"Goodmorning Medallion Keeper's" nakangiting bungad ni Toffer na nakatayo sa harapan namin.
Inayos ko ang pwesto ko at umupo galing sa pagkakahiga habang kinikiskis ng palad ko ang aking mga mata.
"Ang aga aga, ang ingay mo!" wika ni Darwin na tumayo na din sa kaniyang pagkakahiga.
"Anong maingay? Tanghali na po. Tingnan mo nga, Buntis na si Daryanara!" sambit niya na kinagulat namin.
Nanlaki ang mga mata namin ng makita ang malaking tiyan ni Daryanara. Seryoso? Pumikit lang kami pag-dilat namin buntis na siya? How come?
"Naah? Panong nangyari yan?" taka kong tanong.
"Gusto mo talagang malaman Zeke? Ano to i-role play muna ni Don saka ni Janet? You want? Haha" natatawa niyang sabi na kina inis naman ni Janet habang walang emosyon naman si Don na nakatingin sa kawalan.
Pinitik ni Janet ang kamay niya ngunit mabilis namang nakagawa ng pangontra si Toffer kaya ang bato sa lapag ang tinamaan at naging isang palaka.
"Ang ingay mong palaka ka! Kokak ka ng kokak. Pasalamat ka yung bato ang tinamaan." sambit ni Janet na napatayo na sa kaniyang pagkakaupo.
"Kokak." saad ni Toffer na mas lalong kinainis ni Janet.
"Tara na nga at magkape muna tayo sa labas." sambit ni Ronnie na pinangunahan na ang paglabas sa Batohanan.
"Asa kang may kape dito. Eh puro Ramba ang nandirito. Hahaha" natatawang sabi ni Vergel na umakbay sa akin.
"Recruti De Anson Te Wande" sabi ni Daryanara habang hinahawakan ang malaki niyang tiyan.
"Recruti Resente" tugon ko sa kaniya.
Nakalabas na kaming lahat at kasalukuyang nakapaikot sa isang malaking bato na ginawang lamesa.
"Nakakatuwang isipin na magigising ako isang araw na kasama ko kayo." masayang sabi ni Fritzie na iniikot ang mata para tingnan kami isa isa.
"Ang Baduy!" sambit ni Janet na nakataas ang kilay.
"Ikaw talagang babae ka, panira ka ng moment nung tao." sagot ni Toffer na nag-ma make face.
"Totoo naman si Fritzie. Sino mag aakalang magkakasama sama tayo dito diba?" pagsang ayon ni Ruffa na inaayos ang kaniyang mahabang buhok. Bumalik na pala ito sa
dati."The girls are right. I am so blessed to meet you guys." wika ni Darwin sabay kindat kay Ciara.
"Naaah. Englisherist si Kapre. Hahaha" natatawang sabi ni Vergel na kinatawa ng grupo.
Sa totoo lang nakakatuwa silang pagmasdan. Never sumagi sa isip ko na magkakaroon ako ng kaibigan sa kagaya nila. Namiss ko tuloy lalo si Jerome at Limwell.
"Recrusin De Kaple" singit na sabi ng Cruts na nag-abot ng mainit na sabaw sa amin.
"See. I told you may kape dito." masayang sabi ni Ronnie saka kinuha ang mainit na sabaw sa isang lalagyan.
"Manong ano po ito?" nakangiwing sabi ni Ciara sa iniabot ng Cruts.
"Rabihi. Rabihi. Rabihi." sagot ng Cruts na hindi nila naunawaan.
"Rabihi? Ano daw? I transalate mo nga Zeke" saad ni Toffer na halatang nababahuan sa mainit na sabaw.
"Mabisa daw iyang pambawi ng lakas" sagot ko.
"Eh para naman tayong umiinom ng ihi dito. Bakit ganun ang amoy? Ang panghe!" inis na sabi ni Janet.
"Inumin niyo nalang. Ang dami niyong arte." sambit ni Ronnie sabay higop dito. Inubos niyang lahat ang nasa lalagyan.
BINABASA MO ANG
DIRECTOR's GAME
FantasyEzekiel Montemayor is a simple graduating student at an unknown university. He had no other hobby other than reading a book. Concealed in his friends, he has a secret he fears to reveal. That was the curse that kept him alive. Until one day, a herm...