DG29: Dark Secret's

538 21 3
                                    

Simula ng magising ako ay wala na akong nagawa kundi ang tumanggap ng mga suntok sa dalawa kong kaibigan. Ramdam ko ang matinding panghihina ng katawan ko dahil sa matitinding suntok na binibitawan nila.

"Ano Zeke, hindi ka ba talaga lalaban? Mananatili ka nalang bang tahimik diyan?" matigas na sigaw ni Limwell na walang ibang ginawa kundi ang paulunan ako ang suntok sa mukha at katawan.

"Makakalaban ba yan kung nakatali ang kaniyang kamay at paa? Mag-isip ka nga." sambit ni Jerome na nanunuuod lang sa ginagawa ng kaibigan namin.

Tama si Jerome. Kahit gustuhin ko mang lumaban, hindi ko magagawa dahil nakalutang ako na nakatali sa kawalan. May kung anong itim na enerhiyang nagpahiwalay sa dalawa kong kamay at mga binti. Naka-ekis ang lupaypay kong katawan. Hindi ko alam kung paano ako napunta dito pero pagmulat ng mata ko, ganito na ang itsura ko. Wala na akong suot na damit maliban sa natitirang pantalon ko na ngayon ay dinadaluyan na ng mga dugong nagmumula sa mukha at katawan ko.

Naramdaman ko ang pagtaas ng mukha ko gamit ang kanang kamay ni Limwell.

"Kung nung una palang sinabi mo na sa akin na ang kakambal mo pala ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid kong babae, hindi na sana tayo aabot sa ganito. Ikaw ang kasa-kasama ko sa halos apat na taong pagdurusa. May pagkakataon kang sabihin iyon pero hindi mo nagawa. Itinago mo pa sa amin na may kapatid ka palang demonyo. Isang pagkakamali ang dalhin ako ng pamilya mo sa impyernong ito! Ngayong nalaman ko na ang lahat, sisiguraduhin kong demonyo din ang papatay sa angkan mo!" sambit niya habang nanlilisik ang mga mata. Wala akong nagawa kundi ang tingnan siya ng mata sa mata hanggang sa bumalik ang mga alala-alang nagpabuklod sa aming tatlo.

*Flashback*

Naglalakad akong mag-isa palabas ng campus ng makita ko ang kumpol ng mga estudyanteng nakiki-usyoso sa hindi ko malamang pangyayari. Wala sana akong balak na maki-alam sa kanila ngunit napahinto ako ng magsalita ang isang estudyanteng babae na sa tingin ko ay kanina pa nandirito.

"Kawawa naman siya. Sa itsura niya ay parang naubusan na siya ng dugo. Napaka-putla ng mukha niya at mukhang pinaso pa ng kung anong bagay ang hita niya. May kung anong marka sa hita niya na parang ahas." wika ng isang estudyante sa katabi niya.

Napahinto ako sa mga narinig ko. Nagmadali akong lumapit sa mga taong naki-kiusyoso sa nangyari. Parang may kung anong pumasok sa isip ko na dapat kong malaman.

"Tabiiiiiii" nagmamadaling hiyaw ng hindi ko kilalang lalaki. Huli na ng nalamayan kong nabuwal ako dahil sa pagtulak niya.

Mabilis akong tumayo para sugurin siya. Ang kapal ng mukha niyang itulak ako para lang makita niya ang pinagkakaguluhan ng mga estudyante?

Sa aking paglapit sa kumpulang iyon ay biglang nawala ang galit ko sa lalaki. Namuo ang lungkot sa puso ko ng makita ko ang matinding paghagulgol niya habang yakap yakap ang babaeng kasalukuyang wala ng buhay.

Base sa mga pa-ulayaw nito ay kapatid niya ang kawawang babae. Naka-uniform ito na kagaya ng uniform na pinapasukan ko. Ibig sabihin, schoolmate ko ang babaeng pinaslang. Sino naman ang walang pusong gagawa nito sa kaniya.

Bahagya akong umatras para iwan ang mga ito. Wala na akong magagawa sa nangyari. Pana-panahon lang naman iyan. Mamatay din naman tayong lahat, yun nga lang magkaka-iba ang paraan.

Akmang lilisanin ko na ang lugar na iyon ng mapansin ko ang hita ng dalaga. Tama nga ang narinig ko. Isang ahas ang naitattoo sa hita nito na nailagay gamit ang isang mainit na bakal. Kung titingnan ay fresh pa ang sugat niya.

Hindi ako pwedeng magka-mali, ito ang tatak na binuo niya. Ibig sabihin, siya ang may-gawa nito.

Mabilis akong pumara ng taxi para makauwi. Kailangan ko siyang makausap. Hindi na tama ang nangyyari sa kaniya.

DIRECTOR's GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon