Chapter 24

37 1 1
                                    

Chapter 24

Micah's POV

Monday! Today is Monday! Yesterday was Sunday! And tomorrow will be Tuesday!

Panibago na namang week nang pag aaral, pagpapagod at pagpapakabagets.

Nandito kami ngayon sa loob ng classroom habang nagsusulat ng lecture at nakikinig sa pagdidiscuss ni Sir Briones.

Aaminin ko! Inaantok ako sa klase ni sir. Hindi ko alam kung bakit. Pero kada bubuka ang bibig ni sir, gusto na agad bumaba ng mga eyelids ko.

"Ang pagsisinungaling ay ano?"-sir.

Wala nang sumasagot dahil inaantok na.

Ako! Feeling ko, babagsak na ako sa sobrang antok! Mabuti na lang at nandito ako sa likod, hindi halata kapag natulog .

ZZZZZZZzzzzzzz~~~

ZZZZZzzzz~~~

ZZZZZZZZZZZZzzzzzzzzzzzz~~~~

Nakita ko ang isang lalaking nakatalikod habang nakapayong at nakatingin sa malayo. Nilapitan ko sya para tingnan, at lumingon sya saken. Nakita kong si Carl ang lalaking yun.

"Ms. Wu! Ms. Wu!"

Nagising ako dun sa nagsalitang yun. Nanaginip lang pala ako.

Pagmulat ko nakita kong nakatingin ng lahat ng kaklase ko saken at nagtatawanan. Hinanap ko ang mukha ni Carl na nagpakita sa panaginip ko, pero wala sya kasi hanggang ngayon nasa Theater Club pa rin sila nina Mary, Ynna at Kenjie. Napatingin naman ako sa harapan ko na sumasangga sa liwanag.

"Mr. ... Mr. Briones? *Gulp"-ako.

"Get out!"-sigaw ni sir saken.

Ugh! No choice ako! Kaya dinala ko yung desk ko sa labas ng classroom at bida bida ako dito sa hallway. Dito ko na itinuloy yung pagsusulat ng lecture.

Habang nagsusulat ako, dumaan si Melissa habang may dalang patong patong na folders.

"Micah? Bakit nandito ka sa labas ng classroom nyo?"-tanong nya.

"Parusa saken ni sir. Natutulog kasi ako sa klase."-sagot ko.

"Sino bang teacher nyo ngayon?"-sabay silip nya sa may pinto.

Stay Girls [Tropang GG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon