Chapter 18

51 0 0
                                    

Chapter 18

Mary's POV

"GO! GO G9! GO! GO! GO G9!"

haist! ito kami ngayon. nandito sa field, nagreready na kami para sa marathon. dito sa marathon kailangan kasali lahat, matira matibay.. =_= alam ko namang hindi ako mananalo kaya hindi ko na kakatyagaan. kung pagod aba'y magpahinga..

"READY!"

"GET SET!"

bilis! ang init dito ha!

"GO!!!"

at tumakbo na ako kasabay ang tropa.

si Ynna, wala lang. ang hot nya pala kapag pinagpapawisan.. hahahaha~ HOT?! hindi sya yun. kawali yun..

si Micah, medyo nangunguna na sa pagtakbo. malayo na sya sa amin. at lalong lalo na kay Tin.

si Tin, alam kong hindi pa kami nakakaisang ikot dito sa loob mg campus, suko na yan..

habang init na init ako sa pagtakbo ko..

"Cupcake!"

O__O

huwag naman sanang si Elyot..

"Cupcake!"

nagtitinginan na saken yung mga kasabay ko sa pagtakbo. kaya tumungo ako.

paglingon ko..

"Cupcake! ano ba?"

si Elyot nga..

"sila nga talaga!/confirmed/ang sweet!"-bulungan ng mga kasabay kong tsismoso't tsismosa..

Hanggang sa nakalapit na saken si Elyot at ...

"Cupcake!"-ngiti nya saken.

"Ano ba? Huwag dito!"-sabi ko sa kanya.

Nakangiti lang sya saken at saka hinawakan ang kamay ko patakbo.

"A-Ano ba?"-ako.

"Kailangan nating makaabot ng finish line."-sabi nya saken.

=_=

Tss.. kung makaabot man ako, wala lang din..

"Bilisan mo Cupcake!"-Elyot.

+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+

Tumigil muna kami saglit para magpahinga ng ilang segundo..

Kukuha na sana ako ng cup ng tubig sa water station ng ..

"Cupcake!"-tawag na naman nya saken.

"Oh! Tubig. Kaya mo pa ba?"-tanong nya.

"K-kaya pa! Kaya pa!"-ako

"Galingan natin ha!"-sabi nya.

Maya maya, tumakbo na ulit kami ..

Pagod na ako sa kakatakbo, pero si Cup-- este si Elyot mukhang tuwang tuwa sa pagtakbo ..

Naalala ko! Runner nga pala sya =_= .

Micah's POV

Go! Kaya ko 'to! Ngayon na lang ulit ako nakasali sa marathon..

Kasama na ako sa sampung nangunguna sa pagtakbo at lahat sila, hindi ko kilala kasi, mga nasa higher level yata ang mga 'to. Akalain mo yun, nasabayan ko sila..

Nakarating kami sa water station.

THANKS GOD! WATER!

kukuha na sana ako ng tubig ng biglang may bumunggo sa table na pinaglalagyan ng tubig kaya natapon lahat..

"Tubig!"-ako .

"Abha! Kailangan mo ng tubig? Ayan oh! Nasa lupa, salukin mo."-sabi nung ... F*Ta! Si Naomi .

"N-Naomi?"-ako.

Nagsmirk lang sya at saka umirap at tumakbo na ulit ..

Tatakbo na sana ulit ako ng may biglang humawak sa wrist ko.

"Ya! Uminom ka muna."

O__O

Carl!

"B-bakit?"-ako.

"Oh! Iyo na 'to."-habang inaabot nya yung cup na may tubig.

Kinuha ko naman at saka ko ininom yung tubig..

"Salamat!"-sabi ko.

Tumakbo na ulit ako at malapit na akong maunahan ng marami.

Salamat sa kanya! Kundi sya dating baka mahimatay na ako sa uhaw..

Dimple's POV

Kawawa naman ako. Kay bago bago ko dito, takbuhan agad ang sinabak ko.

Nanghihina ang binti ko ..

Nakakatatlo na akong araw dito pero hindi ko pa rin nakikita si Dandan..

Hi! Let me introduce myself.

Here comes trouble~~~

JOKE! hahaha ^0^.. tss.. kinanta yung I GOT A BOY.

Hi! I'm Dimple Belina from Diamond Girl High School. Dancer ako. Patay na ang mga magulang ko simula nung bata pa ako. Si papa, namatay sa giyera nung pinagbubuntis pa lang ako ng mama ko. Tapos si mama, namatay rin matapos akong ianak. Dinala ako sa ampunan ng ospital na pinag anakan ko.

Sa ampunang iyon, nakilala ko ang mababait kong kaibigan. At isa na dun si Dandan, ang bestfriend ko. Nagkahiwalay lang kami nung ampunin sya. At ng sumunod na araw, may umampon na rin saken at ang Tita Diane ko yun. Inampon nya ako dahil matalik na kaibigan nya daw si Papa at Mama nung nabubuhay pa sila. Wala syang anak, wala din syang asawa kaya kami lang ang nasaaganda nyang bahay.

Pinag aral nya ako sa school kung saan nag aaral ang mga anak mayaman, pero sa halip maging masaya ako dun, naging miserable ang buhay ko dun. Dahil sa alam nilang ampon ako, lagi nila akong nilalait. Nakasama ko dun si Dandan na Daniel Hizon na ang gamit. Pinagtatanggol nya ako. Oo, kagaya ko sya na inampon pero, mali ang akala ko na parehas na kaming ulila, tunay na magulang nya ang kumuha sa kanya.

Dumating ang panahon na maghaHigh school na kami. Inilipat ako ni Tita Diane sa Girls' school samantalang si Dandan, hindi ko alam kung saan nagpunta. Ang sinabi ng iba, nagpunta daw ng Amerika at dun na lang nag aral.

Pero nalaman ko rin, kung saan sya napasok dahil sinabi saken ng mga kabarkada nya.

Kaya sumunod ako dito sa Dream High. Pero, mukhang hindi rin pala dito kasi hindi ko pa sya nakikita..

Back to reality tayo!.

"Ya!"

sino yun?

"Dimple!"

lumingon ako habang natakbo.

"Wait!"

si Ynna! Pagod na pagod na.

"Bakit ayaw mo pang tumigil sa pagtakbo?"-tanong ko sabay tigil sa pagtakbo.

"Gusto ko na nga sana, kaso nakita kita!"-sabi nya.

Ahh! Ganun, at ako pa ang may kasalanan kung bakit napapagod sya lalo? Ganun?

si Ynna pa lang ang kaibigan ko dito, hindi ko pa masyadong kaClose yung iba rito.

"Kakayanin mo pa ba?"-tanong ko.

"Ne."-sagot nya.

Ako lang at sya ang nagkakaintindihan dito kasi, parehas kaming KPOPer ^^.

"Kakayanin natin 'to! Hwaiting! (Fighting)"-ako.

"Hwaiting!"-Ynna.

Tumakbo na ulit kami kasi gusto kong matapos ang marathon na 'to.

Stay Girls [Tropang GG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon