Malakas na hiyawan ang bumingi sa buong Center Wall. Kasalukuyang nag lalaban ang mga matataas na opisyales ng apat na lungsod.
Mabilis na lumipad pataas si Reina Luisiana at winagayway ang kaniyang mga pakpak na nagbigay ng matinding hangin sa mga kalaban niya at sa amin na nanunuod.
Nagawa namang ipaikot ng MarMar ang kaniyang galamay para protektahan ang kaniyang sarili habang si Daryanara at Prinsipe Mineryo ay pilit na humahanap ng lakas para hindi sila malaglag sa labanan.
Makalipas ang ilang sandali ay mabilis na naglabas ng sibat si Daryanara at pinakawalan ito pataas na tumama sa pakpak ni Reina Luisiana. Kasabay ng unti unting pagbagsak ni Reina Luisiana ay ang pagpulupot naman ng galamay ng MarMar sa katawan ni Daryanara.
Mabilis na kumilos si Prinsipe Mineryo na kumikinang na ang buong katawan. Naglabas siya ng mga kaliskis na pina-tama niya sa katawan ng MarMar na siyang dahilan para mabitawan niya si Daryanara.
Isang nakakakilabot na tunog ang muling umalingawngaw sa buong Center Wall kasabay ng paglipad ng itim na tela na bumalot sa buong Battle Stage.
"What happened?" tanong ni Darwin na napatayo na sa pagkaka-upo.
Walang ni isa sa amin ang nakasagot sa tanong niya dahil kami ay nagtataka kung bakit binalot ng itim na tela ang buong Battle Stage.
"Guys, tingnan niyo." saad ni Fritzie na napatayo na rin. Mula sa aming kinauupuan ay kitang kita namin ang pag-dasa ng mga Loowa sa iba't ibang lungsod. Lahat sila ay papasugod sa Battle Stage.
Sa dami nila ay halos bungguin na nila kami.
"Ano ba talagang nangyayari? Wala ba sa ating nakaka-alam man lang?" sigaw ni Ruffa na halatang naguguluhan at naiinis dahil binunggo siya ng isang Cruts.
"Ang buhay natin ay nakasalalay sa utos ng Direktor. Hindi ito maari." sambit ni Lyka. Ang kaniyang mga mata ay umiilaw na parang sinag ng araw. Maaring may nakita siya sa kaniyang Vision.
"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ni Don.
"Patay na ang mga matataas na opisyales na namumuno sa apat na Lungsod. Ang Direktor na ang pinaka-mataas sa kanila. Siya na ang kinikilalang taga-pamahala ng Loowa's Kingdom." wika niya saka biglang nawala ang sinag sa kaniyang mga mata.
"Ang dapat muna nating gawin ay ang kumuha ng kaniya kaniya nating bolitas!" saad niya saka mabilis na tumakbo papunta sa Battle Stage.
Ngayon ko lang napansin na wala na ang itim na telang bumabalot sa buong Battle Stage at tanging makikinang na Bolitas nalang ang nanduon.
Kapansin pansin ang pag-aagawan ng bawat Loowa sa mga Bolitas. Maaring hindi ito sapat para sa aming lahat. Kinakailangang makakuha ako ng akin.
"Run, Keeper's, Run!" sigaw ni Don na nagpakilos sa aming lahat. Sa dami ng mga Loowa ay halos magsiksikan na kaming lahat makapunta lang sa pinaka taas ng Battle Stage para makakuha ng kaniya kaniya naming Bolitas.
Habang pilit akong lumalapit sa Battle Stage ay pahigpit ng pahigpit ang siksikan. Hanggang sa bigla nalang matumba ang mga katabi kong Penyo. Tiningnan ko sila at kitang kita ko ang mga pangil na tumama sa kanila.
"Sh*t." sambit ko ng makita ko ang isang Cruts na sinisibat ang mga Loowa na hindi niya kalahi. Nagbigay naman iyon ng pagkakataon para maka-akyat ang ilang mga Cruts at makakuha ng kani kanilang mga Bolitas.
Nakaramdam ako ng biglang pag-uga ng lupa. Mula sa kinatatayuan ko ay ang mga ugat na unting unting umaakyat sa Battle Stage at tinusok at sinakal isa isa ang mga Loowa'ng nanduon.
Bigla kong nakita ang Singko Prinsesas na nakangisi habang binabawasan ang mga Loowa sa loob ng Battle Stage. Yun naman ang naging hudyat para maka-akyat ang mga kalahi nila at makakuha ng kanilang mga bolitas.
BINABASA MO ANG
DIRECTOR's GAME
FantasyEzekiel Montemayor is a simple graduating student at an unknown university. He had no other hobby other than reading a book. Concealed in his friends, he has a secret he fears to reveal. That was the curse that kept him alive. Until one day, a herm...
