Chapter 32
Tin's POV
"Dimple! Bakit hindi mo sinagot si Charlie?"-tanong ni Glyza habang nag-aayos ng gamit.
Syempre kasi ayaw nya. Ayun lang ang sagot dun. Kaya nga natutuwa ako na hindi nya sinagot si Charles Gwayne Abanez ko.
"Dahil hindi ko sya gusto!"-sagot nya.
"Talaga?!"-walang kabuhay buhay na sabi ni Glyza.
Ano ba 'to? Pinanganak sa North pole? Sa South pole? Sa Alaska? Sa Antartic o saang lugar na may yelo? Ang lamig eh.
"Glyza? Pinaglihi ka ba sa yelo?"-tanong ko.
"Di ba't nasagot ko na yan. Lagi mo na lang yang tinatanong saken eh. Sya mo na ngang panggalawa saken eh. Yelo! English word ng dilaw."-sabi ni Glyza.
"Tss..totoo naman na Yelo ka eh."-ako.
"Ms. Bolanios of G9-SM! Pinapupunta ka ng principal sa office nya. Ngayon na!"-pakinig naming dun sa speaker sa labas.
Nagtinginan sila saken.
"Oh? Bakit mga nakatingin kayo ng ganyan saken?"-tanong ko.
"Wala naman."-Glyza.
"Hala! Ano kaya na naman ang sasabihin ng lola mo sa'yo!?"-pananakot ni Pathy na nasa likod ko.
Hinampas ko naman sya sa balikat. "Ah! Ano ba!?"-Pathy.
Nakakainis! Bakit ba kailangan lagi akong ipapa-page ng lola ko?
**Principal's office**
"Nakita ko ang mga results ng exam mo last grading. At ayoko ng mga ganun."-sabi saken ni lola habang nakaupo sa pwesto nya.
"Lola! Ano pa bang gusto nyo? Hindi naman masama ah."-sabi ko habang nakaupo sa unahan ng table ni lola.
"Hindi masama!? Puro line of 7 ang mga grades mo sa Physics, sa Math, sa Literature pati na rin sa Science. Sa English ka lang tumaas at sa Music. At dahil dun, kailangan mo ng tutor."-sabi ni lola.
Tutor. Tss.. sino naman kayang-- O_O
T-Teka?
"ANO!? TUTOR!!? Bakit po?!"-gulat ko.
"Dahil gusto kong mapataas ang grades mo!"-sabi ni lola.
Ah! Sa panahong 'to, mga Elementary hanggang G7 lang ang nagtu-tutor. Nakakahiya kapag nalaman ng iba na magtututor pa ako.
BINABASA MO ANG
Stay Girls [Tropang GG]
Teen FictionHAppiness, Love, Loneliness, dorkiness, sweetness etc.. you can find these feelings from your TRUE FRIENDS.. Tropang GG! I miss you a Lot.. TToTT ****** This Story is dedicated to my friends.. ^-^