DG27: Sino SIYA?

541 27 4
                                        

"Limwell? Jerome?" mga salitang lumabas sa bibig ko ng nawala ang maitim na usok na pumalibot sa amin kanina. Anong ginagawa nila rito?

"Paano niyong napasok ang mundong ito?" taka kong tanong na kinangiti naman nilang dalawa.

"Hindi ba dapat kami ang magtanong niyan sayo. Bakit ka napunta dito na hindi man lang kami sinasabihan? Akala ko ba bestfriends tayo?" seryosong sabi ni Limwell

"Nagtataka ka pa? Dahil mas matimbang ang mga tropa niyang bago kaysa sa atin. Eleven is much better ng Three. Quantity over Quality." nakangising sabi ni Jerome.

"Ano bang pinag-sasasabi ninyo? Alam niyo na kayo lang ang bestfriends ko. Sagutin niyo ang tanong ko. Paano kayong nakarating dito!" Hindi ko na napigilan ang masigawan sila. Alam kong wala silang kapangyarihan pero pala-isipan pa din sa akin kung paano sila nakapunta dito.

"Marahil ay may kapangyarihan din ang mga kaibigan mo na kagaya ng sa atin." seryosong sabi ni Don.

"May mali dito Zeke. Hindi ko maramdaman na kakampi sila." sambit naman ni Vergel na kinagulat ko.

"Hindi sila kalaban. Mga kaibigan ko sila." sagot ko na nakatingin lang sa dalawa.

Lumakad ako papalapit sa dalawa ngunit napahinto ako ng biglang nangitim ang kanilang mga mata. Wala akong ibang makita kundi galit. Ang kanilang mga mata ay nababalot ng matinding poot. Pero bakit? Anong nangyayari sa dalawang ito?

Isang matinding hangin ang bumalot sa dalawa. Hangin na punong puno ng maitim na enerhiyang pumapa-ikot dito.

Unti unting nasira ang kanilang mga suot kasabay ng pagbabago ng kanilang anyo. Ang mga balat nila sa braso at binti ay naging balat na ng ibon. Ang kamay at paa nila ay kagaya ng ng isang mabagsik na agila. Biglang humaba ang kanilang buhok na umabot na hanggang sa kanilang likuran. Hubad ang kanilang katawan ngunit nababalot ang kanilang maselang bahagi ng mga pakpak ng ibon na siyang panakip dito. At sa isang iglap, lumabas ang kanilang itim na pakpak. Nagmistulang taong uwak ang mga kaibigan ko.

"Anong nangyayari sa inyo? Anong ginawa ninyo?" nauutal kong sabi habang lumalakad papunta sa kanila.

"Zeke wag kang lalapit sa kanila!" sigaw ni Lyka na hindi ko pinansin. Wala na akong paki-alam kung may kapangyarihan ang dalawang ito pero gusto kong malaman lahat ng dahilan nila.

"Isa lang ang dahilan namin. Ang patayin ka!" seryosong sabi ni Limwell na mabilis na hinampas sa akin ang pakpak niya.

"Zekeeee!" rinig kong hiyaw ng mga kapwa ko Keeper's. Humampas ako sa pader dahilan para makaramdam ako ng matinding sakit sa katawan.

Nang mga oras na iyon ay ramdam na ramdam ko ang matinding galit ng mga kasamahan ko sa dalawa. Naiinis sila rito.

"Arghhhhhhhhh" sigaw ni Don na naglabas na ng matinding enerhiya para labanan ang dalawang kaibigan ko.

"Walang sinuman sa inyo ang gagalaw sa mga kaibigan ko." seryoso kong pagkakasabi. Dahan dahan akong tumayo kahit na matindi ang sakit na naramdaman ko dahil sa paghampas ng likuran ko sa pader.

"Tuloy pa rin ang plano. Humanap kayo ng bagay na makakatalo sa Direktor. Mag hiwa-hiwalay na kayo. Ako na muna ang bahala sa mga kaibigan ko." sambit ko habang lumakalad papalapit sa dalawa kong kaibigan.

"Pero hindi ka namin pwedeng iwan dito. Hindi na sila ang kaibigan mo nuon. Nilason na ng Direktor ang mga isip nila." pag-aalala ni Ciara.

"Naisip ko na iyan. Pero kailangan kong malaman ang lahat ng dahilan kung paano sila napunta dito. Kaya iwanan niyo na muna kami." Wala akong narinig na pag-tanggi sa kanila pero hindi naman sila kumilos.

DIRECTOR's GAMEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon