Chapter 31

31 0 0
                                    

Chapter 31

 

 

Ynna's POV

 

   "Ynna! bored na bored na 'ko."-reklamo ni Angel habang nakaupo sa likudan namin ni Mary.

 

Hanggang ngayon, hindi pa rin kami nag iimikan ni Mary. Kasi naman, bakit ba lagi nya na lang yung iisipin. Hindi lang dahil kay Glyza 'tong pinag aawayan namin kundi dahil din kay.. alam nyo na. Kay Charlie.

 

  "Hoy! Kayo bang dalawa, eh hanggang ngayon, magkaaway pa rin kayo?"-tanong ni Angel.

 

Hindi kami ang sumagot ng tanong nyang yun kundi si Dimple.

 

   "Oo. Magkaaway pa rin ang dalawang yan."-sagot ni Dimple.

 

   "Whoa! Talagang sineryoso nyo yung away nyo dahil sa pagiging 'BFF' ni Glyza?"-tanong ni Angel.

 

    "Hindi yun!"-sabay pa kami ni Mary.

 

Bakit nga ba kailangan pa naming paabutin ang away naming 'to ni Mary dahil sa lalaking yun? Eh lalo pa't wala naman syang care sa feelings namin.

 

Pero paano ako makikipagbati kay Mary? Ayoko naman na ako yung bibigay no.

 

+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+

 

 

Nagpunta kami ng mini park para tumambay. Kasama ko si Dimple, Glyza at Tin.

 

   "Haist! Malapit na birthday ni Micah. Isang buwan na lang at 15 na sya."-Glyza.

 

   "Ano? Isu-surprise naten sya?"-tanong ni Tin.

 

   "Bahala na. Ang mahalaga gumaling na sya."-Glyza.

 

Habang nag uusap sila, kinuha ko na lang yung phone ko para maglaro kasi naiinip na 'ko. Kung hindi lang siguro nagkasakit si Micah may kausap ako ngayon.

 

Ng biglang tumahimik sila, kaya naman napatigil ako sa paglalaro at napatingin saglit sa kanila. Nakita ko si Charlie na dala ang isang bouquet ng bulaklak at box ng chocolates palapit sa pwesto namin.

 

   "Charlie?"-ang lumabas sa mga bibig namin.

 

Tumigil sya sa tapat ni Dimple habang hawak ang flowers and chocolates.

 

   "D-Dimple. For you."-iniabot nya ang flowers and chocolates na dala nya kay Dimple.

 

   "B-Bakit?"-tanong ni Dimple habang napapansin kong maya't maya ang sulyap nya saken.

 

   "Ah. Gusto sana kitang maging Girlfriend."-Charlie.

 

<///3 +_+ TT.TT 

Stay Girls [Tropang GG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon