"Hoy Lyka! Nakikinig ka ba?" sambit ni Toffer na binubuksan ang lahat ng drawer na makita niya.
"Huh? Ano ba yun?" tanong nito.
"Kanina pa kita kinakausap hindi mo man lang magawang sumagot. Ano ba yang iniisip mo?"
"Hindi kasi ako makapaniwala sa vision ko. Bigla na lang siyang pumasok sa isipan ko kahit na hindi ko naman ginagamit ang powers ko." balisa nitong tugon na halos hindi na alam ang gagawin. Napasandal nalang si Lyka sa pader at napabuntong hininga.
"Diba sabi mo nga hindi nagkakamali ang Vision mo? So maaaring tama nga iyan. Teka, ano ba ang nakita mo?" tanong ni Toffer na walang ginawa kundi ang halungkatin ang mga bagay na makita niya. Kasalukuyan kasi silang nasa kusina ng kaharian ng Direktor dahil dito sila dinala ng kanilang panyapak. Naghahanap sila ng kahit anong clue na maaring magamit nila sa Direktor.
"Dugo." maikling sagot nito.
"Ano? Dugo lang? Kung dugo lang pala bakit ganyan ka makareact?" ani Toffer
"Hindi malinaw ang mensahe ng vision ko dahil bigla lang siyang lumabas sa isip ko. Pero nakita ko si Zeke na nababalot ng sarili niyang Dugo." tulalang sabi ni Lyka na nagpabigla kay Toffer.
"Lyka umayos ka! Hindi magandang biro iyan." inis na sabi nito saka padabog na isinara ang cabinet.
"Wala akong panahong makipagbiruan lalo na at nandito tayo sa lungga ng Direktor"
"Eh kung ganun, ano pa hinihintay natin? Bumalik na tayo kay Zeke dahil baka kung ano na ginawa ng mga kaibigan niya." seryosong sabi ni Toffer na mabilis na kumilos para bumalik sa lugar kung saan nila iniwan ang kaibigan.
Kasabay ng mabilis nilang pagtakbo ay ang matinding pagkabog ng kanilang mga dibdib. Maraming mga negatibong tumatakbo sa isip ng dalawa pero hindi sila nagpatinag. Umaasa pa rin sila na sana mali ang naging vision ni Lyka.
"Bilisan mo pa Lyka!" wika ni Toffer sa kasamang naiwan na sa pagtakbo niya. Ilang sandali pa ay narating na nila ang lugar kung saan sila nag hiwa-hiwalay.
Napahinto si Toffer ng makita ang nakaluhod na si Darwin. Ang kamay nito ay nakahawak sa lupa na waring may inaalam. Nakatayo naman sa gilid nito si Ciara na nakatakip ang bibig gamit ang kaniyang dalawang kamay. Sa postura niya ay parang may maling nangyayari.
"Anong meron? Nasan si Zeke?" tanong ni Toffer na naglakad na papunta kila Darwin.
"Dugo?" gulat na sabi nito. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Lyka na nakita nito sa vision niya.
"Asan si Zeke? Nakita niyo ba siya?" dire-diretsong tanong ni Lyka na hindi pa rin maikaila ang matinding takot na nararamdaman.
"Akala namin nandito na kayo kaya bumalik na kami ni Ciara. Pero pagdating namin wala namang tao. Ang tanging nadatnan lang namin ay itong mga dugo sa sahig at ilang piraso ng pakpak ng ibon. Maaring kinuha si Zeke ng mga kaibigan niya" malumanay na sagot ni Darwin pero mababakas sa boses niya ang matinding pag-aalala.
"Hindi kaya, yung nasa vision ko ay..."
"Itigil mo yang sasabihin mo Lyka. Hindi totoo ang vision mo. Maaring lumabas lang sila." pagpigil ni Toffer kay Lyka. Ayaw niyang isipin ang maaring mangyari dahil sa nakitang vision ni Lyka, pero hindi rin maalis sa isipin niya na maaring nangyari na nga ito.
"Ano ba ang nakita mo sa vision mo?" singit na tanong ni Ciara na hindi maiwasang maiyak at mag-isip ng masama.
Akmang magsasalita na si Lyka ng dumating ang iba pang Keepers.
BINABASA MO ANG
DIRECTOR's GAME
FantasiaEzekiel Montemayor is a simple graduating student at an unknown university. He had no other hobby other than reading a book. Concealed in his friends, he has a secret he fears to reveal. That was the curse that kept him alive. Until one day, a herm...
