"Hoy!" kalabit sa akin ni Jerome na kanina pa salita ng salita. Sa totoo lang nakikinig naman ako sa mga kwento niya, hindi ko lang talaga maalis sa isip ko ang nangyari kanina.
"Ano yun?" walang emosyon kong tanong sa kaniya
"Naman Ezekiel! Tinatanong ko kung bakit kasama mo si Lyka kanina? Besfren mo na ba talaga siya?" tanong nito na halatang naglulungkot-lungkutan lang.
"Syempre hindi. Nagkasalubong lang kami kanina. Nagseselos ka ba?" nakangisi kong tanong.
"Bat naman ako magseselos? Ang akin lang hindi ko siya feel. Parang may kakaiba sa kaniya. Yun bang may mali." seryoso niyang sabi na nakatingin sa kawalan.
"Nakita ko siya kagabi. May kausap na isang babaeng hindi pamilyar. Malamang kamag-anak niya yun." sambit nito na nagpakunot ng noo ko. Eh ano naman kung may kasama itong babae? Ano issue dun?
"Pero ang pinagtataka ko, may hawak silang libro na parang ewan kung ano yun. Pinag-aagawan nila ito. Ayaw ibigay ni Lyka yung libro. Bakas din sa mukha niya ang pagkatakot." dugtong niya na hindi pa din nakatingin sa akin.
Nabigla ako sa sinabi niya. Si Lyka may kaagawan sa libro? Sino?
"Oh tapos?" tanong ko. Gusto kong malaman ano ang mga nangyari kagabi.
"Tapos ayun, bigla nalang silang nawala." sambit niya sabay tingin sa akin ng nakakaloko.
"Bakit ganiyan ka makatingin?" isiwa kong tanong
"Jowk! Hahahaha. Kasi naman imbis na kami ni Limwell ang kasama mo kahapon sa cafeteria, siya ang kadate mo. Ayun yung isa mong tropa ayaw kang kausapin. Nag iinarte." natatawa niyang sabi sabay turo kay Limwell na magisang kumakain ng tinapay sa bench.
Tumayo si Jerome at inaya akong puntahan ang tropa namin. Ang babaduy talaga nila, pero sa totoo lang ang swerte ko sa kanila.
Natapos naman ang buong maghapon ng mapayapa. Ako na naman ang nakakuha ng pinakamataas na grado sa buong klase.
"Iba talaga ang isang Ezekiel Montemayor." sambit ni Jerome na masayang naka-akbay sa akin. Si Limwell naman ay nag-iinarte pa din at ayaw akong kausapin. Kaninang umaga ng puntahan namin siya sa bench ay tumayo siya at nagpunta na sa classroom. Habang nag lalunch naman kami ay si Jerome lang ang kinakausap niya.
"Ang OA na brad ha. Hindi naman na tama atang iwasan ang pinaka-gwapo sa buong campus?" nakangisi kong sabi sa kaniya.
"Ewan ko sayo. Dun ka nalang sa Lyka mo." sambit niya sabay lakad papalayo. Napatawa naman kami ni Jerome ng malakas. Kilalang kilala na namin ang isat isa. Isa lang ang gustong mangyari ni Limwell, ang mag overnight sa bahay namin.
"Oo sige na. Aartehan pa kasi ako. Parang babaeng may isang linggong dalaw." sambit ko na nagpahinto sa kaniya.
"Magluluto na ako ng pancit canton na spicy na may sampung nilagang itlog. Tapos maglalaro tayo ng play station habang ang mga paa natin ay nasa loob ng kulambo." nakangisi kong sabi na nakatingin sa nakatalikod kong kaibigan.
Napalingon siya sa amin. Biglang sumibol ang masaya niyang mga ngiti. "Yes! Hindi mo talaga ako matitiis." masayang sambit niya sabay takbo papunta sa amin ni Jerome.
"Ano let's go na?" dugtong pa niya na umakbay din sa akin. Nakapagitna ako sa dalawang kolokoy kong tropa na walang ginawa kundi maghihiyaw sa hallway. Inatake na naman sila ng sakit nila. Sakit sa pag-iisip. Haha
Kasalukuyan kaming kumakain ng pancit canton sa kwarto ko ng mapansin ko ang pagngisi ni Limwell.
"Alam mo ikaw, ang landi mo. Para kang babaeng hindi pinagbigyan. Dinamay mo pa si Lyka sa kaartehan mo. Pwede mo namang sabihin na gusto mong mag overnight." panimula ko habang nagpapaikot ng canton sa tinidor na hawak ko.
BINABASA MO ANG
DIRECTOR's GAME
FantasyEzekiel Montemayor is a simple graduating student at an unknown university. He had no other hobby other than reading a book. Concealed in his friends, he has a secret he fears to reveal. That was the curse that kept him alive. Until one day, a herm...
