Chapter 34
Dimple's POV
Habang naglalakad kami ni Angel palabas ng dorm building, kita ko na ang mga ... let us say "Manliligaw"?
"Dimple! Alam mo. Napakaswerte mo. Bukod na sa maganda, talented, mayaman. May mga guwapo ka pang manliligaw."-sabi ni Angel habang nagsa-swipe sa tablet nya.
"Yun ang akala mo!"-sabi ko sa kanya habang malungkot na naglalakad.
"Bakit? Hindi ka pa ba kuntento dyan?"-tanong ni Angel.
"Hindi yun ang ibig kong sabihin. Ang ibig kong sabihin, ayoko ng ganito pero ito ang nangyayari saken. Kuntento na naman ako sa iisang lalaki na magmamahal saken ng lubusan hangga't nabubuhay kami."-paliwanag ko.
Nakalabas na kami ng dorm building pero patuloy pa rin ang pagharang ng mga guards na ipinadala ni Tita Diane para saken dito sa loob ng campus.
"Pero.. bakit wala kang sagutin sa kanila?"-tanong ni Angel.
"Dahil wala sa kanila ang hinahanap ko."-sagot ko.
Hanggang ngayon, umaasa ako na makikita ko pa si Dandan. Alam kong hindi nga sya dito nag aaral. Pero hahanapin ko pa din sya hangga't maaari.
Habang naglalakad ako papasok sa building 2, may napapakinggan akong sumisigaw ng... "Mai-Mai!!!"
Lumingon ako sa mga hinaharangan ng mga guards. Hinahanap ko yung sumisigaw ng .."Mai! Mai-Mai!!! Ako 'to!!"
Ng biglang dumating sina Rom at Reine galing sa building.
"Iba ka na Dimpz ah! Mala- celebrity ka na ah! Andami mong supporters."-pagbibiro ni Rom.
"Teka! Nasaan ka ba?!"-tanong ko sa sumisigaw ng.. "Nandito ako Mai-Mai!!"
Tinabig ko yung guards para makita ang lalaking tumatawag. Pero ayaw akong palapitin ng guards sa mga lalaking 'to. Pati sina Rom, Reine at Angel nakiisa sa mga guards, hinigit nila ako palayo sa kanila.
"Mai-Mai!!! Mai-Mai!!!"
"Dandan?"-ang nasabi ko matapos akong hilahin nung tatlo.
"Are you out of your mind? Lalapit ka sa kanila? Paano kung may gumawa ng hindi kanais nais sa'yo?"-Rom.
Hindi ko sila pinapansin. Dahil wala akong pakialam kung may mangyari saken ang mahalaga ay makita ko na si Dandan.
"Mai!!!"
Tumalikod na 'ko at pumasok sa building. Habang naglalakad kaming apat sa corridor, may kasunod pa rin akong dalawang guard. Nakakainis din naman si tita eh. Kung magpadala, akala mo artista ako o politician. Dalhan ba naman ako ng 15 body guards. Mabuti na lang hindi sila pinapayagan sa loob ng dorm ng girls.
+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+
Nandito kami ngayon sa canteen nina tita Josie. Kumakain. Pero hanggang dito kasama namin yung mga bodyguards at nandun sila sa pinto ng canteen.
"Hindi ba pwedeng palayasin ang mga yan?"-tanong ni Angel.
"Nakakairita na ang mga yan ha."-sabi ni Rom habang nagbabasa ng magazine.
"Teka! Bakit ba nandito ang mga yan?"-tanong ni Reine.
Haist!
"Ewan ko ba. Ayoko na nang ganito!"-sabi ko habang dahan dahang isinusubo yung pancake ko.
Bakit ba kailangan ko pang maging maganda para habulin ng mga lalaki? hahaha! Echozx! >0<. Pero hindi nga? ganun ba talaga ako kahabulin ng mga lalaki? pero.. bakit hindi ko man lang naranasan kay Dandan yun? ang tingin nya lang saken parang isang kapatid.
BINABASA MO ANG
Stay Girls [Tropang GG]
Teen FictionHAppiness, Love, Loneliness, dorkiness, sweetness etc.. you can find these feelings from your TRUE FRIENDS.. Tropang GG! I miss you a Lot.. TToTT ****** This Story is dedicated to my friends.. ^-^