"Ano ba Je, bilisan mo naman dyan! Tayo nalang ang wala dun." inis na sabi ni Limwell sa tropa niya.
"Ito na nga oh. Intayin mo ako!" pahiyaw na sigaw ni Jerome habang hinahabol ang kaibigan.
Nang mahabol niya ito ay inakbayan niya ang kaibigan ay ngumiti.
"Siguradong matutuwa nito si Zeke kapag nakita niya tayong naka graduation gown" ani Jerome na inaayos ang toga niyang nililipad ng hangin.
"Sigurado yun. Pangarap natin tong tatlo. Ang makagraduate at makuha ang diploma natin." sagot ni Limwell habang mahigpit na hinahawakan ang matigas na folder na naglalaman ng diploma niya.
"Hindi ko naman akalain na gagraduate pa tayo eh nangongopya lang naman tayo kay Zeke. Hahaha."
"Isa lang ibig sabihin niyan, ang diplomang hawak natin ay para sa kaniya hindi para sa atin. Hahaha" natatawang tugon ni Limwell na kinatawa naman ng kaibigan.
"Ayun na sila." sambit ni Jerome na mabilis na tumakbo papunta sa mga Keepers.
"Sorry late kami." wika ni Limwell na nakatingin sa mga Keepers suot suot ang mga Graduation Gown nila.
"No worries. Kakarating lang din namin." sagot ni Toffer na nakatingin lang sa ibaba.
"Any last words for the Dark Mind?" saad ni Darwin na kinatahimik ng lahat.
Ilang minuto din ang nakalipas ng basagin ni Lyka ang katahimikang iyon.
"Zeke!" paunang salita nito kasabay ng pagluha ng kaniyang mga mata.
"Ilang buwan na din ang nakalipas pero sariwa pa din ang mga ala-alang binuo nating lahat. Andaya mo kasi sa lahat ng nilalang tanging buhay mo lang ang hindi ko nakita sa vision ko. Hindi ko alam na mangyayari sa iyo ito. Kung alam ko lang, sana nagawa namin ang lahat para protektahan ka." Hindi na nagawang magsalita ni Lyka dahil kinain na siya ng matinding pangungulila.
"Alam kong madami pang gustong sabihin si Lyka pero hindi niya masabi. Sobrang bigat kasi talaga sa dibdib ng pagkawala mo. Gusto ko lang sabihin sayo na sobrang laki ng naitulong mo sa akin. Kahit anong pang-aalaska ko sinasakyan mo lang. Hindi ka katulad ni Janet na lagi akong tinatarayan. Pero okay na kami. Bessywap na nga kami nitong palakang to. Mag-iingat ka dyan ha. Ikwento mo ako lagi kay Kier. Sayang lang kasi type ko naman kakambal mo. Haha." Isang batok naman ang natanggap ni Toffer kay Janet.
"Igalang mo naman yung tao." inis na sabi ni Janet.
"Nagbibiro lang naman. Ayoko lang umiyak." sambit nito na tumahimik na ng mga sandaing iyon.
"Tama ang sinabi ni Toffer, okay na kami. Lahat kami magkakasundo naman. Hindi tayo ganun ka close, pero ikaw na ata ang pinaka mabuting nilalang na nakilala ko. Simula nung unang mag krus ang landas natin sa canteen nung panahong gusto ko ng patayin si Lyka, nandun ka para iligtas siya kahit hindi naman kayo magkakilala. Hindi mo pala alam yung dahilan nun hano? Ex ko kasi ang Bf ni Lyka. Hindi ko matanggap nuon na may ibang babaeng mamahalin si Troy maliban sa akin. Pero alam mo habang nasa Loowas Kingdom tayo, narealized ko na ang pag-ibig ay hindi lang umiikot sa lalaki. Ang Pag-Ibig ay pwede mong makuha sa kaibigan, kapamilya at kahit na sa ibang taong hindi mo kakilala." seryosong sabi ni Janet.
"Kung nabubuhay ka pa, siguro magiging masaya ka kasi kagaya mo, may kakambal din pala ako. Natatandaan mo pa ba si Prinsipe Mineri sa Lungsod ng Adminer? Kapatid ko pala siya kaya ko kamukha. Haha. Kagaya ng sinapit mo, isang mahika lang ang bumuhay sa kakambal ko. Namatay siya nung sinilang kami pero may isang taga Loowa na nakalabas sa mundo nila na nakarinig ng dasal ng magulang ko. Na handa silang gawin ang lahat mabuhay lang ito. Ang ending, kapalit ng buhay ni Vernel ay dadalhin siya sa mundo nila. Mabuti nalang at nakita ni Lyka sa vision niya ng lumabas na kami sa Loowas Kingdom. Kaya ngayon, kung papalarin, mapuntahan ko siya at makausap man lang. Pwede pa naman kaming bumalik sa Loowas Kingdom anytime na gustuhin namin. Sana ayos lang kayo ng kakambal mo kung nasan man kayo. Alam kong masayang masaya ka kasi kasama mo na siya." nakangiting sabi ni Vergel habang hawak hawak ang kamay ni Clarice.
BINABASA MO ANG
DIRECTOR's GAME
FantasíaEzekiel Montemayor is a simple graduating student at an unknown university. He had no other hobby other than reading a book. Concealed in his friends, he has a secret he fears to reveal. That was the curse that kept him alive. Until one day, a herm...
