Chapter 27

35 1 0
                                    

Chapter 27

Micah's POV

"God gave me you~ to show me what's real~"-alarm ng phone ko.

Pinatay ko agad yung alarm ng phone ko.

Damn! Bakit ba kailangan pang maging maaga ang gising namin ngayong araw na 'to?

"Micah! Bakit di ka pa nabangon dyan?"-tanong ni Pathy habang nagbibihis.

"Hmmf.. kailangan ba talagang sa labas pa ng campus tayo magvoice lesson?"-tanong ko habang nabangon mula sa pagkakahiga ko.

"Ayaw mo nun? Masaya nga yun eh, makakagala tayo!"-tuwang tuwang sabi ni Pathy.

Magpupunta kasi kami sa isang school kung saan nag aaral ng pagkanta ang marami. Ipapakilala kami ni Ma'am Kate sa may ari nun para matutukan for 1 week.

"Bilisan mo na dyan! Magbihis ka na!"-utos ni Pathy.

Kaya tumakbo na 'ko papunta sa banyo para maligo.

Yung kasama lang sa top ten ng Class A ang makakasama. Syempre yung kasali lang din sa Glee club (ahaha! Glee ang ipinangalan sa singing club namin).

Ako, si Pathy, si Tin, si Reine, si Rom at si Glyza. Actually hindi naman kasali sa top 10 si Glyza, isinama lang ni ma'am kasi isa sya sa may pinakamataas na pitch sa Glee club.

Excuse muna kami sa loob ng isang linggo at malalayo ako sa History books ko. Maiiwan din namin for a while ang mga bruha este sina Mary, Angel, Ynna at Dimple.

+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+_+

Lumabas na kami ni Pathy sa loob ng kwarto. Nagpunta na kami sa room kung saan kami laging nagvo-voice lesson. Hinintay na namin si Ma'am Kate.

Nagpunta na kami sa labas para sumakay sa van na kinuha ng school para sa amin.

Siguro kaya kami papapuntahin dun ni ma'am Kate para mabawasan ang mga sakit sa ulo nya. Hawak nya pa kasi ang Dance club at LITHE (theater club).

Magkatabi kami ni Pathy at ni Tin sa gitna. Nasa likod naman namin sina Rom at Glyza. Nasa unahan naman namin si Reine na nag iisa.

"Dun na kaya ako sa tabi ni Reine! Nag iisa lang sya dun ehh."-tatayo na sana ako ..

Stay Girls [Tropang GG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon