako malamang. Mauunawaan mo din pag nag isip ka." Nagkibit balikat nalang ako sa pagkatao niya.
"Yang libro na iyan bakit nasa iyo iyan?" pag-iiba ko
"Dahil pabaya ka. Ang sabi ko sa iyo ingatan mo ito. Pero anong nangyari? Nakita ko sa basurahan." sambit niya na nagpataas ng balahibo ko.
"Ikaw? Ikaw yung lahat ng iyon?" tanong ko na mas lalong nag-pa amazed sa akin.
"Ako nga. Ako yung ermitanyo sa gubat, yung guard sa CR, yung babae sa bench at itong batang kausap mo ngayon."
BINABASA MO ANG
DIRECTOR's GAME
FantasíaEzekiel Montemayor is a simple graduating student at an unknown university. He had no other hobby other than reading a book. Concealed in his friends, he has a secret he fears to reveal. That was the curse that kept him alive. Until one day, a herm...
