Chapter 39

18 0 1
                                    

Chapter 39

Reine's POV

Nandito pa rin kami hanggang ngayon sa kwarto nina Tin at Mary para pag usapan ang Dream Couple. Isa sa mga nominado sina Mary & Elyot, Huge & Melissa at Micah & Carl.

Kaya namin ayaw pauwiin dito kahapon agad si Mary dahil nag aasikaso kami para sa susuotin nila ni Elyot. Ang hirap magprepare para sa mga taong hindi alam ang nangyayari.

Kahapon pa kaming naglibot sa buong campus para botohin ang karamihan para sa mga yun. At ang mga nominadong yun, pinalayas muna namin dito sa school. Si Micah, hindi na kasi maghapon at magdamag syang nag iyak dahil inaway lang sya ni Jacob.

Ngayon, pinag uusapan namin ang tungkol sa flashmob. Marami kasing bumoto para kina Mary at Elyot, samantalang ang kina Micah, 20 votes lang. Pabobotohin pa namin yung mga guests tomorrow. Magiging open gate kami tomorrow dahil sa event kaya ultimong mga outsiders, makakapasok dito.

   "Reine! Ikaw na ang bahalang magpanggap na magreregalo ng dress kay Mary."-utos ni Rom.

   "Sige."-ako.

   "Ikaw naman kay Elyot! Yayain mong manood sa gym."-utos naman ni Rom kay Dimple.

   "Huh? Hindi kami close nun."-sabi nya.

   "Hmm.. sasama yun sayo."-Rom.

   "Magpapalit pa ba tayo ng damit pagkatapos ng performance?"-tanong ni Pathy.

   "Oo. Pero kung hindi na kaya ng oras, huwag na lang."-Rom.

Haist! Medyo haggard. Tsak na pabonggahan mamaya ng dress. Yung akin, ipapadala na lang daw ni mommy. Ang request kong kulay ng dress ko ay Royal blue. Hahaha.. fav. Ko eh.

Natapos ang meeting kaya balik na kami sa kanya, kanyang kwarto. Ako, dun sa kwarto nina Angel at Glyza nagpasok.

   "Kumusta ang susuotin nyo bukas?"-tanong ko sa kanila.

   "Yung akin, dadalhin na lang mamaya nung designer namin."-sabi ni Angel habang nakaupo at naglalaptop.

Eh di ikaw na. Djk. Kay Rajo pa yata yan nagpagawa ng damit eh. Hahaha..

   "Eh yung iyo Glyza?"-tanong ko.

   "Ito oh!"-binuksan nya yung closet nya at nandun ang nanginginang na gold cocktail dress.

Wow!

Matapos kong magtingin ng damit kina Glyza, pinasok ko naman ang kwarto nina Ynna at Dimple.

Stay Girls [Tropang GG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon