Chapter 35
Tin's POV
-3 days later-
Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto, nakaupo lang sa kama ko habang nakatingin sa bintana. Hinihintay ko yung tutor ko. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin sya kilala. Araw araw ko na syang kinukulit pero ayaw nya pa ring sagutin ang tanong ko. Pero sa katunayan, ngayon na ang last day nya as my tutor. Bukas, papasok na 'ko. May maisasagot na 'ko kasi magaling magpaliwanag 'tong tutor ko.
*tok! *tok!
Baka sya na yan.
"Pasok!"-ako.
Pumasok naman sya. At syaka naupo sa study table ko. Naupo ako sa tabi nya at syaka ko kinuha yung ballpen at libro ko.
"Tapos mo na yung pinagawa kong assignment?"-tanong nya.
"Yes Tutor! andali andali eh."-sabi ko.
Nagsimula na kaming mag-aral. Medyo nalulungkot ako na nasasayahan kasi, nalulungkot dahil aalis na ang tutor ko pero nasasayahan ako kasi malapit na 'kong bumalik sa school.
Maya maya natapos na kaming mag-aral. Nagpaalam na sya saken at syaka lumabas ng pinto. Pagkalabas nya ng pinto, parang feeling ko gusto ko pa syang makita kasi parang hindi pa sapat yung itinuro nya. Hindi ako nakatiis, palihim ko syang sinundan hanggang sa makapunta sya sa loob ng office ni Dad. Hanggang sa may pinto lang ako. Aalis na sana ako ng bigla kong marinig ang pangalan ko na pinag uusapan nila sa loob, kaya napabalik ako ng hakbang para isandal ang tenga ko sa pintuan para pakinggan ang pinag uusapan nila.
"Si Christine? Bakit?"
"Magaling po ang anak nyo. Kaya hindi na po nya kailangan ng kagaya ko. Tinanggap ko lang po 'to dahil, kailangang kailangan ko lang po talaga."
"Naiintindihan ko. Tama ang naging desisyon ni Mommy na ikaw ang maging tutor ng anak ko dahil mukhang nadagdagan pa ang kaalaman ng anak ko. Dahil siguro sa pagtuturo mo sa anak ko, hindi na sya malalaglag sa top 20 ng 100 students ng batch ng klase nila."
"Hmm."
"Sige! Ito na yung pambayad nyo sa renta ng bahay at ito na ang bayad ko sayo."
"Salamat po. Aalis na po ako."
O_O aalis na sya.
Hindi ako mapakanali kung saan ako pupunta lalo pa't malapit na syang lumabas ng office ni Daddy. Nagpunta agad ako sa may hallway para magpanggap na papunta pa lang sa office ni Daddy. Naabutan nya akong nakaganun.
"Christine! Pasaan ka?"-tanong nya.
"Huh? ah. Pupuntahan ko si Daddy para kausapin. Sige!"-agad akong tumakbo papasok sa office ni Daddy.
Pagpasok ko, naabutan ko si Daddy na nagla-Laptop.
"Christine! Bakit?"-Daddy.
"Daddy! pwede matanong kung saan sya nakatira?"-tanong ko.
"Sino?"-Daddy.
"Y-Yung tutor ko."-ako.
"Bakit?"-Daddy.
"Kung saka-sakali kapag may kailangan akong itanong o kaya naman kapag kailangan ko ulit syang kunin as my tutor."-ako.
"Huwag mo nang kunin dahil, sasabihin ko na lang sa kanya kapag kailangan mo sya."-Daddy.
Magsasalita pa sana ako ng biglang pumasok si Ate Chezka.
"Dad! Pwede ba akong pumunta sa mall?"-tanong nya.
"Sinong kasama mo?"-tanong ni Dad habang patuloy sa pagla-Laptop.
"Aling Hilda! Bibili kasi ako ng bagong sapatos."-Ate.
"Okay! Basta aagahan nyo ang uwi."-Daddy.
Ganun lang sya kung pumayag kay Ate, palibhasa matalino at laging sumusunod sa kanya. Samantalang ako, pinaghihigpitan kasi daw kulang pa ang ginagawa ko. Kasalanan ko ba na ito lang yung kaya ko?
Kaasar!
Reine's POV
"SARANGHAE!!! SARANGHAE!!!"
Nandito ako ngayon sa soccer field, nagsisigaw ng "SARANGHAE!!" ibig sabihin, I LOVE YOU. Itinuro lang yan saken nung dalawa ni Dimple at Ynna.
"SARANGHAE!"-pagkasigaw ko.
"Hoy! Tumahimik ka nga!"-saway saken nung isang boses na nasa likod ko.
Humarap ako sa kanya at nakita ko ang pagmumukha ni Moses. Yung kaklase naming basta na lang sumakay ng van makasama lang sa Makati nung magvo-voice lesson kami.
Lumapit sya saken at syaka sya nagsalita.
"Tumigil ka ng kasisigaw dyan, nakakabulabog."-Moses
"bakit??"-ako.
May dinukot sya sa bulsa nya at syaka nya kinuha ang isang pera mula sa wallet na dinukot nya. Inabot nya saken.
"Ano yan?"-tanong ko.
"Kunin mo! Pambayad mo ng kausap."-binitiwan nya yung pera at nagpatak sa harapan ko. Tumalikod na sya at saka naglakad.
Err! Suplado! Ang yabang pa.
Sinigawan ko sya.
"HOY! MERCADER!"-ako.
Tumigil sya sa paglalakad at syaka sya lumingon saken. Lumapit ako sa kanya, Habang naglalakad ako palapit sa kanya, bigla ko na lang naramdaman na matutumba ako. Ang dulas kasi nung lupa.
"AH!!"-ako.
Aray! ang sakit nun ha!
Ang sakit ng ankle ko. Hindi ko makayanang tumayo sa sobrang saket.
"Ah!"-ako.
Napatingin ako kay Mercader na naglalakad palapit saken. Syaka nya inilagay ang braso nya sa likod ko at syaka nya inilagay ang isa pa nyang braso sa ilalim ng mga binti ko. Binuhat nya 'ko. Habang buhat buhat nya 'ko, nakatitig lang ako sa kanya.
Dinala nya agad ako sa clinic. Matapos lagyan ng benda ni sir Gremil ang ankle ko agad nya akong isinakay sa wheel chair.
"Reine! Bawal ka pa munang maglakad sa loob ng 3 araw kasi mahihirapan ka."-sir.
"Opo. Sir."-sabi ko.
Agad namang nakita kong tumayo si Moses mula sa pagkakaupo. Lumapit agad sya saken at syaka nya itinulak ang inuupuang wheel chair.
"T-Teka!?"-ako.
"Sir. Aalis na po kami. Baka po kasi ma-Late pa kami sa next class namin."-Moses.
"Hmm.. naiintidihan ko. Sige!"-sabi ni sir habang nakatawa.
Agad agad itinulak ni Moses ang wheel chair ko papunta sa classroom namin. Pagpasok namin sa classroom, nakita ko agad ang lahat ng mga kaklase namin na nakatingin sa amin.
"Abha! May bagong love team na naman ang SM!"-pakinig kong pang aasar ni Alexa.
"Tsk! Tumigil ka nga Alexa!"-sigaw ni Moses at syaka ako iniwan sa may pinto.
Abha! At.. iniwan talaga ako dito mag isa sa tapat ng pintuan.. kaasar ang suplado nya talaga.
BINABASA MO ANG
Stay Girls [Tropang GG]
Teen FictionHAppiness, Love, Loneliness, dorkiness, sweetness etc.. you can find these feelings from your TRUE FRIENDS.. Tropang GG! I miss you a Lot.. TToTT ****** This Story is dedicated to my friends.. ^-^