Chapter 33
Micah's POV
Ano ba yan ang landi landi ng babaeng yun. Napatingin ako kay Pathy. Napansin ko ang lungkot sa mukha nya. Ng bigla nyang ipinatong ang hawak nyang smoothie
"Sige! Maiwan ko na muna kayo. Tatapusin ko lang yung project sa T.L.E."-bigla syang tumayo.
Magsasalita pa sana ako ng biglang hinawakan ni Glyza ang kamay ko para pigilin. Kaya hindi na lang ako umimik at hinayaan na lang syang umalis. Pagkaalis ni Pathy, agad akong tumayo at nagsalita.
"Hindi maaari 'to. Kailangan natin syang tulungan. Kung kailangan mang masaktan ang babaeng yan, gagawin ko. Makikisama ba kayo saken?"-tanong ko habang nakalahad ang braso ko sa gitna.
"Sige! Isa 'ko dyan!"-ipinatong ni Mary yung kamay nya sa kamay ko.
"Ako!"-ipinatong na rin ni Ynna ang kanya hanggang sa lahat na sila. At sabay sabay naming itinaas ang kamay namin. "PARA KAY PATHY!!"-sigaw namin sa loob.
Sa lakas ng boses namin, nagtinginan na naman sa amin ang mga nakain sa loob at isa na dun si Lance.
"Oh. K-Kayo pala! Nandyan pala kayo."-Lance.
"Ay wala! Wala kami dito! Ilusyon mo lang kami."-pambabara ni Rom sabay walk out.
"Anong problema nun?/ uhmm.. kayo? Bakit napakinggan ko yung pangalan ni Pathy?"-tanong ni Lance sa amin.
Kinuha ko yung dala kong scribble and doodle notebook at Histoty book ko. At syaka kami sabay sabay na umalis at hindi man lang pinansin si Lance.
Naglalakad kami sa labas ng biglang may bumangga saken kaya pumatak yung notebook at history book na dala ko. Habang pinupulot ko yung book ko at niya.
"Pasensya na! Nagmamadali kasi ako. Kailangan ko lang talagang ihabol yung assignment ko sa History."-sabi nung lalaking nakabunggo ko. Ako naman dadamputin ko na sana yung book ko ng biglang humara ang kamay nung lalaki. Napatingin ako sa kanya at O_O .. napatigil ako sa paggalaw ng makita ko sya. Siya si Carl.
"Ito na yung book at notebook mo. Pasensya na talaga!"-iniaabot nya saken yung book ko habang ako, nakangiti lang sa kanya at tigil ang mundo.
"Salamat ha!"-wala sa sarili kong sabi.
"Uhmm.. sige! I Have to go."-umalis na sya, samantalang ako ito nakatulala pa rin.
*Pak
Aray!
"Ouch! Ano ba!? Masakit yun ha!"-ang reaksyon ko matapos akong batukan ni Mary.
BINABASA MO ANG
Stay Girls [Tropang GG]
Teen FictionHAppiness, Love, Loneliness, dorkiness, sweetness etc.. you can find these feelings from your TRUE FRIENDS.. Tropang GG! I miss you a Lot.. TToTT ****** This Story is dedicated to my friends.. ^-^