Chapter 36
Mary's POV
Habang naglalakad ako mag isa papunta sa Faculty room, nakita ko si Moses na nagmamadaling tumakbo habang may buhat buhat. Hindi ko na napansin yung babaeng buhat nya kasi, nakatalikod na sila. Napatingin ako sa sapatos na suot nung babae. Black na addidas na rubber shoes.
Hmmf.. parang may nakikitaan ako ng sapatos na yun. Pamilyar saken ang sapatos na yun.
Nagdiretso na lang ako sa faculty room para kausapin si Ms. Coronadal para sa Dream Festival na magaganap sa October 20. Ako kasi ang pinapunta ni Rom dahil busy sya sa paggawa ng project namin sa Arts.
Pagpasok ko pa lang ng pintuan ng faculty room, nakita ko nang nagkakagulo ang lahat ng teachers sa loob at hindi mapakanali sa pagta-type. Lumapit agad ako kay Ms. Coronadal.
"Ma'am?"-ako.
"Bakit Mary?"-tanong ni ma'am habang patuloy sa pagta-type at click sa mouse. Haggard ha!
"Ma'am! Pinapunta po ako dito ni Rom para kausapin kayo sa nalalapit na Dream Festival!"-sabi ko.
"Sige! Maupo ka na muna dyan."-ma'am.
Naupo naman ako dun sa upuan sa harapan ng table ni ma'am. Hindi ko naiwasang mapatingin sa mga teachers na nagkakagulo sa loob.
"Nasaan si Rom?"-tanong ng isang boses.
Lumingon ako dun sa tayo ni Mrs. Valera at nakita ko si Elyot na nakaupo.
"Elyot. B-Bakit nadito ka?"-ako.
"Hmm.. ako nagtatanong eh. Nasaan si Rom?"-tanong nya.
"N-nasa classroom. Ginagawa yung project sa Arts."-ako.
"Tss.. bakit sya ang gumagawa? Nasaan ba yung mga ka-Group nya?"-Sya.
=_=" nakakainis din naman ang mga ganitong tao no. Natatamaan ako sa sinasabi nya lalo pa't ka-group ko si Rom.
"Ikaw? Bakit hindi mo sya tinutulungan?"-tanong ko. Isa din kasi sya sa mga ka-group ko.
"Huh?!"-sya.
=,=
"Anong 'Huh?!' Ka dyan? Eh isa ka dun sa binabanggit mo."-sumbat ko sa kanya.
"Ka-Group ko ba si Rom?"-pagtataka nya.
Tss.. Gunggung!
Habang patuloy nyang iniisip kung ka-group nya si Rom, kinuha ni ma'am ang isang binder sa loob ng drawer nya.
"Mary! sabihin mo kay Rom na sya na ang bahala dito. Pati ito, ibigay mo din kay Hannah. Tapos, pwede nyong ipamigay 'to sa labas? itong tracks?"-ma'am.
Ipinakita ni ma'am yung tracks saken ng biglang hinanggit naman ni Elyot.
"Ma'am! Tutulong po ako."-sabi nya habang binabasa yung mga nakasulat sa tracks.
"Uhmm.. mabuti! Sige, Mary! ipamigay nyo na yang tracks at bilisan mong ibigay yan kay Hannah at Rom."-utos ni ma'am.
"Salamat po ma'am."-palabas na 'ko ng pinto ng biglang hinawakan ni Elyot ang braso ko.
"Saglit! Di ba't kasama mo akong mamimigay."-sabi nya.
=_=" ang tagal ehh..
"Eh di bilisan mo! Kailangan nating magmadali."-sabi ko sabay hawak sa wrist nya pahigit.
Nagmadali kaming bumalik sa classroom at nakita ko agad si Rom na naggugupit ng illustration board.
"Rom! ito na yung kailangan sa Fest."-sabi ko habang iniaabot sa kanya.
BINABASA MO ANG
Stay Girls [Tropang GG]
Teen FictionHAppiness, Love, Loneliness, dorkiness, sweetness etc.. you can find these feelings from your TRUE FRIENDS.. Tropang GG! I miss you a Lot.. TToTT ****** This Story is dedicated to my friends.. ^-^