Chapter 30
Micah's POV
"Zzz~~ Zzzz~~ ZZzz~"
Naalimpungatan ako sa ingay na yun.
Pagkagising ko, naramdaman kong nakahiga na 'ko dito sa kama, dito sa loob ng clinic at may lalaking natutulog sa bandang paanan ko. Hindi ko mapagmasdan ang itsura nya dahil nakatungo sya.
"E-Excuse? Me?"-sabi ko.
Bigla namang nagising ang lalaking tulog at.. O_O! bakit nandito ka? Carl?
"Ah! G-Gising ka na pala! Uhmm.. ayos na ba ang pakiramdam mo?"-tanong nya.
"Huh?! oo naman? teka?! bakit nandito ako? anong nangyari saken?"-tanong ko.
"Nahimatay ka kasi kanina sa hindi malamang dahilan."-sagot nya.
"Ah! G-ganun ba?"-ako.
Err.. naaalala ko na yung nawalan ako kanina ng malay. pero until now, hindi ko pa rin maisip kung sino yung lalaking yun.
"saglit lang ha! tatawagin ko lang si Melissa!"-tumayo sya para lumabas.
"Huwag na!"-hinawakan ko yung kamay nya para pigilan.
"Huh?! bakit? eh s-sya yung nagdala dito. kaya dapat ihat--"-sya.
"Hindi na! kaya ko na 'to!"-sabi ko.
Nakita kong nakatingin sya sa kamay namin at mukhang hindi komportable. Kaya napansin kong.. oo.. nakakahiya nga. >///< inalis kong agad ang pagkakahawak ko sa kamay nya.
Ng biglang pumasok si Dr. Chiu.
"Oh! Hija! gising ka na! Wala ka na bang nararamdaman?"-tanong nila.
"ah! ayos na po ako doc! Salamat po."-sabi ko. Tatayo na sana ako mula sa pagkakahiga ko ng biglang pinigilan ako ni Carl na tumayo.
"Wait! Bawal kang mapagod kaya ihahatid na kita sa dorm nyo."-sabi nya sabay kuha sa wheel chair na nasa tabi ng kamang kinahihigaan ko.
Isinakay nya 'ko dahan dahan sa wheel chair. Habang inaasikaso nya ako sa pagsakay sa wheel chair, tinititigan ko sya. Hindi ako makapaniwala kung gaano ako kaswerte dahil.. UH! NO! Micah! huwag ka ngang mag isip ng kung anu-ano!
Pero nakakatuwa pa rin, kasi sya pa ang nag aasikaso saken. Matapos kong makaupo ng ayos sa wheel chair.
"Doc! Salamat po! Ihahatid ko na po sya."-pagpapaalam nya.
"Sige Hijo! Basta, huwag mong kakalimutang magrelax Hija!"-Doc.
BINABASA MO ANG
Stay Girls [Tropang GG]
Teen FictionHAppiness, Love, Loneliness, dorkiness, sweetness etc.. you can find these feelings from your TRUE FRIENDS.. Tropang GG! I miss you a Lot.. TToTT ****** This Story is dedicated to my friends.. ^-^