DG6: Lungsod ng Gen-Train

840 24 0
                                        

"Nasaan na ba tayo?" inis na sabi ni Fritzie na kanina pa iritang irita sa paglalakad namin sa makalat na gubat.

"Hindi ko din alam. Tama ba itong tinatahak natin Zeke?" tanong ni Ronnie.

"Hindi din ako sure. Pero I think, tama naman ang tinatahak natin." saad ko. "Basta sundan nalang natin ang daan kung saan tumungo ang mga babae kanina." dugtong ko pa.

"Oh bat ka napahinto?" takang tanong ni Ronnie ng tumigil sa paglalakad si Fritzie. Siya kasi ang nasa harapan namin.

"May naririnig ako. Tara magtago tayo." tugon ni Fritzie saka mabilis kaming hinila papunta sa masulok na lugar ng gubat.

Dahan dahan naming hinawi ang mga matataas na damong tumatakip sa amin.

"Sila na naman?" sambit ni Ronnie ng makita ang dalawang babaeng naglalakad.

"Ibang babae iyan. Pagmasdam mong mabuti, mas payat ang mga yan. Pero iisa lang ang mga suot nila." reply ni Fritzie.

"Nahatnup an nitan gna agm agala nitan" sabi ng isang babae. Naintindihan ko naman ang mga sinabi nila. Anong alaga kaya ang tinutukoy nila?

"May pupuntahan sila." saad ko na kinagulat ng dalawa.

"Naiintindihan mo talaga sila?" taas kilay na tanong ni Fritzie.

"Oo. Maaring part ito ng kapangyarihan ko? Tara, sundan natin sila at baka sila ang susi para malaman natin kung nasaan tayo." pag-anyaya ni Ronnie. Wala na kaming nagawa kundi ang sumunod sa kaniya.

Ilang minuto na din ang nakakalipas pero hindi pa din humihinto ang tatlong babae sa paglalakad.

"Saan kaya sila pupunta at bakit parang liblib na lugar na ang tinutumbok natin?" inis na sabi ni Fritzie. Ang babae talagang ito, mainipin din pala. Pero tama naman siya. Habang sinusundan namin ang tatlo ay parang padilim ng padilim ang paligid. Ang lugar na kanina ay parang normal na gubat ay nag-iiba ng anyo. Mas lumalaki ang mga puno at maraming mga nakaharang na mga sanga.

"Nakatingin sa atin ang napakaraming ahas na tatlo ang ulo pero isa isa lang ang mga mata." walang emosyong sabi ni Ronnie na hindi ata kinikilabutan sa nakikita niya.

"Huwag niyo nalang pansinin ang mga nasa paligid. Mag focus kayo sa tatlong babae." dugtong pa niya. Tama siya, ang tatlong babae ang pakay namin at hindi ang mga mala demonyong ahas na anytime ay maaari na kaming tuklawin.

"Stop. Magtago tayo dali."pag-papahinto ko sa kanila. Napansin ko kasing huminto din ang tatlong babae.

"Bakit mo kami pinahinto.?" tanong ni Ronnie pero hindi ko siya sinagot. Nagulat nalang kami ng biglang may nagsiliparang malalaking itim na ibon na bumalot sa tatlong babae.

"F*ck! What is that?" mura ni Fritzie na mas kinagulat ko. Nagmumura pala ang babaeng ito?

Nanatili lamang kaming nakatingin sa tatlong babae na binalot ng maraming itim na ibon. Makalipas ang ilang segundo ay nawala ang tatlo at nagsiliparan na papalayo ang mga ito.

"Saan napunta ang tatlo?" takang tanong ni Fritzie. Biglang nagtatakbo si Ronnie patungo sa kinatatayuan kanina ng mga babae. Hindi na namin siya napigil hanggang sa makarating siya duon.

"Anong ginagawa niya?" tanong ko sa aking sarili.

"Yuko" biglang sambit ni Fritzie na sinunod ko naman.

"Ano ba ang naisip ni Ronnie at pumunta siya dun. Nakapaligid na sila. Hindi siya ligtas" inis na sabi ni Fritzie na halatang nag-aalala sa kasama namin.

"May naririnig ka ba?" tanong ko. Alam kong may alam siya sa mga nangyayari. Hindi niya ako papayukuin ng walang dahilan.

"Malapit lang sila. Hindi ko sila maintindihan pero nandito lang sila." reply niya.

DIRECTOR's GAMEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon