DG22: Keepers Double

538 23 1
                                    

"Hahahahaha" natatawang sabi ni Ronnie

"Anong nakakatawa?" tanong ng double niya na kasalukuyang tumatayo.

"Napaka-simple lamang ng larong ito para sa akin. Nasa akin ang Decietful Green Clone Medallion. Kaya kong malaman kung sino ang Impostor sa ating lahat!" nakangiting sabi niya. Tama si Ronnie, alam niya ang dapat na gawin dahil yun ang kapangyarihan niya. Makakatulong siya sa amin para maipanalo ang larong ito.

"Teka nga, sino ba ang totoong Ronnie sa inyo?" tanong ni Toffer na halatang gulong gulo sa nangyayari. Kahit na ako hindi ko alam kung sino ang peke at sino ang double.

"Ako!" sabay nilang sabi.

"Ako ang totoong si Ronnie"

"Hindi. Ikaw ang Impostor at ako ang totoong si Ronnie" sambit naman ng isa.

"Tama na!" sigaw naman ni Don na kanina pa halatang nag-iisip.

"Akala ko madali lang ang larong ito. Mas mahirap pa pala ito sa inaakala ko." wika ni Ruffa na masama ang tingin sa kamukha niya.

"May naisip ako!" nakangising sabi ni Darwin. Lumapit siya sa kamukha niya at malakas itong sinipa. Sa hindi namin inaasahan, parehas silang tumurit papalayo.

"Tama ba ang iniisip ko? Kapag sinaktan mo ang double mo masasaktan ka din?" wika ni Janet na malakas na sinampal ang kamukha niya.

"F*ck! Ang sakit." inis na sabi niya na nakahawak sa kanyang kanang pisngi na sinampal niya.

"Sampalin mo ba naman ang sarili mo bakit hindi ka masaktan." wika naman ng nakangising si Vergel.

"Kung gayon, tama ang hinala mo. Kapag sinaktan natin ang double natin, masasaktan din natin ang sarili natin." saad naman ni Clarice.

"Ano ng gagawin natin?" tanong ni Ciara na kanina pa nakatingin sa aming lahat.

"Edi ano pa, ang patayin ang double natin!" wika ni Lyka na unti unting lumalapit sa double niya.

"Sira ka ba? Kung ano ang gawin mo sa double mo, yun din ang mangyayari sayo!" sigaw ni Ronnie na pinigilan siyang lumapit sa kaniya.

"I know! Kaya nga ikaw ang uunahin kong patayin!" nakangising sabi ni Lyka na mabilis na naglabas ng sinag sa kaniyang mga mata at mabilis itong ipinatama sa mga mata ni Ronnie.

Lahat kami ay nabigla sa ginawa ni Lyka. Halos tumigil ang aming paghinga sa ginawa niya. Walang nakakilos. Walang nakapagsalita. Lahat kami ay natahimik at naistatwa sa ginawa niya. Hanggang sa mabilis na nalusaw si Ronnie.

"Ronnie ngayon na!" sigaw ni Lyka na hindi naman kinakilos ni Ronnie.

"Relax! Ang clone ko na ang gagawa nun!" nakangiting sabi ni Ron. Napatingin naman kami sa isang Lyka na unti-unting nalulusaw. Sa likod nun ay ang clone ni Ronnie na nakangiti sa amin. Naglakad naman ang clone ni Ronnie at mabilis itong sumanib sa katawan niya.

"Paano niyo iyon nagawa?" takang tanong ni Clarice

"Simple lang. Pinag-aralan ko ang kilos at galaw ninyo. Ilang araw na rin naman tayong magkakasama kaya alam na natin ang gawi ng bawat isa. Sa kinilos kanina ng double ni Ronnie, mahahalata mong siya ang impostor. Una. Hindi tumatawa ng malakas si Ronnie. Lagi siyang walang emosyon. Pangalawa, mayabang si Ronnie pero never niyang binanggit sa atin ang medallion niya. Pangatlo, kung ikaw ang totoong Ronnie, hindi ka kokontra sa mga desisyon ng kapwa Keeper's mo!" sambit ni Lyka na kinamangha namin. Matindi din ang pagka-observer ng kasama naming ito.

"Tama si Lyka, maliban sa isa. Hindi ako mayabang, may angas lang!" poker face nitong sabi. Napatawa naman ako ng mga sandaling iyon. Totoo ang sinabi ni Lyka. Walang emosyon itong si Ronnie. Ngayon alam ko na ang gusto nilang tumbukin.

DIRECTOR's GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon