"Brad."
"Hoy Zeke!"
"Ezekiel Montemayooooor!"
"Oh, Ah. Eh bakit?" pabigla kong sabi ng hiyawan ako sa tenga ni Ronnie
"Tinatanong mo ako kung bakit? Kanina pa kaya ako salita ng salita dito. Bakit ba parang wala ka sa sarili?" tanong nito habang binabaybay namin ang mainit at maalikabok na lugar ng Disyerto Santelo.
Huminto ako sa paglalakad at tiningnan siya. Tama ba na sabihin ko na sa kaniya ang nalalaman ko?
"Wala. Pagod lang siguro ako." pagsisinungaling ko.
Hinawakan niya ako sa braso at seryosong tiningnan ako.
"Ano ang nalaman mo?" tanong niya na halos hindi na kumukurap ang mga mata.
"Ahm. Ehhh."
"Ano? Sabihin mo sa akin! Tayo lang naman ang nakaka-alam eh. Hindi mo gugustuhin na ako pa ang umalam sa sarili kong mga mata." saad niya na kinahinto ko. Kilala ko na si Ronnie, padalos dalos siya. Pag-sinabi niya gagawin niya. At ayokong mapahamak siya dahil sa curiousity niya.
"Ano ang nalalaman niyo na hindi namin nalalaman? Ano ang dapat mong alamin Ron?" wika ni Don na kinabigla namin. Nasa gilid na pala namin siya kasama si Lyka.
"Ah yun ba? Wala yun. Hehe" nakangiwing sabi ni Ronnie na halatang gulat na gulat sa pagdating ng dalawa.
Taas kilay namang nakatitig lang sa amin ang dalawa. Alam kong hindi rin nila kami titigilan kapag hindi kami nag salita.
"Wala nga yun. Hehe" saad ko na hindi naman pinaniwalaan ng dalawa. Nagkatinginan lang kami ni Ronnie na pilit na ngumingiti para pagtakpan ang pinag-uusapan namin.
"Sige na nga. Ang kukulit niyo kasi. Ganito kasi yun. Ahmm. Ehh. Ayaw kasing ipa-alam ni Ronnie ang totoo niyang nararamdaman. Eh kinukulit niya akong alamin kung ano ba ang hilig ni Ruffa. Sabi ko siya nalang ang magtanong kasi wala naman akong alam pa sa panliligaw. Balak niyang ligawan si Ruffa." nauutal kong sabi na kinalaglag ng panga ni Ronnie. Hindi siya nakapag-salita ng sumingit na si Lyka.
"Oh My! Seryoso? Naaah. Kaya pala inaaway mo siya lagi. Kayo talagang maga lalaki ang hilig niyong itago ang nararamdaman niyo. Kunwari, naiinis, pero naiinlove naman na pala. Haha. Pero infairness bagay naman kayo. Okay sige, para hindi na kayo mahirapan, ako na ang bahala kay Ruffa." masayang sabi ni Lyka na halos pumalakpak na sa kilig.
"Nag-ka GF ka na ba brad?" nakangiting sabi ni Don.
"Ako talaga ang tinatanong mo? Oo naman. Naka anim na nga ako. Hello. Chic Magnet ata ito!" pagmamayabang niya na kinatawa namin
"Yun naman pala. Bakit nahihiya ka pang diskartehan si Ruffa? Bakit kailangan mo pa ng tulong ni Zeke?" tanong ni Don habang ipinapasok ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang bulsa. Patay. Mukhang mahahalata na nila na nagloloko lang kami.
"Hindi ko naman kasi talaga gus...."
"Nako Brad wag kana mahiya kay Don. Patulong kana! Halata namang expert siya sa babae." singit ko habang umaakbay kay Ronnie. Hinigpitan ko ang pagkaka-akbay para ipaalam sa kaniya na sakyan nalang ang nangyayari. Mahirap na baka pag naituloy niya pa ang sasabihin niya ay malaman na ng lahat ang tungkol kay Alvin.
"Kung gayon, hihiramin ko muna si Zeke sa inyo. Don ikaw na bahala kay Ronnie. Bigyan mo ng malupitang advice yang Chic Magnet ng grupo. Hahahaha" natatawang sabi ni Lyka na umakbay na sa akin.
Natatawa naman akong iniwan ang dalawa at sumabay nalang sa paglalakad ni Lyka.
"San tayo pupunta?" tanong ko ng medyo dumistansya kami sa ibang Keeper's. Lahat kami kasama ang natitirang mga Loowa ay binabaybay ang disyertong papunta sa Hazardin.
BINABASA MO ANG
DIRECTOR's GAME
FantasyEzekiel Montemayor is a simple graduating student at an unknown university. He had no other hobby other than reading a book. Concealed in his friends, he has a secret he fears to reveal. That was the curse that kept him alive. Until one day, a herm...