Chapter 37

17 0 0
                                    

Chapter 37

Tin's POV

Good Morning!

Whoa~ Ansaya-saya! Babalik na 'ko sa school. Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko habang nagsasapatos.

Matapos kong maitali ang sapatos ko, agad ko nang kinuha ang backpack ko at mabilis na bumaba ng hagdan papunta sa garage namin.

"Christine! Bilisan mo naman. Pupunta pa 'ko sa Restaurant."-utos ni Daddy.

Agad ko namang binuksan ang pinto at syaka sumakay. Napatingin ako sa katabi ko at si ate yun habang nakaheadset.

"Ate!?"-ako.

Iuutos ko sanang pakisarhan ang windshield. Pero patuloy lang sya sa pagsa-sound trip. Ini-start na ni Dad yung engine at syaka pinaandar, pero hindi pa rin ako pinapakinggan ni ate.

Teka!? Bakit nga ba kasama 'tong si ate?

"Dad! Ibaba nyo na lang ako sa back gate."-sabi ni ate.

"Okay!"-Daddy.

O.o? Back gate?

Saan pupunta ang Frenchezca na 'to?

Maya maya pa, habang nakahalumbaba ako at nakatingin sa labas nakita ko yung gate ng school nina ate. Ah! Oo.. University student na nga pala 'to.

Umikot pa yung kotse at dun pa sa likod ibinaba si ate. Pagkababa ni ate agad na tumakbo si ate paalis. Parang may tinatakasan?

Pinatakbo na ni Dad ang kotse at agad akong nagtanong.

"Dad? Bakit ganun si Ate?"-tanong ko.

"Tumatakas sya sa mga haters nya."-Daddy.

HATERS?! Talaga!? Meron sya nun? Bakit?

"Bakit? Bakit nagka-Haters si ate?"-tanong ko.

"Napili kasi sya as their Campus Queen kung saan ilalaban siya sa ibang school. Eh masyadong maraming nagagalit."-paliwanag ni Daddy habang patuloy sa pagda-Drive.

Hmmf.. Nagkalat na talaga ang mga inggitera! Tss..

Maya maya pa, nakarating na kami sa Campus. Ipinark pa ni Daddy yung kotse. Pagkababa ko, agad na bumaba si Dad at may kinuha sa trunk ng kotse. Inilabas ni Dad ang isang black na maleta.

"Christine! Dalhin mo na 'to."-utos ni Dad.

"Ano 'to?"-tanong ko.

"Basta! Dalhin mo na lang. Kailangan ko pang magmadali."-Sabi ni Dad sabay sakay sa kotse. Iniwan na 'ko ni Dad na hindi ko man lang alam ang laman nitong iniwan nyang maleta.

Naglakad na lang ako papunta sa dorm habang hila hila ko yung maleta. Habang naglalakad ako, nakasalubong ko si Angel.

"Pst! Bessie!"-tawag ko.

"Oh! Tin!!"-niyakap nya agad ako.

**Dorm**

Habang naglalakad kami papasok ng kwarto, pinagku-kwentuhan namin ang mga nangyari nitong mga nakaraan dito sa campus.

"Ang galing ha!"-sabi ko sabay bitaw sa maletang dala ko.

"Teka! Bakit may dala kang maleta? Hindi ka naman umuwi na maraming dala ah."-pagtataka ni Angel.

"Ewan ko ba kay Daddy!"-sabi ko habang binubuksan yung maleta.

Pagjabukas ko, may apat na boxes ng sapatos.

"Ano yan?"-Angel.

Inilabas ko isa isa yung mga box at syaka binuksan. Nakita ko ang isang black shoes at may letter pa sa loob. From ate =_=

Stay Girls [Tropang GG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon