Chapter 40

22 0 0
                                    

Chapter 40

Mary's POV

-kinabukasan-

At ngayon na ang Dream Festival. Ang pinakahihintay-hintay ng maraming tao.

Open gate kami ngayon kaya naman maraming estudyanteng galing sa ibang campus. At isa na dyan ang Caspian University, Diamond Women's Academy at ang KENT HIGH SCHOOL!! 

Tsak na maraming Wafu! Kyyaaa~~ Sana maraming dumalo galing sa Kent pero ang Diamond, tss.. huwag na lang.

Habang naglalaro ako sa harapan ng salamin sa loob ng banyo habang naka-bathrobe, bigla na lang binuksan ni Tin Tin yung pinto.

   "Mary! Tara na sa gy-- teka! Anong style yan? Paki-explain."-puna nya sa pose kong parang baliw sa harapan ng salamin.

Nakatayo lang naman ako habang nakahawak sa baywang at naka-bend ng 90 degrees. Tumayo akong agad at inayos ang sarili.

   "Hmph! Teka! Bakit ba basta-basta ka na lang nagbubukas ng pinto?"-pagtataray ko.

   "Tss.. ang tanong eh, bakit iniiwan mong hindi naka-lock ang banyo. Tsk!.. bilisan mo na nga dyan. Kailangan pa nating mag-rehearse."-isinara nya na yung pinto.

+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+

   "Bakit ba lagi na lang tayong hindi ka-belong sa mga usapan nila nitong mga nagdaang araw?"

   "Kaya nga eh."-paki-ayon ni Micah na kasama ko ngayon dito sa labas ng Gymnasium.

Hindi na naman kasi kami isinasali dun sa usapan. Ano bang meron at ganun sila sa amin? Lagi na lang nila kaming itinaboy.

   "Haist! Bakit ba ang malas malas ko?!"-paiyak na sabi ni Micah habang nakatitig sa screen ng phone nya.

   "Bakit naman?"-tanong ko.

    "Kasi...*cry"-nagsimula na syang umiyak.

    "Hoy! Ano ba!? Bakit ka ba naiyak? Baka pagkamalan na pinaiyak kita."-sabi ko.

Hanggang sa naglabasan na silang lahat mula sa gymnasium.

   "Oh. Bakit nag iiyak si Micah?"-tanong ni ma'am Kate.

Agad na lumapit si Pathy kay Micah at hinila papunta dun sa bandang likuran ko.

   "Bakit ka ba naiyak?"-pakinig kong tanong ni Pathy.

    "Walang *sob nakakaalala sa *sob .. sa araw na 'to."-sabi nya habang nagpupunas ng luha.

Stay Girls [Tropang GG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon