Matapos ang higit isang oras na paglalakad sa ibabaw ng tubig ay narating na namin ang Lungsod ng Adminer.
Manghang mangha kami sa aming nakikita. Ito na ata ang pinaka cool na lugar na nakita ko. Napapaligiran ng malinis na tubig ang buong lungsod na may malinis at pinong bungahin na pumapagitna dito. Ang kanilang tirahan ay gawa sa ibat ibang uri ng shell na sobrang presko sa mga mata ng nakakita.
"Grabe ang ganda ng lugar nila." sambit ni Ciara na hindi maikaila ang pagkamangha.
"Ang ganda nila. Grabe yung mga katawan nila. Sh*t!" saad naman ni Ronnie na halos tumulo na naman ang laway sa kaniyang mga nakikita.
"Manyak talaga!" inis na sabi ni Ruffa.
Hindi ko naman masisisi si Ronnie dahil kahit ako man ay hindi mapigilan ang aking sarili.
Ang mga nilalang sa lungsod ng Adminer ay halos wala ng suot. Nababalot lang ang kanilang maseselang parte ng katawan ng mga kaliskis ng hayop sa tubig at mga malilit na kabibe na naging design nito.
Lahat ng nilalang dito ay walang mga buhok. Lahat sila ay kalbo pero makikita pa din ang kanilang angking kakisigan at ganda. Kapansin pansin din ang palikpik sa kanilang likuran mula batok hanggang puwitan. Dikit dikit ang kanilang daliri sa kamay at paa. May matatangos silang ilong at mahahabang tenga na gawa din sa palikpik.
Ang mga babae ay may suot na mga perlas na nakabalot sa kanilang mga leeg habang ang mga lalaki naman ay sa kanilang mga braso.
Mayroon din silang makikislap at makikinang na balat na nagbigay lalo ng kakaibang alindog sa kanila.
"Shellsherinani" pagbungad sa amin ng isang magandang nilalang
"Magandang araw Binibini." pagbati ni Ronnie na mabilis na inabot ang kamay ng babaeng kaharap.
"Sh*t!" pagmumura nito na mabilis na tinanggal ang kaniyang kamay. Kitang kita namin ang pagkislap sa kanilang mga palad na waring nagbigay kuryente sa dalawa.
"May kuryente siya sa katawan!" inis na sabi ni Ronnie na kinatawa naman ni Ruffa.
"Buti nga sayo. Manyak ka kasi. Haha" natatawang sabi ni Ruffa na nagpa-mula sa mukha ni Ronnie. Halatang pinipigilan niya ang galit dito.
"Zeke, kausapin mo na. Kailangan nating mahanap ang dalawa. Sambit ni Don na sinunod ko naman.
"Shellsherinari" nakangiti kong sabi sa dalaga. Siya pala ang pinaka prinsesa ng Adminer. Ang pinaka magandang Mineri sa kanilang lungsod. Si Minerya Loreyns.
Nginitian naman ako nito at malungod kaming tinanggap sa lungsod nila. Tinuro niya ang way papunta sa pinaka gitna ng lungsod nila.
Habang naglalakad kami ay kapansin pansin ang mga mata nila na halos kainin na kami ng buhay.
"Bakit ganun sila makatingin? Hindi ba tayo welcome Zeke?" tanong ni Fritzie. Sa totoo lang ay medyo nahihiwagaan din ako o sadyang nalilito lang ang mga nilalang dito dahil sa ibang anyo namin.
Biglang huminto ang si Minerya Loreyns kaya napahinto din kami lahat.
Humarap siya sa amin at nginitian kami.
"Shellsya!" sambit nito saka biglang may kung anong bagay na lumabas sa ilalim ng buhangin na siyang humarang sa amin. Nakulong kami sa isang hawla na gawa sa matitibay na bakal.
"Ano to? Bakit nila tayo kinulong?" sambit ni Toffer na lumapit sa bakal na humaharang sa amin.
"Arghh" sigaw niya ng hawakan niya ang bakal na nakaharang sa amin.
"Oh Sh*t! May kuryente ang pinangkulong sa atin!" dugtong pa nito.
Tiningnan kong mabuti ang nakaharang sa amin. Kung titingnan ay may mga awang naman ito na maari naming lusutan at labasan. Ang gawing taas naman ay walang harang. Pero mapapansin mo ang kumikislap na mga kuryenteng dumadaloy sa mga bakal.
BINABASA MO ANG
DIRECTOR's GAME
FantasyEzekiel Montemayor is a simple graduating student at an unknown university. He had no other hobby other than reading a book. Concealed in his friends, he has a secret he fears to reveal. That was the curse that kept him alive. Until one day, a herm...
