DG8: Bolitas

798 22 0
                                        

"Arghhhhhhh" hiyaw ni Ronnie sa kabilang kwarto kung saan sinasagawa ang paglalagay ng bolitas sa kaniya.

"Sa hiyaw palang ni Ronnie alam mong napakasakit na ng paglalagay. Sana makayanan natin." sambit ni Fritzie na kanina pa nanginginig sa takot.

"Kaya niyo yan. Si Don nga nakaya oh." saad ni Janet na kaninana pa nakatitig kay Don. Hindi man kasing lakas ng hiyaw ni Ronnie pero hindi naman maipinta ang mukha niya nung lumabas siya ng kwarto.

"Hahaha. Handa ka na ba Fritz? Ikaw na ang isusunod" panumuwisit ni Toffer na kinatawa namin.

Sa totoo lang, ako mismo ay natatakot sa pwedeng mangyari sa akin kapag nilagyan ako ng bolitas. Feeling ko hindi ko kakayanin.

"Oh. Tapos na pala ang first choice. Kamusta ang pakiramdam mo?" nakangising sabi ni Darwin paglabas ni Ronnie. Hindi ko alam kung matatawa ako o maawa sa mukha niya. Hindi na kasi maipinta ang mukha niya.

"Hayaan mo at mawawala din ang sakit na nararamdaman mo. Oh Fritz ikaw na." saad ni Toffer na halatang binubuwisit si Fritzie.

"Pwede bang si Clarice muna? O kaya sabay na kami?" tugon niya na kinatawa ng grupo.

"Oh sige ako na susunod." sambit ko kahit ramdam ko din ang kaba ng mga oras na iyon.

"Mag iingat ka Zeke. Tatagan mo loob mo kung gusto mo pang mabuhay." pang-aalaska ni Darwin. Hindi ko na siya pinansin at dumiretso na ako sa kwartong nilabasan ni Ronnie.

"Maupo ka." ang bungad sa akin ni Viancs na siyang makakatulong daw sa amin para maging isang Penyo.

Inayos na niya ang mga gagamitin para sa paglalagay ng bolitas sa akin. Mas lalo lang akong kinabahan ng makita ko ang mga matutulis na bagay sa lamesa.

"Pwedeng magtanong?" tanong ko sa kaniya.

Huminto siya sa kaniyang ginagawa at tumingin na nakangiti sa akin.

"Pwede naman. Ano yun?" nakangisi niyang sagot sabay baba ng matulis na patalim sa harapan ko.

"Aanhin mo yan?" pautal utal kong tanong na halos himatayin na ako sa takot.

"Pambukas ko ng ulo mo." seryoso niyang sabi na nagpataas ng kilay ko.

Hindi ako nakapagsalita. Nanatili lang na nakatingin ang mga mata ko patalim na nasa harapan ko.

"Ready?" sambit niya na mas lalong nagpababa ng lakas ko. Natuyan na ako ng pawis sa buong katawan. Feeling ko anytime pwede na akong bumagsak.

"Hahahahahaha. Malayong malayo ka kay Belinda. Alam mo ba nung napunta sila dito, siya pa ang unang nagpresinta ng sarili niya para maging isang penyo." sambit niya saka lumapit sa isang lumang upuan na may parang planggana sa taas nito. Yung bang electrical chair na pumapatay sa mga makasalanan nung unang panahon.

"Sino si Belinda? Ano naman kinalaman ko sa kaniya para ikwento mo sa akin iyon?" tugon ko na hindi pa din mabawasan ang mabilis na kabog ng dibdib ko.

Tinaasan niya ako ng kilay ng marinig ang tanong ko. "Hindi mo kilala ang medallion master mo? Imposible naman yun." saad niya

"Kilala ko. Nakita ko na siya. Ang pangalan niya Billy hindi Belinda."

"Billy? Hahaha. Babae ang medallion master mo hindi lalaki. Ahhhh. Naiintindihan ko na. Diba kaya niyo namang iclone ang sarili niyo sa  paraang gugustuhin mo. So pwede kang maging lalaki at pwede kang maging babae at the same time." nakangiti niyang sabi saka ako inayang umupo sa napaka-creepy'ng upuan na iyon.

"Wait lang, ang sabi mo ay kayang mag clone ni  Billy? Papaano eh mind medallion lang ang meron kami." taka kong tanong.

"Seriously? Hindi mo alam? Masyado na ata akong madaldal para ikwento sayo ang lahat. Hindi ako ang master mo, sa kaniya ka magtanong." seryoso niyang sabi saka niya inayos ang sarili ko sa upuan.

DIRECTOR's GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon